-Chapter 7-

151 45 28
                                    

SHAMYRA

Iikot pa rin ba ang mundo kapag nawala ako?

Siguro. Siguro iikot pa rin ang mundo. Ano ba ako? Isa lang naman ako sa bilyon-bilyong taong namamalagi dito. Ano ba ang halaga ko para hindi na umikot ang mundo kapag nawala ako? Wala nga sigurong iiyak sa burol ko o mag-aalay ng bulaklak para sa akin.

Siguro kapag nawala ako, tiyak na makakatanggap na ako ng  mga bulaklak. Ang problema nga lang, wala na ako. Huli na ang lahat. Iisipin na ako ng lahat. Hihingi sila ng tawad sa mga kamalian nila sa akin pero huli na ang lahat.

Sana kapag nawala man ako, titigil pansamantala ang mundo ni Anjo. Pansamantala lang naman.

Dalawang araw na ang lumipas magmula nang mag-away kami ni Anjo. Dalawang araw na rin akong hindi lumalabas ng bahay dahil alam ko namang makikita ko siya sa labas. Pasalamat na nga rin ako at weekend ngayon.

Tinetext niya naman ako palagi ng mga quotes at binabati pa ako ng 'Good Morning' o kung anu-ano pa. Pero hindi niya ako maloloko dahil alam ko namang nagpapapansin lang siya, eh. Tsaka alam ko namang hindi ko siya matitiis kaya naka-flight mode nalang ang cellphone ko.

Hindi ko nga rin alam kung bakit kami nag-aaway. Tsaka bakit naging kasalanan ko pa? Tsaka bakit ba siya nagagalit? Daig niya pa si Papa kung magalit, eh hindi nga iyon nagalit noong umuwi akong amoy alak dahil kasama ko naman daw si Anjo.

Dahil wala naman akong magawa, nag-open nalang ako ng Facebook account ko sa laptop. Maya-maya'y may natanggap akong mensahe galing kay Sin.

***

Sin Alonzo Saito:
DAIII!

Shamyra Zendaya Gonzales:
O?

Sin Alonzo Saito:
Laag ta. (Gala tayoooooo!)

Shamyra Zendaya Gonzales:
Game. Tayo lang?

Sin Alonzo Saito:
With the gang.
Susunduin kita ha.
Isama mo na rin si Anjo
Para the more the merrier.

Shamyra Zendaya Gonzales:
Di pa kami okay ni Anjo
Pero sige game.

Sin Alonzo Saito:
Oops I smell something.
Jealousyfish?

Shamyra Zendaya Gonzales:
Duh. Bakit naman iyon
magseselos?

Sin Alonzo Saito:
Kasi nagpasama ka
Kay Kei sa CR.
Landi mo rin eh.

Shamyra Zendaya Gonzales:
Eh sa ayaw mong
sumama sakin, eh.

Sin Alonzo Saito:
Kahit na. Pati nga
ako kinulit sa text
no'n kung kasama
ba daw kita. See?
He caresss. Awieee
Kinikilig na iyannn.

Shamyra Zendaya Gonzales:
Ang sabi niya, "Talagang mag-aalala ako kasi bestfriend kita Shammy!"

Sin Alonzo Saito:
Ayy bestfriendzoned ka na
naman. Asus di ka pa
nasanay, eh.

Shamyra Zendaya Gonzales:
Quotang quota na nga ako, eh.
Sige na babye. C u later.

Sin Alonzo Saito:
See u.

***

Paano kaya kung totoo ang sinasabi ni Sin? Paano kaya kung totoong nagseselos si Anjo?

Sus. Umasa ka pa. Bestfriend ka nga lang, eh.

Stars magpakita na kayo. Kailangan ko kayong makausap.

Blurred Lines✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon