*****
Nate
"Nate, anak? nasaan ka na?? Kanina ka pa namin hinihintay."
"Anak, pumunta ka na dito...hinihintay ka namin, lalong-lalo na si Nory.."
"Nate...please come home.."
"Nate....Nate..."
"Nate.....baKiT HInDi kA bUMaliK..?"
*****
Dinilat ko kaagad ang aking mga mata tumingin sa paligid. Puro mga files about sa mga cases ang mga shelves, ang bintana kung saan makikita ang courtyard at isang couch para sa mga bisita. I'm in the D.I.C.E. clubroom at ako na ang namamahala ng club.
Napasandal ako sa aking kinauupuan at napahawak sa aking noo. Huminga ako ng malalim nang malaman ko na irregular na ang aking paghinga. Tinitigan ko ang lahat ng mga papel at textbooks na nakakalat sa mesa.
I somehow fall asleep while studying for my class. Since wala na akong ibang magawa at ayoko muna galawin ang case tungkol kay S.
And somehow I heard voices in my dream and its reminding me of that tragic incident.
I sighed at nilabas ko ang tubig sa aking bag upang uminom. Maya-maya, biglang may kumatok sa pintuan which caught my attention.
Umayos ako sa aking pagkaka-upo at mabilisang inayos ang aking mga gamit, "U-Umm..tuloy po kayo!" tawag ko at bumukas ang pintuan.
It was a female Grade 10 student. Nalaman ko dahil may nakalagay na "10" sa kanyang damit. May kaliitan siya, mahaba ang buhok, at nakasalamin.
"Um..hello, kayo po ba yung namamahala dito??" tanong niya.
"Ah! Oo. Maupo ka." sabi ko sabay turo ng upuan na malapit sa kanya. Umupo kami at nagsimula siya magsalita,
"Nalaman ko na yung D.I.C.E. club ang pwede tumulong sa mga problema sa school kaya, naisipan ko na pumunta dito. Ako pala si Lyza Aliah Grande from The Theater Club" sabi niya.
"Nate Mendoza." bangit ko, "ano ba maitutulong ko?"
"Nagkakaroon kasi ng problema ang aming club. Tungkol ito sa production namin para sa show sa December. May nag-le-leak ng mga set photos pati and ibang parts ng script sa public." sabi niya.
"Pinagbabawal namin na kumalat ang mga ganap sa aming production upang maiwasan ang mga spoilers sa show. Now that someone break the rule, we want to end the problem as soon as possible." dagdag niya.
"Kaya naisipan ninyo na lumapit dito." tumungo na lamang si Lyza.
"Sino ba ang kadalasang humahawak ng script pati ng photos?" tanong ko.
"Ang Director, Ako bilang Scriptwriter, Assistant Director at ang aming production Manager." sabi si Lyza.
"I took a screenshot of the post. We cannot identify the Facebook user because it only shown a first name na hindi ako familiar with." dagdag nila sabay labas ng mga papel ng sinabing leak photos at script.
Nakalagay lang sa Facebook username na 'REVILO'. Binigay rin ni Lyza ang mga pangalan ng mga nakakaalam sa script at sa photos:
DIRECTOR: Angel Mae Tabula
ASSISTANT DIRECTOR: Devie Beran
SCRIPTWRITER:Lyza Aliah Grande
PRODUCTION MANAGER:John Oliver Martin
BINABASA MO ANG
D.I.C.E.
Tajemnica / ThrillerWest Xavier High starts an another school year.Nate wants to spend the entire year as a normal high school student until he 'accidentally' enters the world of anonymous murders and deaths. It is now up to him to solve the mysteries within the school...