Chapter 14TRUTH SHE FAILED TO SEE
— Xeile's point of view —
Matapos sumugod ni Zin nahati kami sa dalawang grupo o may ilang tumakbong mag-isa palayo, hindi ko alam. Magkakasama kaming tumakbo sa kabilang direksyon nila Stef nang sila ang habulin ni Zin. Ako, si Xev, Chase, Xainna, Xille, Kent, Zaria, Kairo at Noah. Kahit hindi kami hinahabol hindi kami tumigil sa pagtakbo hangga't hindi namin nasisigurong malayo na kami.
Nagsigawan kami nang makarinig kami ng magkakasunod na putok ng baril. Hindi naman sana kila Cath galing 'yon. Muli kaming tumakbo dahil base sa lakas ng tunog ay malapit lang ito. Tumigil kami sa pagtakbo nang makalayo at pagod na pagod na naghabol ng hininga. Pawisan na kaming lahat at alam kong gaya ko, masakit na ang mga paa nila sa layo ng aming natakbo.
"Siguro naman hindi na niya tayo masusundan?" hinihingal na saad ni Kairo habang pinupunasan ang pawis.
"Sinong mag-aakalang sa napakainosente niyang itsura may demonyong nagtatago sa loob." hindi makapaniwalang sambit ni Chase habang umiiling.
"May ginawa ba tayong masama sa kanya na aabot na sa puntong papatayin niya tayo isa-isa?" naguguluhang tanong ni Xille na umupo sa mga dahon sa lupa dahil sa sobrang pagod na hindi na kinaya.
Naputol ang pagpapahinga namin nang makarinig kami ng putok ng baril at marinig namin si Xille na dumaing sa sakit. Nagulantang kami nang makita naming may tama ng bala si si Xille sa sikmura at wala na itong tigil sa pagdurugo. May dugo na ring lumalabas mula sa bunganga niya. Muli kaming nakaramdam ng takot para sa buhay namin nang matanaw namin si Zin na may hawak na baril at palakol.
Akmang lalapitan ni Kent si Xille upang tulungang makatakas ngunit lahat kami napasigaw nang muling umalingawngaw ang putok ng baril at makita namin si Xille na bumagsak matapos tamaan ng bala sa ulo. Nakita namin si Zin na tumatakbo ng mabilis patungo sa amin kaya kahit mahirap para sa amin ay iniwan namin ang katawan ni Xille at umiiyak na tumakbo palayo.
"T-Teka nakikita niyo ba 'yon?" turo ni Xainna sa unahan habang tumatakbo. May pigura ng tao kaming natatanaw kaya mas binilisan namin ang pagtakbo upang makalapit sa kanya. Tumigil kami nang unti-unti kaming makalapit sa kanya. Umikot ito para harapin kami at nagsinghapan kami nang makita kung sino ang nasa harapan namin. Imposible. Duguan, puno ng saksak sa iba't ibang parte ng katawan, halos nakatabingi na ang leeg dahil sa laslas na natamo sa leeg, butas na dibdib at ang walang kabuhay-buhay niyang mukha na namumutla.
"K-Kleah.." nag-uunahan ang pagtulo ng mga luhang sambit ni Xainna sa pangalan ng kaibigan na nakatayo sa harapan namin.
"What the fucking fuck?" naguguluhang sambit ni Kairo habang pinapasadahan ng tingin si Kleah.
Napatingin kami sa hawak niyang palakol sa kanang kamay. Nagtilian kami nang humakbang siya palapit sa amin at inangat ang hawak na palakol na tila ba tatagain kami.
"Kleah naririnig mo ba kami? Kami 'to mga kaklase mo!" nanginginig sa takot na saad ko habang walang tigil sa pag-atras dahil patuloy siya sa paghakbang palapit sa amin.
"Is this possible? Look! She doesn't have a heart!" natatarantang sigaw ni Zaria na napapasinghap dahil tulad namin hindi namin maintindihan kung anong nangyayari.
Agad kaming lumingon sa likod matapos malakas na sumigaw si Xev sa takot. Nagtayuan ang mga balahibo ko matapos makita ang dahilan ng pagsigaw ni Xev. Nakatayo si Dan na nababalot ng dugo, binalatan ang magkabilang braso, tadtad ng sugat ang mukha, walang puso at tulad ni Kleah ay walang emosyon ang mukha. May hawak siyang itak sa magkabilang kamay dahilan upang mas makaramdam kami ng mas matinding takot.
YOU ARE READING
Her Heart
Mystery / ThrillerHer Heart Paano kung ang puso mo ay magsimulang umakto ng kakaiba? Ito ang nagsimulang maranasan ni Mia mula nang makilala niya ang dalawang lalaking magbubukas ng sikreto ng kanyang pagkatao. Ang pusong magdadala ng kapahamakan sa mga taong nakapa...