Chapter 4: Mistake of the culprit

131 5 4
                                    

*****

Nate

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko naisipan na sumali sa D.I.C.E. club. Anthony...that SSO president challenged me about Juancho's Death and I can't just let him tell everyone that my best friend committed suicide.

Like I said, kilala ko si Juancho kaya hindi ako maniniwala na nagpakamatay siya ng basta-basta tsaka, hindi pa declared na disband ang club kaya may chance pa ako na i-handle ito kahit na ako lang mag-isa.

Pinapasok ako ng mga pulis sa crime scene at sinabihan ako na hintayin ang kanilang inspector. Tumingin ako sa mga estudyante na paunti-unti nang umaalis at nakita ko ngumisi sa akin si Anthony bago siya umalis rin.

Huminga ako ng malalim, umaasa na panaginip lang ang lahat na ito. But, this is the reality and my best friend is dead.

Maya-maya, humarap sa aking ang isang lalaki na nakasuot ng uniporme pang pulis, may katandaan ang itsura, kulay grey ang kanyang buhok at matapang ang mukha.

"So ikaw ang bagong myembro ng D.I.C.E. club dito sa West Xavier?" tanong niya sa akin.

"O-opo." sinagot ko.

"Ano pangalan mo iho?"

"Nate Mendoza po."

"Sige Nate. Ako si Inspector Edward at matagal ko na nakasama ang D.I.C.E. simula nang una akong na-assign dito sa lungsod." sabi niya.

"O sya. Magsimula na tayo. Ang pangalan ng biktima ay si Juancho Cerrano. Natagpuan ang kanyang katawan ng faculty na naglilinis ng tapat ng school ng 4:50a.m."

"Na-recover namin sa biktima ang kanyang cellphone at nakita namin na may anonymous number ang tumawag sa kanya. Sinubukan namin tawagan ngunit, out of coverage area ang receiver." bangit ni Inspector Edward.

"Kinausap ko ang faculty tungkol dito at sinabi niya na may tatlong estudyante na maagang pumasok kanina sila ang magiging primary suspects natin. Pinatawag ko na sila sa mga pulis upang pumunta dito. Habang naghihintay, why don't you investigate the crime scene? Kukunin ko na lang yung number mo para matawagan kita." sabi niya sa akin at ginawa ko ang kanyang hiling.

Pagkatapos ko ibigay ang number ko sa kanya, nagsimula na ako mag-isip kung saan ako magsisimula. Lumapit ako sa katawan ni Juancho at huminga ng malalim.

Pinasuot ako ng gloves ng isang pulis bago ko hawakan ang kanyang katawan. Napansin ko ang dugo sa kanyang ulo at nakahiga siya sa kanyang likuran which is an odd position when commiting suicide.

Napansin ko rin ang kanyang mga kamay na may mga pirasong elastic sa kanyang mga kuko at pira-pirasong buhok. Somehow, he grabbed onto something before falling.

Tumingala ako sa 4th floor at napansin ko na nakasara lahat ng mga bintana nito. Hindi na ako nagdalawang isip at tumungo sa 4th floor para imbestigahan ang loob.

Halos kumpleto ko na ang totoong nangyari ngunit, kulang ko na lang ang motive kung bakit niya ito ginawa. Pagkaakyat ko, nakita ko ang isang bag na malapit sa bintana.

I recognized that it was Juancho's bag. I opened it to see if there's anything missing but, what I can see is a piece of paper that had the logo of D.I.C.E. I took it out and read the title:

'Murder Case of Jane Mary Cerrano'

Why does Juancho have this? And this is only the part of a whole document. It is odd for him to take the front page only if the culprit took it.

Maya-maya, lumapit sa akin ang isang police at sinabihan ako na nasa baba na ang mga primary suspects. Binulsa ko ang papel at sumunod sa kanya.

D.I.C.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon