Part 9

32K 739 5
                                    


MAY NARINIG si Almira na mahinang tawa. Napasinghap siya at dahan-dahang iminulat ang mga mata, sinigurong hindi nakatingin sa ibabang bahagi ng katawan ng lalaki. Umaalog ang mga balikat nito at nakangiti kahit pa tila hirap pa itong imulat ang mga mata. Si Brad ang tumatawa. Pinagtatawanan siya nito?!

"Kanina ka pa gising?" manghang bulalas niya.

Lumakas ang tawa ni Brad at tuluyang iminulat ang mga mata. Pero katulad niya kanina ay napangiwi ito at napahawak sa ulo. "Aw. Damn hangover," daing nito.

"Nasaan tayo? B-bakit pareho tayong..." ni hindi magawang tapusin ni Almira ang sinasabi at humigpit na lamang ang hawak sa comforter na nakatakip sa kahubdan niya. Tumikhim siya. "Ano bang nangyari kagabi? Hindi ko masyadong matandaan ang lahat."

Umuungol pa rin si Brad pero pinilit bumangon paupo. "I can't fully remember everything too. Kaunti lang ang natatandaan ko." Tumingin sa kaniya ang lalaki. "Come here."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Bakit?"

"Sasabihin ko sa iyo kung ano lang ang natatandaan ko sa mga nangyari kagabi. Come here." He even crooked his finger at her!

"Baka gusto mong takpan man lang ang sarili mo kahit iyang ibaba lang?" sikmat ni Almira na hindi pa rin tinangkang ibaba ang tingin.

Mahina na namang natawa si Brad at napailing. Pagkatapos ay hinablot nito ang isang unan at ipinatong sa kandungan nito. Pagkatapos ay nakaangat ang mga kilay na tiningnan siya. "Okay na."

Hindi pa rin komportable si Almira pero alanganin parin siyang lumapit sa kama. Tumayo lang siya sa gilid at wala nang balak lumapit pa pero napasinghap siya nang biglang abutin ni Brad ang braso niya at marahan siyang hinigit hanggang mapaluhod siya sa kama paharap dito.

"Sa tingin ko ay masyado tayong maraming nainom kung ganito kalabo ang memorya natin sa mga nangyari kagabi. Ang huling malinaw na naalala ko lang ay nag bar hopping pa tayo sa downtown. Ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na malinaw na maalala. Pakiramdam na lang ng nagdaang gabi ang natatandaan ko at sa tingin ko ginawa natin ito," bulong ni Brad. Umangat ang malaya nitong kamay at sumapo sa batok niya. Pagkatapos ay hinigit siya nito at marahang hinalikan sa mga labi.

Namilog ang mga mata ni Almira at hindi nakagalaw. Ikinabigla niya ang paghalik nito sa kaniya subalit sa kung anong dahilan ay pamilyar din ang pakiramdam ng pagkakalapat ng mga labi ni Brad sa kanyang mga labi. Katunayan ay maging ang kamay nito sa kanyang braso na ngayong marahang humahaplos sa kanyang balat ay pamilyar. Maging ang mga daliri nitong maingat nang sinusuklay ang kanyang buhok sa batok ay para bang nadama na niya.

Napunta ang halik ni Brad sa gilid ng kanyang mga labi, padausdos sa kanyang pisngi hanggang sa kanyang tainga. "Natatandaan ko na ginawa natin ito kagabi," bulong nito. "Hindi malinaw ang mga detalye pero pakiramdam ko nahalikan ko na ang mga labi mo at nahaplos ko na ang balat mo. The memory is too hazy that it almost felt like a dream. Pero nagising ako at nasa tabi kita. Kaya siguradong hindi panaginip lang ang lahat."

Napasinghap siya sa sensasyong dulot ng mainit na hininga ni Brad sa balat niya. Napapikit siya. At bigla ay may malabong alaala na sumagi sa isip niya. Nang bigla nilang pagpasok sa silid na iyon, nang magkalapat nilang mga labi habang basta-basta nila inalis ang saplot ng isa't isa na matagal bago nila tuluyang nagawa dahil sa tuwing hindi sila nagtatagumpay matanggal ang isang saplot ay langong nagkakatawanan sila. Ang sumunod na imaheng sumagi sa isip ni Almira ay nasa kama na sila, nakaibabaw sa kaniya ang binata, kapwa hubad, magkalapat ang mga labi at naglalakbay sa katawan ng isa't isa ang kani-kanilang mga kamay na para bang walang bukas.

Napadilat siya na sobrang init na ng mukha at nanghihinang napaupo sa kama. Matamang pinagmamasdan ni Brad ang kanyang mukha kaya sigurado siyang napansin nitong may naalala siya. "We really did it last night," usal ni Almira.

Marahang tumango ang lalaki at tila nang-aalong hinaplos na naman ang braso nya. "Ganoon na nga."

Manghang sinalubong niya ng tingin ang mga mata nito. "Pero hindi natin mahal ang isa't isa. Kahit ganoon may... may nangyari sa atin?" lakas loob na bulalas niya.

Napabuntong hininga si Brad. "Oo."

Umawang ang mga labi niya. Pagkatapos ay naitakip ng mga kamay ang mukha. "Oh my God," ungol niya. Hindi siya pinalaki ng mga magulang niya na ganoon. Hindi siya ganoon, period. Ilang beses na ba sa nakaraang mga taon na may nakaengkuwentro siyang lalaki na one night stand lang ang habol sa kaniya pero sa tuwina ay mariin niyang pinanghahawakan ang moralidad at tumatanggi? Kaya nga umabot si Almira sa edad na trenta'y singko na... virgin. Pero hindi na ngayon. "Oh my God," naungol na lang niya ulit.

"I'm sorry," sinserong sabi ni Brad maya-maya. Napaangat tuloy ang tingin niya sa mukha ng binata na bumuntong hininga at sinuklay ng mga daliri ang buhok. "Hindi ko malinaw na natatandaan ang lahat. Kagabi ang unang beses na nalasing talaga ako ng husto at nagsisisi na ako. I hate it that I don't remember things. Lalo na ang ganito kaimportanteng bagay. Paano kung pinilit lang kitang dalhin dito at gawin ang mga ginawa natin? This is my hotel room after all. Kaya patawad, Almira."

Napatitig siya sa lalaki. Pagkatapos ay marahas na umiling. "Hindi iyan totoo. Kahit hindi pa tayo lubusang magkakilala ay sigurado ako na kahit lasing ka hindi ka mamimilit ng babae. Hindi mo kailangan mamilit ng babae para gawin ang ginawa natin kagabi, Brad. Alam kong alam mo iyon. Mas nahihiya ako dahil baka... baka ako ang namilit sa iyo at pinagbigyan mo lang ako dahil naawa ka sa akin," usal ni Almira na pulang pula ang mukha.

Bumakas ang pagkamangha sa mukha ni Brad. "Bakit mo naman nasabi iyan? Na may posibilidad na naawa lang ako sa iyo? I will never make love to a woman dahil lang naaawa ako sa kanya!"

Lalong uminit ang mukha ni Almira. "Pero ang tanda ko na! I'm an old maid at... at hindi naman ako kaakit-akit. Kung hindi ka lasing siguradong walang mangyayari sa atin dahil hindi ka magkakainteres sa akin. Kaya sorry, Brad. Sigurado ako na ako ang nag-initiate na may mangyari sa ati –"

Napasinghap siya nang biglang higitin ng lalaki ang batok niya at mariin siyang hinalikan sa mga labi. Napapikit siya nang tila hindi pa nakuntento si Brad. Hinawakan nito ang baba niya at bahagya iyong pinisil dahilan kaya bumuka ang mga labi niya. Noon nito pinalalim ang halik. He slipped his tongue inside her mouth! Pagkuwa'y hinalikan siya nito sa paraang hindi inakala ni Almira na mararanasan niya. Uminit ang pakiramdam niya at nanlambot ang kanyang katawan kaya napahilig siya palapit sa katawan ni Brad. Napakapit siya sa magkabilang braso nito at bumagsak ang comforter na kipkip niya sa kanyang dibdib. Ang init ng temperatura ni Brad. Halos mapaso ang kanyang mga kamay na nakalapat sa balat nito. At si Almira man ay init na init ang pakiramdam na para siyang may lagnat.

Bachelor's Pad series book 7: MARRIED TO MR. FAMOUS (Brad Madrigal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon