-Chapter 23-

133 25 32
                                    

I’m right over here but why can’t you see me?
-Calum Scott, Dancing On My Own

SHAMYRA

“Guys si Theo nga pala. Theo, si Sin, Ari, Nemo, Kei, Mikka, and Anjo,” pagpapakilala ko.

Nakanganga lang silang lahat maliban kay Anjo na halatang naguguluhan. Hindi naman kasi ako nagsabi na may isasama ako na kamukha niya pa. Nginisihan lang silang lahat ni Theo at umabante para ilahad ang kamay niya kay Anjo. Ano na naman ang gagawin nitong kumag na ito?

“Theo nga pala, pare,” pagpapakilala niya.

“Narinig ko nga,” pabalang na sagot ni Anjo. Hinarap niya ako at parang galit na dismayado na parang may inilihim ako sa kaniya. "Sino siya?" he added. Para bang naghihintay ng confirmation kung sino talaga si Theo. Haynako Anjo.

“Theo nga diba? Ano magtatangahan lang tayo dito? Hindi tayo aakyat ng bundok?” pairap na sagot sa kaniya ni Sin at nagsimula ng maglakad kaya’t sumunod na lang din kami.

Kinalabit ako ni Nemo. “Amyra, bakit magkamukha sila? Talagang magkamukhang magkamukha?”

Sumingit naman si Kei. “Oo nga. Baka naman nagpagawa ka ng robot na kamukha niya kasi malabong maging kayo niyan?”

Siniko nalang ni Ari si Kei. “Neknek mo talaga Keian.” Sumaludo nalang siya kay Theo.

Si Sin sinungitan lang din si Theo. Alam ko namang curious din siya pero nagtatampo kasi hindi naman ako nag-warning na may napulot akong alternate version ng kumag na si Anjo.

“Your friends despise me,” Theo chuckled. Kahit normal conversations lang, ang deep niya mag-english. Mas pinapalala niya lang ang mga bagay talaga.

“Grabe ka sa despise. Nagulat lang ang mga iyan. Ako ba naman magdala ng parang remake ng kaibigan namin?”

“Kaibigan lang ba talaga?” he smirked.

Hanggang doon lang kami.

Napabuntong-hininga na lang ako at nauna ng maglakad. Hindi ko na rin matandaan kung paano ko siya napapayag. Binilhan ko pa siya ng t-shirt dahil na rin natapunan ng kape yung damit niya. Nagpalitan lang kami ng numbers tapos nag-text lang siya kanina na taga saan daw ako para masundo niya ako. Nagpasundo na rin ako, just to piss Anjo. Alam ko din namang susunduin niya si Mikka. Ayaw ko namang maging third wheel na naman sa love story nilang dalawa.

Malayo-layo na din ang nalakad namin at so far, hindi pa naman mahirap ang trail. Paminsan-minsan, inaalalayan ni Anjo si Mikka dahil hindi naman talaga siya sanay mag-hiking. Hiking was our thing, but it seems like it didn’t matter to him as much as it mattered to me. Akala ko pa gusto niyang magkabati na kami. Turns out, kailangan niya lang pala ng excuse para mahawakan at maalalayan si Mikka. Edi wow. Sana nanood nalang sila ng sine kung saan madilim. Napakaleche ng mga pinaggagawa nila sa harapan ko. Ang sarap pag-untugin.

“O, baka matunaw.”

Inirapan ko nalang si Theo at mas binilisan pa ang paglalakad ko. Kinuha ko nalang ang cell phone ko para kunan ang trail at mga puno para ma-post ko sa ig story ko.

Dalawang oras pa ang nilakad namin bago kami makarating sa tuktok. Nag-set up na kaagad ang boys ng malaking tent habang napaupo nalang kami sa damuhan. Kinuha ko ang water jug ko sa bag at sunod-sunod na nilagok ang laman niyon. Nakita kong papalapit si Mikka kaya inabot ko sa kaniya pero umiling lang siya’t umupo sa tabi ko.

“Shammy about last Saturday—

“Okay lang iyon Mikka. You did nothing wrong.” I smiled.

“I don’t know. I felt like I had to say something. Hindi na rin kasi mapakali si Anjo.”

Hindi siya mapakali? Weh? Natatakot sigurong bastedin mo ulit. Naku naman Mikka.

“Ano ka ba. Okay lang kami.”

“Si Theo ba, boyfriend mo?”

I was tempted to say yes. Pero huwag na. Ang layo na ng inabot ni Theo. Nadadawit na ang pangalan niya sa kung saan. Umabot na nga siya sa tuktok ng Mt. Naandan tapos gagawa pa ako ng issue sa aming dalawa? Heck, no.

“Hahaha, hindi ah. Gusto mo i-reto kita?”

Napailing naman siya at ngumiti nalang. Natapos na nilang i-set up ang tent at nakita kong naglalakad sa direksyon namin si Anjo.
“Shammy pwede ba kitang makausap?”

Napalingon muna ako kay Mikka na nagkibit-balikat lang. Tumayo nalang ako at sinundan si Anjo. Huminto siya sa isang puno di-kalayuan. Pero medyo malayo na hindi nila maririnig kung magsigawan man kami dito. Nilingon ko si Theo na nag-thumbs up sa akin kaya nag-thumbs up nalang din ako.

Hinarap niya ako’t awtomatikong nagsalubong ang kilay niya.

“Shammy sino ‘yon?”

“Theo nga diba? Paulit-ulit?” irap ko na mas lalong kinagalit niya.

“Bakit mo siya sinama?”

“Sinama mo nga si Mikka, bakit ako hindi pwede?”

Napahilamos nalang siya sa mukha niya. “Shammy ano bang nangyayari sa’tin?”

I scoffed, “May tayo ba?”

Napatigil siya at napatitig nalang sa akin. Bumuntong-hininga sabay napailing. “Gusto ko lang naman magkaayos tayo. Naguguluhan na kasi ako Shammy. Ano bang mali? May nagawa ba ako? Sabihin mo naman o---

Stars kayo na ang bahala sa akin pagkatapos nito ah.

“Hindi mo talaga maintindihan no?” napabuntong-hininga ako.

Hanggang dito na lang din naman tayo eh.

“Ang alin? Mahina talaga ako sa puzzle games Shammy. Ano ba talaga---

It’s time to cross the line.

“Tangina mahal kita, Jo!”

Napanganga siya sa gulat habang napanganga ako dahil sa mga salitang nabitawan ko. Wala na tayong magagawa. Nabitawan ko na. Siya na ang bahalang sumalo o pumulot kung gusto niya.

Stars, pwede pasundo? I have finally said the words I should have buried instead.

Blurred Lines✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon