-Chapter 38-

109 13 29
                                    

For better or for worse, I'll always put you first.
-Moira x Nieman, Promise



Napahikbi ako nang makita ang tuhod kong nagdurugo mula sa pagkakahulog ko sa monkey bars.



"Shammy! Are you okay?!" Anjo rushed towards me with Mikka behind him.



Mas lalo lang tuloy akong napahikbi. "Alam mo namang hindi kasi masakit tapos tinatanong mo pa. Mamaa!" I cried even louder.



"Shall I call Tita, now?" Before we could answer, Mikka came running back to the direction of our house, probably to get my mama.



"Shh na Shammy. Akala ko ba hindi ka takot sa blood. I thought you're gonna be a doctor, too."



I pouted at him. "I'm not scared of blood. It hurts kaya. You should try jumping from a high place and then falling down without someone to catch you. Akala ko ba lagi ka lang nandiyan."



"Hindi naman ako superhero, Shammy." Tumabi siya akin sa pagkakaupo sa lupa at inayos ang palda ko.



Humikbi pa ako lalo nang matuluan ng luha ko ang sugat.



"Tss. Ayan kasi, umiiyak ka pa. Tahan na. Ibibili na lang kita ng ice cream mamaya." He used his hands to wipe my tears. My mood brightened just because of what he said.



"Tayo lang? Hindi kasali si Mikka?"



"Oo tayo lang."



Dali-dali kong pinagpagan ang palda kong nadumihan na ng lupa at tumayo na.



"I'm okay now. Let's go." Kinuha ko ang mga kamay niya't pinagsalikop iyon.



"That's my girl," he said before playing with my hair.



"Hey, stop that!"



"Stop what?"



"Iyan! Mama braided my hair. Stop that." I pouted.



He laughed. "Ang cute mo kasi."


SHAMYRA



Just a day after Lauv's concert. Everything went back to normal. Or maybe it's not. Maybe it's just wishful thinking on my part since all we have been doing is studying. Nasa condo kami ngayon ni Theo. Nakasandal ako sa mahaba niyang sofa dito sa living room habang nakaunan naman siya sa aking kandungan.

Blurred Lines✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon