Chapter 15: Soul Tie

285 95 0
                                    

Chapter 15: Soul Tie

Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya. Marahas niyang hinila ang buhok ko bago kinaladkad.

Wala akong nagawa kundi humiyaw sa sakit, tila mapupunit na ang anit ko.

Alam kong hindi ako naging mabuti pero pakiusap... Panginoon kung nakikinig ka man. Gisingin mo naman ako. Ayoko makulong sa panaginip na ito.

"Puttana, you dared to have a soultie with my Cambion, my offspring."

Mahigpit niyang inangat ang ulo ko sabay pagbaon ng kuko niya sa 'king anit. Habol ko ang hininga nang hindi na maramdaman ang lupa.

"In nómine Pátris, et Fílii, et Spirítus Sancti. Amen."

Bigla niya akong hinambalos sa gilid ng kalsada.

"AHHHH!"

Napahiyaw ako nang tumama ang katawan ko sa malaking bato at narinig ang pagbiyak ng buto ko.

Naaninag ko si Father Jude kahit malakas ang buhos ng ulan. Taas noo niyang hinarap ang nilalang habang hawak ang rosaryo.

"You can't cast away your own Father," nakangisi nitong sabi. "Jude Lucifer, Puer Meus."

Gumapang ako papunta kay Father Jude habang humahalo ang tubig-ulan sa mga luha ko. Pilit kong inaabot ang lalaking pinakamamahal ko.

"Prínceps gloriosíssime coeléstis milítiae, sancte Míchael Archángele, defend us in the battle." Narinig ko ang malalim nitong ungol sabay kumurba ang labi ni Jude. "And in our wrestling against the principalities and powers, against the rulers of the world of this darkness, against the spirits of wickedness in the high places!"

Bawat diin ng mga salita ni Father Jude ay katumbas nang malakas na hiyaw nito, tila paulit-ulit siyang nasusunog sa ilalim ng bugso ng ulan.

"Véni in auxílium hóminum; quos Deus creávit inexterminábiles, et ad imáginem similitúdinis suae fécit, et a tyránnide diáboli emit prétio mágno!"

Marahas itong bumaling sa 'kin bago nawala sa hangin. Mabilis na dumalo sa 'kin si Father Jude at mahigpit akong niyakap.

Binuksan niya ang isang bote at pinainom ako ng tubig ngunit hindi ko maintindihan ang lasa nito. Agad niyang nilagok ang natitirang tubig bago ako masuyong hinagkan sa labi.


Nawala ako sa bilang nang marinig ang hagulgol nila, hindi ko na tuloy alam kung ilang talulot ng rosas ang nasa paanan ng kabaong nila Eura at Tino.

Dagsa rin ang mga tao na narito. Ito ang una't huling araw na nandito ako pagkatapos ma-discharge sa hospital. Sementado man ang kanang braso ko at nilalagnat pa, ay nagpumilit na akong pumunta rito dahil ngayong araw na ang libing nila.

"Revie." Nag-angat ako ng tingin kay Jeremiah. Tulad ko ay nagmumugto rin ang mga mata niya. "You should eat," aniya.

Hindi nawala ang mag-tito sa tabi ko matapos ang nangyari. Batid kong nag-uusig palagi ang mga tingin ni mama sa 'kin.

Hindi naman ako pala simba, hindi rin ako maka-Diyos o relihiyoso. Tapos kasama ko pa ang isang pari at palaging nakadikit sa 'kin, palaging nakasunod kahit saan man ako pumunta... kahit sa banyo man.

Walang sumubok na magtanong sa nangyari. Alam naman ng lahat na galing kami sa birthday ni Jeremiah.

Umiling ako sa kanya. Napabuntong hininga siya at tumingin kay Father Jude na nakaupo sa gilid ko.

"Baby, you should eat. Please."

Muli akong umiling, kaya pala ang daming kinain nila Tino at Eura bago ang nangyari kasi baon nila ito hanggang sa kabilang buhay.

Infernal Fate (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon