-Chapter 12-

135 34 33
                                    

SHAMYRA

May saltik ba talaga sa ulo si Anjo?

Kung kanina, nagdadalawang-isip pa ako, ngayon talagang siguradong sigurado na ako.

Paano ba naman? Nabigla kaming lahat nang bigla siyang mag-ayang mag-ktv paglabas namin sa gate ng University. Gusto niya kasi daw mag-celebrate. Ayaw niya naman sabihin kung ano ang i-se-celebrate namin. Kaya ang ending, nandito kaming lahat sa isang KTV Bar. Halos si Anjo lang ang may hawak sa mic kasi siya lang naman ang medyo marunong kumanta sa amin.

Si Nemo mukhang gustong kunin na ang mic kapag ang kantang napili niya na ang tumutugtog pero inaako pa rin iyon ni Anjo kasi alam naman daw niya. Ako na ang naawa kay Nemo. Nakahalukipkip na lang kasi sa may gilid.

Kami naman nila Sin, panay lang ang tungga namin ng alak. Ay hindi pala siya kasali kasi may Red Tide siya. Ayaw uminom. Confident na kasi akong uminom kasi nandiyan naman si Anjo, eh. Tsaka hindi iyan umiinom kapag umiinom ako. Siya ang driver, eh.

Tumingin ako sa relo ko. Alas otso pa lang pero nalalasing na ako. Amyra naman, kailan ba magbabago iyang tolerance mo sa alak?

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Sin. "Sin iidlip lang ako saglit ha."

"Maji" sagot niya sa Japanese pero wala na akong pakialam kung ano ang ibig-sabihin n'on kasi matutulog na talaga ako.

---

Nasa madilim na lugar ako. Halos wala akong makita...

May biglang umilaw sa unahan. Spotlight na parang sa mga stage yata? Di ko alam.

May biglang kumanta sabay sigaw ng mga tao.

Mga tao? May mga tao pala? Nasaan ako?

"Hey Shamyra." tawag ng lalaking nakatutok sa kaniya ang ilaw. Inilagay ko ang kamay ko sa aking mga mata kasi nasisilawan ako sa ilaw tsaka di ko maaninag kung sino siya.

What the hell? Lauv?

Nasa concert ako ni Lauv?

Tinawag niya ang pangalan ko?

"OH MY GOD! ARIII I'M SUCH A FAANNNN!"

Tumakbo ako paakyat sa stage at niyakap siya. Bakit walang pumigil sa akin? Walang security? Yes! Woooo!

Tumawa siya kaya hinalikan ko siya sa pisngi. Humagikhik ako. Ang gwapo niya sa malapitan!

"I LOVE YOU ARI STAPRANS LEFF!"

Kinurot ko ang magkabilang pisngi niya. Shit. Am I dreaming? Huwag naman sana please lang. Stars maawa naman kayo 'o. Ibigay niyo na to sa akin.

Naghiyawan ang mga tao. Sumisigaw sila ng---

"ISA PA! ISA PA! WAHAHA ISA PAAAA!"

Ha? Marunong magtagalog ang mga tao dito?    - - - -


"Oy Shammy gising!" may tumapik-tapik sa pisngi ko.

"ISA PAAA! ISA PAAAA! ISHA PA NGAA SZHAMYRHA IHHH!" Sigaw nila Nemo. Anong sabi nila? Nabubulol na yata dahil sa pagkalasing.

Minulat ko ang mabibigat kong mga talukap.

What the hell?

Bakit nakatayo ako? Tsaka bakit nakayakap ako kay Anjo? 'Di ba natutulog ako?

Don't tell me nag-sleepwalking na naman ako. NO!

"Jo anong nangyari?"

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kaniya tsaka nilingon si Nemo na nagsalita nang baluktot.

"Ganitu kashi iyan Amyra. Nagkakantahan lang kami dito." umikot siya at tinuro ang paligid. Umupo siya sa couch at umaktong natutulog. Inilagay niya pa ang dalawang kamay niya sa ilalim ng ulo niya. "Tapos tulog ka. Bigla kang tumayo! Pikit pa mata mo!"

Si Ari naman ang nagsalita. "Tapos tumili ka." Naglakad siya patungo kay Anjo nang pasuray-suray. "Tapos ginawa mo ito." Niyakap niya si Anjo at pagkatapos ay hinalikan niya si Anjo sa pisngi na ikinasinghap ko. "At ito." Kinurot naman niya ang magkabilang pisngi ni Anjo.

Si Kei naman ang nagsalita. "Tapos sabi mo 'OMYGAD ARRI I'M SUSH A FUN!' tsaka sabi mo rin 'I LOVEE YOUU RRISTAPRANSLEFF' Pero parang Aylabyu Anjo yata ang sinabi mo, eh."

What the hell? Ginawa ko lahat ng iyon? Karaoke please eat me now.

Nilingon ko si Sin kung may sasabihin pa ba siya pero knockdown na pala ang babae. Facedown sa lamesang puno ng pulutan. Humihilik pa. Nakakapagtaka nga kasi hindi naman ito uminom.

Lumingon ako kay Anjo na ngayon ay nakangisi na. Tinaasan ko siya ng kilay na ikinatawa niya lang. "Nanaginip lang ako."

Sobrang defensive mo naman Amyra.

"Alam ko." He shrugged. "Nasanay na nga ako, eh. Tsaka love you too Par." Nag-flying kiss pa siya na hindi ko sinalo. Umakto pa akong masuka-suka na.

Okay na sana, eh. Nilagyan pa ng par.

"Pareng Anjo kanta mo na 'o!" tawag ni Nemo sa kaniya. Wow. Close na agad sila? Real quick? Agad-agad?

Kinuha ni Anjo ang mic mula kay Nemo tsaka hinila ako. "Shammy para sa iyo 'to!"

Tumugtog nang bigla ang kantang lagi naming kinakanta noong mga bata pa kami. Kinakanta pa nga namin iyon noong High School pero I decided to stop. Nakakapagod na kasi umasa paminsan-minsan. Parang binibigyan niya na naman ako ng false hopes. Magtatanim siya ng kaunting pag-asa sa puso ko tapos hindi naman pala niya aanihin. Ganoon lang? Hinayaan sa ere?

Lagi na lang?

"Do you remember when I said I'd always be there ever since we were ten baby...

"AYYIEEE! MAGBEBREAK DIN KAYOOO WAHAHAHA!" sigaw ni Nemo kaya napalingon ako sa kaniya. Siniko siya ni Kei.

"TUMAHIMIK KA NGA! HINDI PA NGA IYAN NAKAKAPORMA SI PARENG ANJO INUUNAHAN MO NA! AYYIEEEE SHAMYRA!" sigaw naman ni Kei.

Jusko, talagang sumasakit ang ulo ko sa mga pinagsasabi nila.

"Now I realize you are the only one
It's never too late to show it
Grow old together
The feelings we had before
Back when we were so innocent...

Hinarap ulit ako ni Anjo tsaka itinapat sa bibig ko ang mic. "Shammy ikaw naman. Alam kong kabisado mo iyan!"

Kabisadong kabisado. Favorite song pa nga natin ito tapos may sariling version pa tayo.

Tinanggap ko ang mic tsaka nagsimulang kumanta.

"I pray for all your love
Boy our love is so unreal
I just wanna reach and touch you
Squeeze you
Somebody pinch me...

Hanggang dito nalang ba talaga tayo?

"This is something like a movie
And I don't know how it ends boy
But I fell in love with my bestfriend...

I fell in love with my bestfriend. I fell in love with you Jo. Pero lagi nalang bang ganito?

Nanatili kang nakangiti kaya nginitian rin kita. Hindi na natin napansin ang hiyawan nina Kei. Para tayong naliligaw sa mata ng dalawa.

Mahal kita pero hindi mo man lang randam. Talagang may saltik ka na talaga..

Blurred Lines✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon