*****
Nate
One day before the aquaintance party...
I never realized that time travels too fast and sadly, wala pa ring usad ang aking imbestigasyon tungkol sa threat message ng S. There are some witnesses when Anthony confronted me yesterday kaya, hindi ko maiwasan na makita ang ibang estudyante na tumingin sa akin. Malamang may iba't-ibang opinyon na sila sa akin but, I try my best ignoring those glances from my schoolmates wala naman silang alam kung ano ang totoo sa sagutan naming dalawa.
"Mr. Mendoza, are you still with us?" I snapped out of my thoughts and looked ahead, seeing my MAPEH teacher and the class staring at me.
"Ahh! Y-Yes ma'am." sagot ko.
"Hmm..sige sagutin mo itong tanong na nakasulat sa board." sabi niya sabay turo sa board. Ito ay aking binasa,
What is the difference of a quarter note and the half note when it comes to beat?
"Um..ang quarter note has only one beat while the half notes has two beats." Sagot ko.
"Ok thank you, Nathaniel. Next time please pay attention while I'm discussing." sabi ng guro at pinaupo na ako.
Huminga ako ng malalim at tinitigan ang mga notes ko sa notebook. Despite what Anthony's attitude to me, I need to stop the mysterious 'S' plan at the aquaintance party.
******
Pumunta kaagad ako sa clubroom since, I have a case to work on. Pagpunta ko sa tapat ng kwarto, nilabas ko ang susi mula sa bulsa ko at ginamit ito upang mabuksan ang pinto. Pagpasok ko ng kwarto, nilapag ang aking bag sa mesa. Nilabas ko muli ang music sheet na binigay sa akin ni Karyll.
It doesn't really make sense...Hindi siya kayang tugtugin sa kahit anong instrument at hindi rin tumutugma ang letters representing each of the note's position.
But, Anthony managed to solve this without breaking any sweat. There must be something that I'm missing out.
Gusto ko sana magtanong sa kanya pero, palihim ito sinabi sa akin ni Karyll. If Anthony find out that this threat message is given to me, hindi ko na alam kung ano mangyayari kay Karyll.
I leaned back to my chair and started to tap my fingers on the desk. Nilabas ko ang aking laptop at nag-search ng mga codes and ciphers na pwede magkaparehas sa music sheet.
Biglang nag-ring ang aking telepono. Tiningnan ko ang pangalan ng caller at nakita ko ang pangalan ni Karyll.
Pinindot ko ang green button at nagsalita, "Hello?"
"Hello, Nathaniel? Kamusta yung imbestigasyon mo?" Tanong ni Karyll sa kabilang linya.
"I'm working on it right now. Ano nangyayari sa side mo ngayon?"
"Nasa hall kami ngayon making preparations for tomorrow."
"And si Anthony?"
"Kasama namin siya...We are keeping eye on him and he seems not to be worried about what will happen to him tomorrow."
"Right. I'll be calling you once I have solve this. Just keep an eye on him until tomorrow."
"Okay. Goodbye." paalam sa akin ni Karyll at saka niya binaba ang kanyang telepono. I began tapping my fingers once again at the table and looked at the music sheet. The notes must have some representation than just a simple A-B-C or Do-Re-Mi. How do musicians understand these notes?
Maririnig lang sa buong kwarto ang tapping ng aking mga daliri sa mesa habang iniisip ko kung anong klaseng code o cipher ang maaaring gamitin until, I realized that the tapping noises that I'm making are doing some short and long tap as I stared on the paper.
It's more like, making a beat...
"Teka...pwede ba ito.." Tanong ko sa sarili ko at madaliang nilabas ang aking mga notes sa Mapeh. Since latest topic palang namin ang tungkol sa mga notes, hindi na ito mahirap na hanapin. Once I got on the right page, I saw the similar notes written on the threat message:
Tiningnan ko muli ang threat message, "...Morse code." sabi ko sa sarili ko at kinuha ko ang aking lapis. Since may mga dividers ang bawat letters, hindi na ako mahihirapan na malaman kung ano ang mga dots and dashes. Maya-maya, nakita ko na kung ano ang nilalaman ng threat message:
N E V E R U N D E R E S T I M A T E U S.
T H E P A R T Y W I L L F A L L.
Y O U W I L L N O T BE S A V E D.
"So it is really a threat..." Sabi ko sa sarili ko. Someone is trying to ruin the Acquaintance party or more like, trying to interpret the London Bridge song's message into reality. But, it's not just someone but, a group.
Pumasok kaagad sa isip ko ang mysterious S and they are not just after the party, but also to Anthony. Pero, bakit siya? Alam ko na childhood friend niya and former president ng D.I.C.E. na si Christine. Ano ba ang naging relasyon ni Anthony sa mysterious S? because based on the letter, nagagalit sila sa kanya at hindi maliligtas si Anthony...
That message have thousands of meanings but, I only know one thing, Anthony's life is in danger.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at dumiretso sa pinto, palabas. pagbukas ko ng pinto, nasa tapat ko ang isang taong naka-maskara. Bago pa ako makakilos, tinakpan niya ang aking bibig ng isang panyo at natumba ako sa aking likuran. I smell something odd which made me feel dizzy and my vision is starting to blur.
Sinubukan ko tanggalin ang kamay ng taong naka-maskara ngunit, paunti-unti na akong nawawalan ng malay until, everything went black.
*****
Hi! Late night post!
Pasensya na kung natagalan at maikli ang chapter. Pero sana magustuhan ninyo ang part na ito :)
Let me know in the comments of what do you think about my story..because I want to know your opinion so far.
Stay tune :)
BINABASA MO ANG
D.I.C.E.
Mystery / ThrillerWest Xavier High starts an another school year.Nate wants to spend the entire year as a normal high school student until he 'accidentally' enters the world of anonymous murders and deaths. It is now up to him to solve the mysteries within the school...