*****
Nate
Nang mag-ring ang school bell ng school ng 12:00, dumeretso akong pumunta sa likod ng eskwelahan kung saan ako pinapapunta.
Hindi ko rin pinagisipan ang posibleng mangyari sa aming pagkikita. Either the person i'm going to meet is the threat or the one who needs help. Sana lang maging maayos ang aming pagkikita.
Nakarating ako sa likod ng school. Wala itong katao-tao kahit mga faculty ay wala rin. Tumingin ako sa paligid pagkasakaling may taong paparating pero wala.
Tiningnan ko ulit ang sulat. Baka kasi may mali sa aking pagbasa nito hanggang sa may tumawag sa akin,
"Nate Mendoza?" lumingon ako at nakita ko ang isang babae. Maayos ang pananamit, seryoso ang mukha, maputi at mahaba ang buhok.
"Ako nga..." sagot ko. "Ikaw ba yung nag-iwan ng sulat na ito sa D.I.C.E?"
"Ako nga. Ang pangalan ko ay Karyll Rivera. Ako ang Vice President ng SSO." sabi niya sa akin.
"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" tanong ko.
Huminga muna sila ng malalim at tumingin sa paligid, "Kinakailangan ko ang tulong mo. Tungkol ito sa President namin..." sabi niya ng mahina.
"Kahapon lang, na-recieve namin itong sulat sa sahig ng aming office. Nakasulat dito ang pangalan ng aming president. Nang nakita namin ang laman, naisip namin kaagad na isa itong potential threat." dagdag niya at sabay kuha sa kanyang bag ang isang puting envelope na nakalagay ang pangalan ni Anthony.
Binukasan ko ito at nakita ko dito ang isang music sheet sa piano. Ang mas kinagulat ko ay ang pamagat ng kanta,
'London Bridge is falling down'
Ang mga susunod na bahagi ay puro mga musical notes na lamang.
"Sinubukan namin tugtugin ang kanta sa piano ngunit, hindi ito nakakabuo ng kanta." sabi ni Karyll.
"Paano kung translating yung mga notes sa letters? Diba may letters iyan from A to G?" tanong ko.
"Sinubukan din namin pero hindi sila nakakabuo ng mga salita..." sagot niya.
"Then, paano ninyo nalaman na isang threat ito sa president ninyo?" tanong ko.
"Nang pinakita namin sa kanya ang sulat, tinitigan niya ito at nag-iba ang expresyon niya. Maya-maya, bigla niyang sinabi na ituloy ang aquaintance party kahit anong mangyari. Doon na kami nag-assume na threat ang binigay sa amin." paliwanag niya.
"Sinabi din niya sa amin na huwag ito ikalat sa iba pero, kinakabahan kami sa magiging sitwasyon ni Anthony. Kaya nagdesisyon ako na makipagkita dito kaysa sa clubroom ninyo." dagdag niya.
Inisip ko muli ang mga sinabi niya...so may threat letter na pinadala sa SSO na may kaugnayan kay Anthony na isang SSO President at ang magaganap na Aquaintance Party. Same day ko rin natanggap na letter pero instead na isang music sheet, lyrics lang ng kanta.
Kung ang nakasulat sa threat letter ay tungkol sa magaganap na aquaintance party, then sa mismong araw na iyon ang mangyayari.
"Ano ba ang magiging programa sa aquaintance party? Mayroon ba isang part doon na involve kayo?" tanong ko.
"Um...mayroon. After ng Doxology at National Anthem, magbibigay ng opening remarks si Anthony." sabi ni Karyll sa akin.
Opening Remarks...pwede iyon maging opportunity dahil si Anthony lang ang nakatayo sa stage at lahat ay nakatutok sa kanya kaya, hindi kaagad mapapansin ang mga tao sa paligid.
BINABASA MO ANG
D.I.C.E.
Misteri / ThrillerWest Xavier High starts an another school year.Nate wants to spend the entire year as a normal high school student until he 'accidentally' enters the world of anonymous murders and deaths. It is now up to him to solve the mysteries within the school...