Chapter 11: Anthony

67 4 1
                                    

******

Nate

Wala akong makita kungdi dilim sa aking paligid. Hindi ako makagalaw o maramdaman ang aking katawan pero, naalala ko pa rin ang nagyari bago ako napunta dito.

Being kidnapped, saving Anthony and the fire.

Finally, I feel myself waking up. I slowly opened my eyes and lifted my head up, seeing the....clubroom? Teka, paano ako napunta dito?

Nakaupo ako sa upuan ng center table ng clubroom kaharap ang mga gamit ko at mga case files. Tumingin ako sa paligid and it still the same when I left it.

Pero, ang kakaiba lang ay may isang babae na nakaharap sa bintana. Dahan-dahan akong tumayo sa upuan ko at tinitigan ang mysteryosong babae sa harap ko.

Naka-suot siya ng uniporme ng West Xavier, itim at hanggang balikat ang buhok at kayumanggi ang kulay ng balat. Teka, pamilyar ang itsura niya..hindi ba siya si..

"Christine?" tawag ko at lumingon ang founder ng D.I.C.E. club. The one and only Christine Del Rosario.

Pero, nagtataka pa rin ako. Why is she here? Isn't she suppose to be...dead? Ngumiti siya sa akin kagaya ng ngiti na pinakita niya sa akin sa una at huli naming pagkikita.

"Glad that you're awake, Nate." wika niya.

"Am I...dead?" I asked.

"No..not really." sagot niya sa akin.

"Then..bakit ako nandito?" tanong ko sa kanya. Tinitigan ako ni Christine ng ilang segundo bago siya huminga ng malalim na parang inisip muna niya ang mga salita na kanyang sasabihin.

"Please...take care of Anthony for me." sabi niya at biglang lumiwanag ang paligid. Pero bago mangyari iyon, I swear that I saw a tear slipping from her eyes as the scene fade away.

*****

Paunti-unti kong dinilat ang aking mga mata at ang una kong nakita ay ang puting kisame. Dahan-dahan akong bumangon para umupo at tinignan ang aking paligid.

I am in a hospital. I saw some nurses walking by the room and some unoccupied hospital bed. I looked at my sides, seeing green curtains blocking the other side. Napansin ko rin na nakabalot ang aking braso pati ang aking ulo ng bandages.

Bababa na sana ako sa higaan nang dumating ang isang nurse na nagulat nang makita niya akong gising, "ahh! Mabuti na gising kana. Ikaw si..Nathaniel Mendoza di ba?" tanong niya habang tinitingnan ang kanyang clipboard sa kanyang kamay.

"Um..opo." sagot ko, "Anong hospital ito?"

"Nasa St. Mary's Hospital ka ngayon at wag ka mag-alala nasa loob ka pa rin ng West Xavier City. You are brought here by the police after they saw you and your friend unconscious by the burning building." sagot niya.

"Ngayon na gising ka na, bibigyan muna kita ng check-up bago ka maka-alis para masiguro ko na nasa tamang kondisyon ka na." sabi niya.

Nagsimula kaagad ang nurse sa pag-check up sa akin at hindi rin nagtagal nang matapos siya. Nagpasalamat ako sa kanya at bago siya umalis, bigla siyang nagsalita,

"Kung hinahanap mo ang kaibigan mo, nasa kabila lang siya." at saka siya umalis. Tumayo ako mula sa kama at pumunta sa kabilang kurtina. There, I saw Anthony still unconscious and his body is full of bandages as well.

I took a deep breathe and went besides him. I took the chair and sat, looking at Anthony's figure. Pwede naman ako na umuwi na at magpahinga pero, mas naramadaman ko na kailangan ko muna samahan si Anthony dito kahit saglit lang.

D.I.C.E.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon