Nate
Simula nanaman ng panibagong taon sa West Xavier High. Since ngayon ang First day, kinakailangan na maaga ang mga estudyante para sa Flag Ceremony.
I'm starting my school year as a Grade 11 student. I have been attending West Xavier High since Grade 7 kaya, hindi ko gaanong ramdam ang tensiyon o excitement sa pagsisimula ng bagong semester.
Bumaba ako sa Jeep na aking sinasakyan at tumungo sa aking eskwelahan. Nang palapit na ako sa gate, nakita ko ang isang lalaking matangkad at maputi na may suot na salamin sa mata. Panay tingin siya sa mga estudyante na pumapasok sa campus na parang, may hinahanap siyang kakilala.
Ngumiti na lang ako at lumapit sa kanya. Nang nakita niya ako, ngumiti siya at kinawayan ako. "Nate! Long time no see!" He shouted out loud that attract some students that gave him confused glances.
Hays..First day na first day.
I set those thoughts aside and gave my friend a smile since first day naman eh. Mas maganda na simulan natin ang araw na masaya.
"Oy, Juancho! Kamusta naman?" tanong ko at sabay kami pumasok sa campus.
"Ayun, boring yung naging summer vacation ko. Tambay lang sa bahay. buti nga nagsimula na yung klase eh, at least may ginagawa na ako kahit ayoko ng requirements."
Napatawa na lang ako sa sinabi niya, Miski rin ako na kahit puro requirements, mas gugustuhin ko pa na pumasok kaysa sa tambay lang sa apartment at walang gagawin.
"Nate! Juancho!" narinig ko ang boses ng isang babae na pamilyar sa akin. Paglingon namin ni Juancho sa aming likuran, nakita namin ang aming kamag-aral na babae na kulot ang buhok at kayumanggi ang kulay ang balat.
"Roselle! Kamusta na?" Tanong ko.
"Ayun, maayos pa naman. It's nice to see some familiar faces today."masayang sagot ni Roselle sa amin. "Tara! Punta na tayo sa section natin. Baka madami ng tao roon."
Hindi na kami nagpatagal at tumungo kaming tatlo sa aming section. Madami akong nadaanan na mga estudyante na bago sa aking paningin at may iba naman na pamilyar. Naglakad kami patungo sa West Building na kung saan doon matatagpuan ang mga Grade 11 classrooms. Isa itong 3-story building at matatagpuan ang aming classroom sa second floor, malapit sa hagdanan.
Pag-akyat namin sa nasabing floor, makikita sa itaas ng pintuan ang pangalan ng aming section, '11-A'.
When I open the door, Everyone inside spare some glances to us before going back to their business while some greeted us on our arrival. Umupo kami nina Juancho sa magkatabing bakanteng upuan habang si Roselle naman ay nakiupo sa mga iba niyang kaibigan.
Huminga ako ng malalim at napasandal sa aking kinauupuan. Hindi ko aakalain na napagod ako sa kakalakad at pagbiyahe ko papunta rito. Speaking of school, ano kaya mangyayari this semester ngayon na Senior high na ako? Sabi nila na hindi na ito gaya ng Junior high at lahat ng teachers ay bago.
Feeling ko naman na kakayanin ko ang Senior High this year. After all, nothing weird will happen right?
I suddenly felt someone poking my shoulder, glancing at my side, seeing Juancho with a big grin plastered on his face like he wants to do something.
"Tara! Tingnan natin yung ibang floors ng building." yaya niya at sabay tumayo.
"Huh? Eh malapit na mag flag cem eh." sabi ko.
"Saglit lang naman eh. Tsaka yung third floor lang naman yung titingnan natin eh."
Sighing in defeat, Tumayo ako sa aking kinauupuan. "Alright. Let's just be quick."

BINABASA MO ANG
D.I.C.E.
Mystery / ThrillerWest Xavier High starts an another school year.Nate wants to spend the entire year as a normal high school student until he 'accidentally' enters the world of anonymous murders and deaths. It is now up to him to solve the mysteries within the school...