-Epilogue-

176 10 70
                                    

Dili pa panahon. Maghulat ko sa puhon kung kanus-a pwede na tang duha.
-TJ Monterde, Puhon

SHAMYRA

"Hoy."

I felt someone poking the side of my head but I slapped her hand away. Mas isinubsob ko pa sa lamesa ang mukha ko.

"Doc, andiyan na sila."

I groaned and raised my head to look up at her. Panigurado si Trina lang naman ito na ginigising ako.

"Anong oras na ba?" I impatiently asked. Damn. Kulang na kulang pa ako sa tulog tapos gigisingin na naman ako. Holy scrubs talaga.

Napahigpit ang hawak niya sa clipboard at alanganing tinuro ang nagkukumpulang mga resident doctors sa isang sulok. Nagsisimula na siguro ang meeting.

Fuck. Oo nga pala!

Dali-dali akong tumayo at napa-aray pa nang tumama ang aking tuhod sa ilalim ng lamesa na tinutulugan ko kanina. I fixed my hair in a messy bun at akmang lalapit na sa kanila nang pinigilan na naman ako ni Trina. I shot her a look.

"Ano na naman?"

She bit her lip and handed me a mirror.

"May laway ka pa sa gilid ng labi mo, Doc," natatawang sambit niya.

My lips formed an 'O'. The horror! Kumuha ako ng tissue sa gilid at dali-daling pinunasan ang laway nga sa gilid ng labi ko.

Shamyra, what a mess!

I rolled my eyes before throwing the  tissue in a trash bin. Eight hours gabi-gabi ang shift ko. Walang pahinga-pahinga. Walang tulog-tulog. Kahit man lang sana sa umaga, makapagpahinga ako pero hindi! Nagrarounds pa kami at sumasama pa sa mga specialists para masanay kami.

Ginusto mo ito. Pangarap mo ito. Pagtiyagaan mo.

I tapped Trina's shoulder. "Salamat, Tree."

Trina chuckled. "Sus. Walang anuman, Doc. Nasanay na ako sa'yong araw-araw natutulog dito," tumawa na naman siya kaya tinaliman ko siya ng tingin. "Kaya sige na. Humayo ka na."

I tucked my hands inside my coat's pockets at lumapit na sa kanila. Matthew was the only one who noticed my presence and gave my shoulder a tap. I just smiled politely at him. Nakinig na lang ako nang mataman sa mga gagawin namin ngayong araw.

Nagsimula na kaming maglakad sa hallway papunta sa unang ward na iche-check namin ngayong araw. Matthew leaned in my ear to whisper something I didn't quite hear.

"Huh? Pakiulit nga."

He shyly smiled. Napakamot pa siya sa batok niya. "I asked kung may gagawin ka ba mamaya. Wanna grab dinner with me?"

Oh God. I really hate turning him down. There's really nothing wrong with him. He stuck with me all throughout med school, hanggang sa licensure exams namin, at hanggang sa residency din. He's also handsome. May lahi siyang German so his hair is more blonde than brown. His eyes are also more green than black. Matalino din siya. He's also showing me signs that he likes me but I'm not ready. Still not ready.

Haynako Shamyra. Mahigit ten years na, hindi ka pa rin handa? Baka naman naghihintay ka pa rin.

I awkwardly smiled at him. "I'm sorry, Matt. I already made plans with college friends for tonight, eh. Sorry." I even made a peace sign.

Tumango-tango siya at ngumiti na lang din. "It's okay. There's always a next time."

Hindi ako makasagot. Ayoko nang magkaroon ng next time. Kapag next time, I have to turn him down again. I hate breaking his heart.

Blurred Lines✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon