Chapter 16: Investigation

35 4 0
                                    

*****

Nate

"Nathaniel! Pwede mo ba ako samahan? May nakalimutan ako sa locker room natin." sabi niya.

"Um..Pasensya na kailangan ko na umuwi eh. Hinahanap na ako ng mga magulang ko." sagot ko.

"Grabe ka naman. Saglit lang naman eh tsaka mas maganda na dalawa ang naghahanap kaysa sa isa lang diba?"

Wala na akong magawa kungdi pumayag na lamang sa request niya. Kaibigan ko naman siya eh.

Pero yun ang pagkakamali ko.

"******! ******! Buksan mo ang pinto!!! Palabasin mo ako dito!" sigaw ko habang hinahampas ng paulit-ulit ang pinto.

Sa kabila ng pintuan, naririnig ko ang tawanan at ngisihan ng iba pang estudyante.

"Dyan ka na lang, Nathaniel! Hahaha bye bye!" sabi niya.

"Teka! Wag ninyo ako iwan dito! Kailangan ko umuwi!! Please!" sigaw ko hanggang sa narinig ko ang pagsarado ng pintuan ng kwarto.

Everything is quiet and I am all alone.

"Please..."

*****

KKLAAANNGGG!

Nagising ako sa tunog na galing sa labas ng kwarto ko. Kinusot ko ang aking mga mata bago ako bumangon upang tingnan kung saan galing ang ingay.

Pagkalabas ko ng kwarto, naririnig ko ang ingay na nanggagaling sa aking kusina. Nang pinuntahan ko ito, nakita ko walang iba kungdi si Anthony na nagluluto.

"Anthony?" tawag ko at lumingon siya sa akin.

"Oh morning, Nate. Napaaga ang gising ko kaya ako na nagluto." sabi niya.

Nagtaka ako ng una kung ano ginagawa niya dito pero, bigla kong naalala na ginabi na kami sa pagaasikaso ng abduction case kaya dito ko na siya pinatulog.

"Nate." I was snapped out of my thoughts when Anthony called my attention, "Are you okay? You look pale."

"Umm, yeah. I'm fine." I answered. Anthony seems not satisfied with my answer but, just shrug it off. I sighed in relief.

Ngunit, nagtataka ako kung bakit nanaginip nanaman ako tungkol doon. Hindi ko alam kung kailan ito matatapos.

I shrugged off my thoughts and helped Anthony prepare our breakfast. Pinagusapan na rin namin ang mga plano namin ngayon araw,

Una, pumunta sa Winchester University at doon magsimulang mag-imbestiga at pagkatapos, didiretso kami sa apartment ni Lorraine kung saan malapit sa kanyang pinapasukang university.

Anthony also mentioned the kidnapper as an obsessive type of person, a motive why they only kidnap teenagers instead of adults or kids. But the question is, what he will do to those kidnapped teens? Where are they now? Sana maligtas namin sila bago pa may mangyaring masama sa kanila. Mabilisan kong inubos ang aking pagkain at pumunta sa aking kwarto para buksan ang aking laptop.

Ni-review ko ulit ang profile ni Lorraine sa kanyang social media kasama na din ang limang kabataan na unang na-kidnap. I have a feeling that I can look for a potential motive if I review their profiles. As I scan through her pictures, she seem to travel a lot in her spare times, nakakapunta rin siya ng ibang bansa tulad ng U.S., France at iba pang bansa. Nakakakain din siya sa mga restaurants na mamahalin based sa mga selfies niya which made me conclude that she came from a wealthy family.

Nang matapos ko tingnan ang profile ni Lorraine, tinignan ko na rin yung sa mga iba pang kabataan and turns out, they are also came from a wealthy family based on their photos. Maya-maya, may narinig akong katok at nakita ko sina Anthony.

D.I.C.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon