Umawang ang mga labi ni Almira at nakaramdam ng kuryosidad sa huling sinabi ng may-edad na babae. Pero naputol ang pag-uusap nila nang marinig ang yabag ni Brad hanggang sa lumitaw na ito uli. Sabay silang ngumiti ng ina nito. Marahil ay dahil pareho nilang hindi gustong mabahala ang lalaki kapag nalaman kung ano ang pinag-uusapan nila. Alam ni Almira kung gaano kamahal ni Brad ang ina at ayaw niyang maging dahilan para magtalo ang dalawa. Na siguradong mangyayari kapag nalaman nito ang mga sinabi sa kaniya ng may-edad na babae. May pakiramdam siya na kakampihan siya ng lalaki. Hindi siya assuming. Alam lang niya na nasa personalidad iyon ni Brad.
"Sorry, producer iyon ng show na gagawin namin ni Art para sa isang tv network. About a press conference," sabi ni Brad na umupong muli sa silya na katabi ni Almira.
"Ah. Iyong may malaking billboard," nabulalas niya.
Napatingin sa kaniya ang lalaki at naging pilyo ang ngisi. "Nakita mo na? How was it? Nagulat ka ba?"
"Sobra. At nakatingin ako sa billboard mo kanina nang bigla kang tumawag. Muntik ko na tuloy mabitawan ang cellphone ko dahil pinag-uusapan ka ng mga kasama kong pasahero sa fx nang mga sandaling iyon." Natawa si Brad.
"Nagulat ako na tinanggap mo ang proyekto na iyon," singit ng ina ng lalaki. "Mas gusto mong nasa likod ng camera kaysa nasa harap niyon, hindi ba?"
"Dahil interesting ang premise ng show. Besides, hindi ba gusto mong magtagal ako sa bansa mom? Wala akong plano na iwan ka."
May dumaang vulnerability sa mukha ng may-edad na babae na parang maiiyak pero kumurap-kurap at ngumiti. "My son, so sweet as always."
Aminado si Almira na napalis ang inis at sama ng loob niya sa mga sinabi ng may-edad na babae kanina nang makita ang pagmamahal sa bawat tingin nito kay Brad. Paano niya makikitang kontrabida ang isang ina na nagmamahal lamang ng anak at kahit na may malubhang sakit ay mas inuunang isipin ang buhay ng anak nito kaysa sa sarili. Kung tutuusin ay parang siya pa nga ang kontrabida sa sitwasyon na iyon. Sa isiping iyon ay bumigat ang dibdib ni Almira.
Hanggang magpaalam na sila ay mabigat pa rin ang pakiramdam niya pero hindi na lang niya pinahalata sa mag-ina. Nabigla pa siya nang yakapin din siya ng may-edad na babae. Nakita niyang ngumiti si Brad na mukhang tuwang tuwa sa nakikita. Iyon ay dahil hindi nito alam pero may ibinulong ang nanay nito sa kaniya habang yakap siya. "Please consider what I told you. It's a request. Let him go."
Pinag-isipan niyang mabuti ang sinabi ng may-edad na babae habang nasa biyahe na sila ni Brad. Nagpumilit itong ihatid siya pauwi. Nakatitig lang si Almira sa labas ng binata at kahit anong isip niya ay isa lang ang nabubuong ideya sa utak niya. She and Brad is making a huge mistake by staying together. Dahil lang gusto nilang panindigan ang kasal na pareho nilang hindi ginusto at ginanap na pareho silang wala sa tamang huwisyo. Paano nga kung mas magiging mabuti ang hinaharap ni Brad kung mapangasawa ang babaeng pinili ng ina nito?
Napahugot ng malalim na paghinga si Almira. "Sa tingin ko pa rin ay dapat mag divorce tayo," bulalas niya.
Napasinghap siya nang biglang magpreno si Brad. Napakapit siya sa gilid ng pinto at nanlaki ang mga mata. Mabuti na lang at nakapula na ang traffic light sa harap nila. Kung hindi ay baka nabangga sila sa likuran ng ibang sasakyan sa biglang paghinto nila.
"Bakit mo na naman naisip iyan?" kunot noong baling ni Brad sa kaniya.
"Sa tingin ko lang iyon ang tama. Brad, ayokong panindigan mo ang pagkakamali natin noong pareho tayong lasing. Paano kung may mas magadang future para sa atin at pinipigilan natin iyong mangyari dahil nagpupumilit tayo panindigan ang pagkakamali natin?" paliwanag ni Almira.
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 7: MARRIED TO MR. FAMOUS (Brad Madrigal)
Romance"Kailangan lang palang makilala ko ang tamang babae para gustuhin kong lumagay sa tahimik. Mabuti na lang, nakilala kita." Brokenhearted si Almira nang makita niya si Brad sa pangalawang pagkakataon sa Las Vegas. Ang dating masayahin at laging may n...