*****
Nate
"Nate...!"
Dinilat ko kaagad ang aking mga mata nang may boses ng isang babae ang tumatawag sa akin. That voice is very familiar like, I heard it from somewhere before. I shook away from my thoughts when I realized na wala akong makita kungdi dilim. Sinubukan ko tumayo at tanggalin ang naka-takip sa aking mga mata, pero hindi ko magawa. Saka ko nalaman na nakagapos ang aking paa at kamay.
"Hello?!" sigaw ko habang tinutulungan ko ang sarili ko na makaupo man lamang. Then, I heard footsteps approaching me until, it stops. Nakaramdam ako ng kaba at hindi normal ang aking paghinga. I suddenly flinched when the unknown person spoke,
"So, gising ka na pala." Mababa at nakakakilabot ang kanyang boses. Kinagat ko ang aking labi dahil sa sobrang kaba kung ano ang gagawin ng taong nasa harapan ko ngayon.
"S-sino ka?" Matapang kong tinanong.
"Hindi mo muna kailangan malaman kung sino ako dahil masyado pang maaga para doon. It's another reason kaya naka-blindfold ka ngayon." Sabi niya.
"What do you want from me?" Tinanong ko at medyo tinaasan ko ang aking boses.
"Wala naman akong kailangan sa iyo. You're just in the way on executing our plan."
"Plan? Teka...ikaw ba ang nasa likod ng mga threat messages sa aquaintance party?!"
"You are smart, Detective. Oo, kami nga."
"Bakit ninyo ginagawa ito?" Tanong ko. Narinig ko ang yapak ng taong iyon na lumalapit pa sa akin.
"Have you know the hidden message behind the nursery song, London Bridge? In order to maintain the bridge, there must be human sacrifices. And that's what we are going to do to the SSO President"
"Pero, bakit siya? Ano ba ginawa niya sa iyo?" Tanong ko nang biglang hinila ng taong iyon ang aking buhok which I winced in pain, "He already knows much about us and in order to prevent our bridge to fall, we need to sacrifice him."
"Magpasalamat ka na wala ka pa gaanong nalalaman or else you will end up like him. Is it better just to be a normal student, Nathaniel Mendoza?" nang marinig ko ang aking pangalan, nanginig ako sa takot. "P-paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko.
"We know much more about you." Sabi niya at sabay bitaw sa aking buhok. Narinig ko ang kanyang tawa kung saan tumaas ang aking balahibo sa takot.
"Well the time has come. I need to go and get the human sacrifice. So long, Detective." Narinig ko ang kanyang yapak paunti-unting lumamayo hanggang sa may narinig akong pagbukas at pagsara ng pintuan.
Once everything is quiet, I started to twist my hands and my feet, trying to break free from the binds pero, masyado itong mahigpit na pati ang aking mga wrist ay nasasaktan. Then, naalala ko na nilalagay ko ang susi sa aking bulsa. Kinapa ko ang aking mga bulsa nang may nakapa akong metal sa aking likurang bulsa. I slowly pulled it out from my pocket and feel it, knowing that it was the key of the clubroom!
I sighed in relief and started using the teeth of the key to break the binds. Maya-maya, naputol ko ito sa dalawa at mabilisang tinanggal ang blindfold sa aking mata. I started to control my breathing until I calm down. Tinanggal ko rin ang tali sa aking mga paa at tumingin sa paligid.
Ang kwarto ay puno ng mga gamit pang-sports, mga bola sa volleyball at basketball, net, baseball bats at iba pa. Doon ko nalaman na nasa storage room ako ng gym. Tumayo ako at pumunta sa pintuan at binuksan ito. The bright light somehow blinded me for a moment until, my eyes adjusted, seeing the whole gymnasium.
BINABASA MO ANG
D.I.C.E.
Misteri / ThrillerWest Xavier High starts an another school year.Nate wants to spend the entire year as a normal high school student until he 'accidentally' enters the world of anonymous murders and deaths. It is now up to him to solve the mysteries within the school...