Part 21

32K 823 16
                                    


NAKAPAGBIHIS na ng uniporme niya si Almira nang muling tumawag sa kaniya si Brad para sabihing nasa Visperas Hotel na ito. Tumanggi nga lang siyang makita ito agad dahil kailangan na niyang magtrabaho.

"Kahit gaano pa kita gusto makita ay hindi ko pwedeng pabayaan ang trabaho ko," dahilan niya.

Ang lakas ng tawa ni Brad sa kabilang linya. "So serious. But that's one of your adorable traits, Almira. Then, hihintayin na lang kita sa hotel resto. Come to me whenever you want. Maghihintay ako."

Tuloy ay hindi siya nakapag-concentrate ng husto sa trabaho. Palagi kasi siyang napapatingin sa wristwatch niya at napapaisip kung naroon pa ba talaga si Brad gaya ng ipinangako nito sa kaniya. Pagsapit ng break time ni Almira ay hindi na siya nakatiis. Mabilis siyang nagpunta sa restaurant na matatagpuan sa ground floor ng hotel kahit na labag sa pamantayan niya ang magtungo doon. Empleyado siya at nakasuot ng uniporme. Sa kaniyang palagay ay para lamang sa mga guest at may-ari ng hotel ang restaurant. Kaya ang plano niya ay sisilipin lang kung naroon pa si Brad. Dahil sa totoo lang ay gustong gusto niya itong makita. Hindi iyong billboard o ang mga larawan nito sa internet kung hindi ang tunay na si Brad. Gusto niya ng assurance at kompirmasyon na abot kamay talaga niya ang lalaki.

Mas nauna si Brad na makita siya bago pa niya ito makita. Alam niya dahil nang mapatingin siya sa lamesa kung nasaan ang lalaki ay nakatayo na ito at nakangiting naglalakad palapit sa kaniya. Tila napako sa kinatatayuan si Almira at napatitig lamang kay Brad hanggang sa huminto na ito sa kanyang harapan. Napansin niya na maaliwalas ang ekspresyon nito.

"Mukha ka yatang masaya," puna niya.

"Dahil nakita na kita," nakangising sagot ni Brad.

Naitirik niya ang mga mata. "Bukod doon. Pakiramdam ko may iba pang dahilan kung bakit ka masaya to the point na gusto mo akong makita."

Kumislap ang paghanga sa mga mata ng lalaki. "You really know how to read me, huh." Humakbang ito palapit sa kaniya at inilapat ang palad sa likod niya. Pagkatapos ay iginiya siya nito papasok sa restaurant. "May magandang nangyari. Kinausap ako ni mommy. Humingi siya ng tawad sa naging reaksiyon niya nang sabihin ko ang tungkol sa iyo. And she said she's looking forward to meeting you."

Nakahinga ng maluwag si Almira sa sinabi nito. Sa totoo lang ay ninenerbiyos siyang makaharap ang nanay ni Brad lalo at alam niyang may ibang babae itong gustong ipakasal sa anak nito. Pero sa sinabi ngayon ng lalaki ay medyo nawala ang kaba niya. "Magandang balita nga iyan," nakangiting nausal niya.

Gumanti ng ngiti si Brad at ang kamay nitong nasa likod niya ay dumausdos paikot sa kanyang baywang. Pagkatapos ay hinigit siya hanggang sa magkadikit ang mga tagiliran nila sa intimate na paraan na alam niyang hindi nakaligtas sa paningin ng mga guest at empleyado sa restaurant na mukhang kanina pa nakatingin sa kanila. O mas tamang sabihin na nakatingin kay Brad.

"Bitawan mo ako, ano ka ba?" nanlalaki ang mga matang bulong niya rito.

Pero hindi lumuwag ang braso ni Brad na nakapaikot sa kanyang baywang. Umangat ang mga kilay nito at kumislap ang amusement sa mga mata bago yumuko at bumulong sa kanyang tainga. "Almira, dapat masanay ka na. I'm an affectionate man. Hindi ako makukuntento na hindi hinahawakan at hindi nilalambing ang asawa ko."

Umawang ang mga labi ni Almira at parang kiniliti siya mula ulo hanggang paa. Hindi lang dahil sa sinabi nito kung hindi dahil rin sa mainit nitong hininga na humampas sa pisngi niya. Nang ilayo ni Brad ang mukha sa kaniya ay nginitian lang siya nito bago muling hinigit patungo sa lamesa na inookupa nito kanina. "Now, come and meet some of my friends."

Bachelor's Pad series book 7: MARRIED TO MR. FAMOUS (Brad Madrigal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon