Entry 17~ Field trip.

66 7 0
                                    

Hindi ko alam kung dapat ba merong fieldtrip ang college pero basta gusto ko may fieldtrip. =))

-----

<ACE'S POV>

"Nako manang bakit sobrang dami naman ng ipinamili niyo. Dalawang araw lang po kami mag fifieldtrip hindi po one week." sabi ko.

Ang daming biniling snacks ni Manang Helen eh. Hindi ko nakita kagabi dahil maaga akong natulog. Haha, Di ko alam kung bakit. 2days and one night yung fieldtrip namin.

"Yan kasi ang utos ni Mam at Sir saakin." sabi niya. Nako, sina mama talaga.

"Ah osige po manang salamat po!" 

Ngayon yung fieldtrip namin eh sa Macau. Hindi ko alam kung educational ba ito oh trip lang nila. Hindi ko alam kung bakit kailngang sa  ibang bansa pa pero okay na din. Malapit lang naman yun sa Pilipinas at afford naman ng mga students sa school namin dahil isa naman to sa mga exclusive schools dito.

Yung mga pupuntahan namin sa Macau eh yung mga Historic Museums. Tapos makikita ko na din yung pinag shooting-an nila Jun pyo! Ahhhh Lee min ho :"> Hahahaha.

Hindi kami makakapag kotse ni Dale kaya mag cocommute nalang kami. Kasi wala namang magddrive pauwi ng kotse. Haha. 7am yung flight namin. 6am dapat umaalis nakami. Susunduin ako ni Dale shempre :")

*toktoktok*

"Manang! Aalis na po ako. Salamat po sa paghahanda ng kailangan ko.Bye manang."

"Ohsige anak. Mag-iingat kayo doon ha?" 

"Yes po manang."

--

"Baby! I'm so excited!" sabi ko.

"Ako rin baby, magiging one of the memorable experiences ko ito na kasama ka."

"I know baby. Buti nalang naisipan nila itong fieldtrip nato." 

Umalis na kami at papunta nakami ng airport. Ang lamig lamig kahit na nakajacket na ako. Eh kasi sa mukha ko malamig.. Yung hangin. >_<

Nung makarating kami sa airport eh umupo muna kami sa lobby. Nag-hihintay ng mga kaklase ko. 

"Aceeeeeeeeeee!~" nakita ko sa malayo si Sam. Ang ganda niya ^_^

"Sam! Ang ganda ganda mo naman." sabi ko

"Nako wag mokong bolahin Ace. Ikaw nga diyan eh." sabi naman ni Sam.

"Oh hi dale!" sabi ni Sam.

"Hi Sam. Kumusta na?" sabi ni Dale.

"A-ah eh o-okay lang naman!" sabi niya na medyo nabubulol.

"Okay ka lang ba Sam?" sabi ko.

"Oo Ace, sige cr muna ako ha?" sabi ni Sam tapos umalis na siya.

Dumating na naman yung professor namin tapos pinaayos na yung mga gamit namin dahil ready to fly nakami! ^_^ Hahaha. Hindi ko alam pero magkatabi kami ni Dale. Nasa may bandang bintana ako. Yehey ^_^ tapos sa tabi naman ni Dale eh si Sam. Buti nalang hindi nalayo si Sam.

"Please fasten your seatbelts." sabi nung nasa speaker haha 

At dahil inaantok naman ako eh natulog muna ako. 

---

<SAM'S POV>

Sa dinami dami ba naman ng mga upuan napunta pa ako dito sa tabi ni Dale. Oh gosh. Ang swerte ko. *sarcasm hereeee* Hindi ako makapagsalita ng maayos kanina dahil hindi ko naman alam na kakausapin niya ako. Akala ko eh ngiti lang ang sasagot niya doon sa Hi ko. Grabe talaga.

Then you found me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon