Chapter 7: Two Weapons, One Death

100 5 0
                                    

*****

Nate

Lumipas ang gabi nang hindi nawawala sa aking isipan ang threat letter na pinadala sa akin. Lalong-lalo na naka-relate ito sa magaganap na Aquaintance party kinabukasan.

Kaagad akong nag-research tungkol sa 'hidden message' ng London Bridge song. May ideya lang ako na isa itong Human Sacrifice pero, gusto ko pa malaman kung ano pa ang mysteryo nito.

Base sa mga nalaman ko, sinasabi na ilang beses na bumaksak ang tulay at para tumibay ito, they trapped some people inside the pillars to become a foundation.

This is much worse than what I thought. Parang natatakot na akong tumawid sa mga tulay dahil sa binasa ko. Pero hindi ko ito ma-prove kung totoo ba ito o hindi. Since related ito sa threat message, may possibilidad na may mga biktima.

Pero..sino?

Dumeretso ako sa clubroom dahil sinabihan na kami ng mga teachers na busy sila sa pagaayos ng aquaintance party at sa mga meeting. Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto, may naramdaman ako sa ilalim ng aking sapatos.

Pagangat ko nito, nakita ko ang isang pirasong papel.

I picked it up and read what's in it:

Please meet me at the back of the school at lunch break.

I furrowed my eyebrows and investigate the paper if there's any more information. Unfortunately, its only the message.

Sino kaya ang nag-iwan nito dito? I thought to myself as I began to think of the possible people.

Anthony? Its impossible. Hinding-hindi siya hihingi ng tulong sa akin...

Roselle? Pwede naman pero, kaya naman niya magusap dito sa clubroom kahit gaano pa ito ka-importante.

After a lot of thinking, I have no choice but to see the sender of this message. Tumingin ako sa aking orasan at nakita ko na 10:23a.m. pa lang. Lunch time starts at noon so, I still have time to do something.

At yung 'something' na iyon as sinagot ng isang sigaw sa corridor. Nagulat ako at sabay napatayo sa aking kinauupuan.

Tumakbo ako sa palabas ng clubroom at sinundan kung saan nanggaling ang sigaw. Nakita ko ang mga estudyante na nagkakagulo sa labas ng Home Economics Room

Siniksik ko ang sarili ko sa mga estudyante hanggang sa nakapasok ako sa kwarto. Nakita ko may ibang estudyante na nanginginig sa takot habang nakatitig sa Comfort Room ng kwarto. Pinatabi ko sila at nakita ko ang dahilan ng kaguluhan.

Nakita ko ang isang babae na nakahilata malapit sa pader, may kutsilyo sa kanyang dibdib at ang dugo ay patuloy na tumutulo sa kanyang uniporme.

Hindi na rin gumagalaw o humihinga ang babae.

"Umalis na kayo diyan! Tinawagan ko na ang mga pulis." pagikot ko, nakita ko si Mrs. Arzel Shimada, ang aking adviser.

"Nate? Ano ginagawa mo dito? Kailangan na natin umalis dito." sabi niya.

"Ma'am Shimada, maaari ko bang imbestigahan ang murder scene? Miyembro po ako ng D.I.C.E." sabi ko.

"D.I.C.E. ba kamo? Sige. Hahayaan na lang kita dito. Mag-ingat ka, Nathaniel." tumungo na lamang ako.

"Um..ma'am maaari po ba ako magtanong sa inyo?" tanong ko bago pa umalis siya.

"Sige. Ano ba yun?"

"Mayroon po ba kayong napansin na kakaiba bago po kayo pumasok dito?"

"Hmm...Oo. Bago kami pumasok dito, napansin ko na naiwang bukas ang pintuan at may mga basag na mga baso." sabi niya. "May itatanong ka pa ba?"

D.I.C.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon