Chapter 2FORGOTTEN FRIEND
Mia
"Bakit kanina pa hindi makausap si Cath? Tulala na 'yan simula pa kaninang umaga." nagtatakang tanong ni Yna na halata ang pag-aalala sa mukha.
"Hindi ko rin alam. Nagtataka nga rin ako hindi naman madalas maging ganyan yan, laging energetic kaya nakakapanibago." saad ko habang nakatingin kay Cath na nasa sulok ng classroom.
"Baka naman nalaman niyang may jowa na si Nathaniel at sobra siyang nasaktan?" dagdag ni Stef na nakapalumbaba.
Hindi ko naman masisisi si Cath kung gusto na niya si Nathaniel since Grade 5 sila. Naging kaklase din namin si Nathaniel noong Grade 8 at 9, masasabi kong mabait talaga ang taong 'yon, may itsura at matalino pa. Laging laman ng libray.
Boto ako sa kanya para kay Cath. Mapagmahal at maalaga si Cath, maganda, mabait, matalino kaya masasabi kong perfect match talaga sila.
"Cath may problema ba?" tanong ni Yna, minabuti naming lumapit sa kanya.
"Yung sinabi ko sa inyo na may narinig akong bubugbugin? Sa tingin ko sa Nathaniel ang taong 'yon." sinabi niya sa walang kabuhay-buhay na tono at hindi man lang tumitingin sa amin.
"Sigurado ka ba dyan? Kung nung kailan mo pa narinig yon edi nabugbog na nila si Nathaniel?" bakas ang gulat at pag-aalala sa boses ni Stef. Bakit naman nila bubugbugin si Nathaniel?
Humarap sa amin sa amin si Cath. "Kagabi, pumunta ang mama ni Nathaniel sa bahay para pakiusapan si Mama na kung pwede siyang tumulong na alagaan si Nathaniel dahil nabugbog daw, nang narinig ko 'yon kay mama at isasama niya daw ako wala akong sinayang na oras agad akong tumakbo papunta sa bahay nila. Mabilis akong nakapunta dahil katabi lang naman ng bahay namin ang bahay nila. Dumeretso ako sa kwarto niya at parang nanghina ang dalawa kong tuhod nang nakita ko ang kalagayan niya, napaluhod nalang ako." tumigil siya dahil mapapaiyak na siya.
"Hindi ko kinayang makita ng ganon ang kalagayan niya. Parang dinudurog ng paulit ulit ang puso ko. Idagdag mo pa ang kaalamang alam ko ang plano nila Johnny. Kung pinigilan o sinumbong ko sila, hindi mangyayari 'yon. Kasalanan ko, may alam ako at may kaya akong gawin pero wala akong nagawa." tuluyan nang tumulo ang namumuong luha sa mga mata niya. Hindi ko mapigilang maawa sa kalagayan niya ngayon. Sobra siyang naaapektohan sa nangyari kay Nathaniel. Kahit ako naman, nasasaktan din. Nakausap ko lang si Nathaniel sa library nung nakaraan.
"Sorry, kung hindi sinabi ko sayo na huwag mo nang pansinin ang narinig mo baka hindi napahamak si Nathaniel." nanlulumong saad ni Stef.
"'Wag kang mag alala, hindi naman kita sinisisi sa nangyaring yon." pilit na ngumiti si Cath ngunit kitang-kita sa mga mata niya ang sobrang kalungkutan.
"Sorry talaga." Niyakap namin si Cath para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman niya. Sinisisi niya ang sarili na hindi naman dapat.
"Pwede ba kaming dumalaw kay Nathaniel mamaya?" tanong ni Stef na alam kong tulad ko ay gano'n din ang inisiip ni Yna.
"Oo naman, walang problema, sabay-sabay na tayong pumunta mamaya tutal dederetso din naman ako doon." Sumaya ng kaunti ang mukha niya kumpara kanina, siguro dahil medyo nailabas niya na ang kinikimkim niyang problema.
---
Nasa kwarto na kami ni Nathaniel pero mukhang mahimbing na mahimbing ang tulog niya kaya mukhang hindi namin siya makakausap. Tatanungin pa sana namin siya kung bakit siya binugbog nila Johnny. Mabait siyang tao at wala akong kahit na anong naiisip na dahilan para mabugbog siya.
YOU ARE READING
Her Heart
Mystery / ThrillerHer Heart Paano kung ang puso mo ay magsimulang umakto ng kakaiba? Ito ang nagsimulang maranasan ni Mia mula nang makilala niya ang dalawang lalaking magbubukas ng sikreto ng kanyang pagkatao. Ang pusong magdadala ng kapahamakan sa mga taong nakapa...