Chapter 9: Our Calm Night

294 95 0
                                    

Chapter 9: Our Calm Night

Kasalukuyan akong nakaupo sa harapan ng kabaong ni Casper. Ang bilis ng pangyayari, parang kahapon lang ay nag-iinuman kami sa park.

Wala sa huwisyong pinunasan ko ang basang pisngi at napatitig sa nakangiti niyang larawan.

Ang daming pumunta rito, katulad ng mga grupong sinalihan niya, mga streamer sa laro at ilang mga kabataan sa kabilang bayan.

Pumunta rin ang mga kaklase ni Casper galing sa unibersidad. Malayo pa ang binyahe nila para makarating lang dito at makita ang katawan ng kanilang kaibigan.

"Ang daming nagmamahal sa kapatid ko." Tumabi sa 'kin ang ate ni Casper na galing pa sa Mystone Town. "Hindi ganito ang gusto kong mangyari pag-uwi sa Santa Hellena ngayong summer," nangatal ang kanyang boses. Hindi ko na rin mapigilan ang paghikbi. "Salamat, Revie, kasi simula pagkabata ay nariyan ka na sa tabi niya."

Nasapo ko ang bibig at pinigilan na huwag humagulgol. Nanatili akong nakayuko, hindi ko kaya ang bigat ng nararamdaman ko.

"Mas saksi ka pa sa pagbibinata ng kapatid ko kaysa sa'min," aniya bago huminga ng malalim. "Gustong gusto niya maging graphic designer—"

"Graphic designer." Sabay naming tugon bago natatawa habang tumutulo ang luha.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang pamilyar na mga mukha sa 'kin. Isa sila sa mga sakristan sa simbahan. Pala-simba si Casper, mahilig pa ito magmano kay Father Jude.

Sumapit ang malalim na gabi, nanatili ako sa harapan niya, kahit mabigat na ang talukap ko sa mga mata. Nagsimulang magtawanan ang mga narito, dahil inalala nila ang pinagagawa ni Casper noong nabubuhay pa.

"Revie. You should go home." Wala sa huwisyong tumingin ako sa ate ni Casper.

Umiling ako bago magsalita. "Ayos lang po ako."

Marahan niyang pinisil ang balikat ko. "Please. Hindi gusto ni Casper na magmukmok ka sa mga huling araw niya. Higit sa lahat, ikaw ang mas nakakilala sa kanya."

Napalunok ako bago pinunasan ang basang pisngi. Hindi ko matandaan kung kailan huminto sa pagtulo ang luha ko sa mga mata.

"Babalik po ako bukas, ate Colet."

Ngumiti siya sa 'kin bago tumango. Nagpaalam ako sa mga dating kaklase namin ni Casper at napagdesisyunan na lumabas.

Huminga ako ng malalim habang dumadampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin, wala na akong ibang nahila na susuotin kundi ang fitted shirt at maiksing denim short.

Nakikita ang bulkan ng Hellena sa ilalim ng liwanag ng buwan. Madami mang sabi-sabi tungkol sa bulkan ay hindi nawala ang napakaperpektong hugis nito. Nanatili ang kagandahan niya makalipas ang libong taon.

Aalis na sana ako nang mahagip ng mga mata ko ang lalaking nakahelmet sa 'di kalayuan, pinakurap niya ang headlight nang tumingin ako sa kanyang gawi.

Malalaki ang hakbang ko na nagtungo roon. Nakalahad na ang kamay niya habang papalapit ako. Agad kong inabot ito bago suminghot, marahan niya akong hinila palapit sa kanya bago mahigpit na yumakap.

"Baby," aniya nang pinakawalan ako. Bahagya niyang hinila pababa ang mask na suot at ngumuso.

Hindi mawala sa paningin ko ang pagsulyap niya sa rosaryo sa 'king pulsuhan. Tumingkayad ako at mabilis na humalik sa kanyang labi. Pinunasan niya ang pisngi ko at sinuot ang isang helmet sa 'kin.

"Bakit hindi ka pumasok, Father Jude?" mahinang tanong ko.

Nakakaubos ng lakas ang pangyayari simula kahapon, mas nakakaubos ito kumapara sa pakikipagtalik.

Infernal Fate (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon