Part 25

30.6K 749 14
                                    


"Pero nakukuntento ka ba ng ganiyan?" biglang tanong ni Keith dahilan kaya napatingin siyang muli rito.

"Anong ibig mong sabihin?"

Ngumisi ang lalaki. "Well, mag-asawa kayo pero hindi pa rin kayo araw-araw nagkikita. And a married couple should be sleeping together at night, right?" tudyo nito.

Napaungol si Brad at mariing pumikit. "Shit, don't remind me." Dahil sa nakaraang mga linggo ay palagi siyang dinadalaw ng mga alaala ng gabing pinagsaluhan nila ni Almira. Palagi rin niya iyong naalala sa tuwing nagdidikit ang mga balat nila. And always, it makes him want to hold her close and relive that night. Every touch, every kiss, every sound she made. Every moment of it. At gusto niya na kapag naulit iyon ay pareho silang nasa tamang pag-iisip. Napahinga ng malalim si Brad sa itinatakbo ng isip niya.

Dumilat siya at muling hinanap ng tingin si Almira. Nakatingin na rin pala sa kaniya ang babae at bahagyang nakakunot ang noo. Nakita niyang bumaling ito kay Jesilyn na siyang kasama nito sa booth bago nagsimulang maglakad palapit sa kanila ni Keith.

Habang papalapit si Almira ay naging malinaw kay Brad ang nag-aalalang ekspresyon sa mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Hanggang sa huminto ito sa kanyang harapan at ang nagawa lang niya ay titigan ang maganda nitong mukha na may palagay siya na kahit si Almira ay hindi nakikita.

"Okay ka lang?" concerned na tanong ni Almira habang nakatingala sa kaniya. "Nakita kitang nakapikit at parang nahihirapan kanina. May dinaramdam ka ba?"

Napakurap si Brad dahil nagulat siya na iyon pala ang dahilan kung bakit lumapit si Almira. Si Keith naman ay natawa at tinapik pa ang balikat niya. "He's having a very hard time," sabi pa ng lalaki na idiniin ang salitang 'hard'. Sa kabutihang palad ay siya lang ang nakaintindi ng parungit ng lalaki na tinapunan niya ng nagbabantang tingin. Itinaas ni Keith ang dalawang kamay at umatras pero nakangisi pa rin. The devil. "Fine. Iiwan ko na muna kayong dalawa." Iyon lang at lumayo na sa kanila si Keith.

Kunot noong napasunod ng tingin sa lalaki si Almira bago muling humarap sa kaniya. "Anong sinasabi niya? May dinaramdam ka talaga?"

Pagak na natawa si Brad at umiling. "Huwag mo siyang pansinin. Eccentric lang talaga iyong si Keith. I'm fine. Everything is fine."

Pinakatitigan siya ni Almira. "Totoo?"

Napangiti si Brad at pinisil ang baba nito. "Totoo."

Sandaling nagkatitigan sila bago ngumiti na rin si Almira at inayos ng isang kamay ang salamin sa mata. "Okay."

Napaungol siya. "Really, that mannerism of yours is so adorable." Namula ang mukha ni Almira at alam niyang hindi iyon dahil sa sikat ng araw o sa init ng paligid. Para tuloy may sariling isip ang katawan ni Brad na humilig palapit sa babae at ang ulo niya'y yumuko upang sana ay halikan ito. Pero tumunog ang cellphone niya bago pa niya iyon magawa. Natigilan sila pareho.

"Sagutin mo na," sabi ni Almira.

Napabuntong hininga si Brad at dinukot ang cellphone sa bulsa. Si Joe ang tumatawag, ang amerikanong kaibigan niya at isa sa parte ng team niya kapag may proyekto siya. Ang lalaki din ang in-charge sa pagtanggap ng lahat ng project requests, interview requests at endorsement requests para sa kaniya na mula sa Amerika.

"Yes, Joe?" bungad niya nang sagutin ang tawag. Akmang aalis si Almira pero maagap niyang nahawakan ang kamay nito upang pigilang umalis. He wanted to be close to her a little bit longer. Kaya nang hindi na nagtangkang lumayo ang babae at nanatili sa kanyang tabi ay bahagya siyang napangiti.

"Yo, Brad. You didn't tell us you got married when we were in Vegas! The phone has been ringing nonstop since your photo with your mystery wife circulated the online entertainment portals here in the US."

"What?" manghang bulalas ni Brad at napahigpit ang hawak sa kamay ni Almira na natensiyon habang nakatitig sa kaniya. Na para bang naramdaman nito na hindi maganda ang balitang naririnig niya. "Joe, what photo are you talking about?"

"Well, someone took a photo of you and a woman inside a wedding chapel in Las Vegas. And the articles quoted a reliable source, someone in my opinion is a staff of the chapel, claiming that yes, Brad Madrigal got married in Vegas. I think it's a matter of time before the news reaches your country, man," sabi ni Joe.

Humigpit ang hawak ni Brad sa kamay ni Almira. "Can't we do something to stop it from going viral?"

"Too late, Brad. Well, I just called to tell you how shock we are when we heard the news."

Tumiim ang bagang niya. "I appreciate your call Joe. I will keep in touch."

"Anong larawan ang pinag-uusapan niyo?" tanong ni Almira nang tapusin ni Brad ang tawag.

Napatitig siya sa mukha nito at nagdesisyon na huwag muna sabihin ang tungkol sa viral photo nila sa Amerika. Walang silbing pag-alalahanin niya ito ngayon. Bukas makalawa ay mawawala na ang isyu na iyon sa Amerika lalo at maraming mas news worthy personalities doon kaysa sa kaniya. Kaya inakbayan niya si Almira at ngumiti. "Wala iyon. May kinalaman lang sa trabaho. Let's visit the other booths," sabi na lang niya.

Hindi na nagpumilit pang magtanong ang babae kahit na duda pa rin siya nitong tinitingnan. Lalo niyang pinasigla ang ekspresyon at pinalawak ang ngiti. Naningkit ang mga mata ni Almira. "Brad, alam mo na hindi ako naloloko ng peke mong ngiti. Kung nagagamit mo iyan sa iba para magkunwaring ikaw ang tipo ng tao na walang nararanasang problema sa buhay, sa akin hindi. Pero kung ayaw mong sabihin sa akin ngayon, fine. Sabihin mo na lang sa akin kapag handa ka na."

Pagkasabi niyon ay marahang kinalas ni Almira ang braso niya mula sa balikat nito at nagpatiuna sa paglalakad, papunta sa booth kung nasaan si Janine. Napalis ang masiglang ekspresyon ni Brad at napasunod na lamang ng tingin sa babae. Pero maya-maya lang ay may init siyang naramdaman sa kanyang dibdib at umangat ang mga labi para sa isang tunay at mainit na ngiti.

Bachelor's Pad series book 7: MARRIED TO MR. FAMOUS (Brad Madrigal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon