-Chapter 34-

126 20 35
                                    

Sino ang karapat-dapat kong mahalin? Sino ang pagtutuunan ko ng pansin?

-Unique, Sino


SHAMYRA


The next day, I became so busy. Nagsimula na ang practice namin para sa pageant na gaganapin two weeks from now. I was excused from my morning classes at dumiretso na kaagad sa auditorium para sa unang araw ng practice namin. Ang dami kong dapat habulin na lessons, nakakainis!


Tapos na nga akong maghabol ng tao, ngayon lesson naman ang hahabulin ko. Ano ba naman iyan.


Mabuti na lang talaga at kasali rin si Ari. May kasama ako tuwing break time at hindi ako mag-isang nakaupo lang sa gilid. Famous nga pala siya and believe me when I say kilala siya ng lahat. Nahihiya na tuloy akong katabi siya dahil ang daming humihinto para batiin siya at makipag-kwentuhan saglit. Matagal ko na rin namang tanggap na alikabok lang ako sa mundo, hays.


We're in the middle of our second break. Pinasuot na kami ng high-heeled stilettos para daw maaga kaming masanay. If I know, hasang-hasa ang mga paa ng ibang contestants sa mga takong na iyan. Hiniram ko pa nga itong akin kay Ari dahil may extra siyang dala. Mabuti na lang at pareho kami ng foot size dahil kung hindi, aba for sure mapapagalitan ako ng coordinator dito. Nakakatakot sila as in. May hawak pang megaphone ang beki sa harap na naka-toka sa intermission number at walks namin.


Napatingin ako sa mga paa kong namumula na dahil sa pabalik-balik na pagrampa namin simula pa kanina. Hinubad ko ang strap ng stiletto at hinilot iyon. Ganoon din ang ginawa ko sa kabila.


"Amyra okay ka lang?" Ari asked.


"Oo, okay lang. Hindi kasi ako sanay magsuot ng ganito." Minasahe ko pa ang mga paa ko bago sinuot ulit ang strap nitong stilettos.


"Masasanay ka rin. Tamang practice lang." She smiled kaya ngumiti na rin ako pabalik.


"Okay girls, awra na. Mag-sa-start na ulit tayo," narinig naming sambit ni Roy, he has a name now, sa megaphone niya kaya naman tumayo na kaming lahat.


I sighed. "Let's do this shit," I whispered to myself but Ari seemed to hear it which made her laugh. Hinila pa niya ang kamay ko.


"Let's do this shit, girl." She squeezed my hand habang hinihila ako papunta sa stage.


It's going to be one long morning for me. Ang tagal pa bago mag-lunch break. Kailangan ko na ang personal stress ball ko.


Padausdos akong umupo sa pwesto ko dito sa inangkin na naming table dito sa cafeteria. Nanghihina ring napaupo si Ari sa pwesto niya habang malapad lang na nakangiti sina Sin sa amin. Wala si Nemo dahil busy daw sa mga parating na events ng university. Wala rin si Anjo kaya naman naabutan na namin si Theo na nakaupo na naman sa pwesto na dapat ay sa kaniya.


"Kamusta naman ang aming mga binibining maririkit?" Kei asked at inakbayan pa niya si Ari na katabi niya. Padaskol namang kinuha ni Ari ang kamay ni Kei at pinilipit pa iyon.


"A-Aray! Aray! Tama na iyan Arianna, ano ba!" sunud-sunod na sigaw ni Kei. Tinatawanan lang naman namin ang priceless niyang mukha. Landiin ba naman si Ari, eh. Hindi pa rin binibitawan ni Ari ang kamay ni Kei kaya sumisigaw pa rin ang loko.


"Isa pa, Keian. Mapuputulan ka na ng kamay sa oras na hawakan mo ulit ako," pagbabanta ni Ari bago binitawan ang kamay ni Kei.


Ngumiwi pa si Kei nang mabawi na niya ang kamay niya. "Oo na nga. Si Amyra na nga ang liligawan ko na lang. Sobrang mapanakit mo." Sinamaan niya pa ng tingin si Ari pero binelatan lang siya nito.


Blurred Lines✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon