-Chapter 18-

105 29 30
                                    

SHAMYRA

Bakit ba ang dami dami nating mga bakit at paano?

Hindi ba pwedeng nangyari ang ganiyan kasi ganito. Wala ng ibang tanong. Pero hindi kasi tayo nakakakuha ng sagot sa huli. Talagang mas marami pang mga tanong. Mas marami pang mga bakit at paano.

Kasalukuyan kaming naglalaro sa Timezone at nasa may shooting ring kami. Hinihintay na matapos si Sin sa litanya niya.

"Anjo wa sungokku motherfucker!!! Sonakoto surunante! Kare wa kare wo douomoteruno? Karewa aanata wo kizu tu keru tame ni iruno? Kare wa hendayo anata wo maikai kizutukeru nante! Nande an na yatsu no koto nante suki ni natta no? Kare wa nozonde nai no ni!!"

Patuloy pa rin ang pag-shoot ni Sin ng bola at patuloy pa rin ang pagra-rant niya in Japanese. Hindi na namin siya maintindihan kanina pa.

"Sin kalma."

"Sino ba siya! Napakaputangina yati siya! Ngano man ka niyang kanunay pasakitan, ha?! Nande?! Kare ga kimi no shinyuu dakara?! Kimitachi ga shinyuu dakara? Tada sore dake no seide itumo aitsu no soba ni iruno?!"

"Sin okay lang."

Ibinagsak niya ang bola sa sahig na tumalbog papalayo at ikinagulat ng marami. "Hindi okay! Wala ka namang ibang ginawa kundi mahalin siya, at wala din siyang ibang ginawa kundi ang saktan ka. Amyra, hindi ka ba nagsasawa?"

Hindi ako nakaimik. May point si Sin. Palagi siyang may point. Pero ano bang magagawa ko? Talagang babalik din naman ako sa kaniya palagi. Palagi nalang.

Hinila ni Nemo si Sin at nagpahila na rin siya. Sumunod na rin kami nila Kei palabas ng Arcade. Tinatahak namin ang daan papunta Greenwich. Ginutom yata sila. Pati ako gutom din.

Sin has been my friend ever since. Kaya siguro ayaw na niya akong palaging nasasaktan sa parehong rason. Kaya siguro gusto niya na akong tumigil minsan. Pero minsan parang gusto niya pa din akong mag-push sa unrequited love ko para kay Anjo kahit na hopeless case naman talaga kami sa una pa lang.

Puwesto na kami habang umorder muna sina Nemo, Kei, at Ari. Nagpaiwan kaming dalawa ni Sin.

"Sorry Shammy. Nag-aalala lang din naman kasi ako sayo. Paano ka na? Paano ka na kapag nagkabalikan na sila ni Mikka?" Niyakap ako ni Sin. Hindi ko alam kung bakit. Talagang napaka-rare ng mga ganito sa amin.

Niyakap ko din siya pabalik tsaka umaklas. "Sin nag-aalala din ako sa sarili ko. Tsaka I have you guys just in case. At hindi naman talaga naging sila, eh."

Nginitian ko siya at ngumiti din siya pabalik. That's when I knew, everything's going to be just fine.

***

Kasalukuyan kaming namimili ng mga bagong damit. Tapos sina Kei at Nemo ang magdedesisyon kung bagay ba sa amin. Sa tingin ko nga hindi na sila nag-e-enjoy at nakikisakay nalang sa mga trip namin, eh.

Itinaas ko ang peach dress na kinuha ko at tinignan kung bagay ba sa akin. Okay naman siya. Feeling ko bagay naman kahit na medyo kita ang cleavage ko. Ipinakita ko kay Nemo at nag-thumbs up siya. Ngumiti pa nga.

"Paniguradong bagay iyan sayo Amyra."

"Ibalik mo iyan Shammy. Kitang-kita na ang kaluluwa mo kapag suot mo iyan."

And Antonio Juan Vivaldez just needs to show up with his queen of course, Mikaela Salvador.

At tumigil ang mundo nang dumating ang mga nadimunyo...

Natahimik kaming lahat. Pero hinding-hindi ako papatalo, ako pa ba. I've been training my whole life for this. Kung saan magkakaharapan kaming tatlo at puro katotohanan lamang ang magmumutawi sa aming mga bibig. And this is not halfway there yet.

"Bakit pera mo ba ito? Kukunin ko ito." I even had the urge na irapan siya. Excuse me, papanindigan ko ang pagtatampo ko.

"Shammy naiintindihan kong may PMS ka pero----

"Sinabi ko bang may PMS ako?" Nilingon ko si Mikka na hindi maintindihan ang nangyayari."Hi Mikka, hindi ko alam na gagala pala kayo ngayon. Bakit hindi niyo ako sinama?"

I know I sound like a bitch pero I'm just playing my part here. They're also just playing their parts so just be it. Siguro ito na ang nakatadhana sa kabanata ng buhay naming tatlo. If I was meant to be the antagonist, then so be it. If the universe led me here into this moment, then maybe it was written in the stars all along.

"Aayain kasi sana kita kaso sabi ni Anjo nagpapahinga ka raw sa inyo." Apology written all over her face. Anjo seems oblivious na parang hindi niya alam ang gagawin niya dahil na-korner na siya. Wala na siyang kawala. Boom.

"Sinabi niya iyon? Well okay na ako ngayon eh. Sana sinabihan niyo man lang ako."

Hindi na siguro nakaya ni Sin ang atmosphere kaya siya na mismo ang nagpakilala ng sarili niya kay Mikka. "Hi I'm Sin. Ikaw si Mikka, diba? Nakuwento kasi ni Amyra sa akin na umuwi na daw iyong bestfriend nila."

"Ah yes. I'm that Mikka."


Yes... You're that Mikka. Ikaw iyong Mikka na ginusto niya. Ikaw iyong Mikka na gusto niya. Ikaw iyong Mikka na gugustuhin niya. And I'm that Shamyra, hoping to be that Mikka.

And that's it. I ran out of questions to ask.

Blurred Lines✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon