CHAPTER 11

34 5 0
                                    


Chapter 11

I HAVE TO

Mia

Sa pamamagitan ng malamlam na liwanag galing sa buwan ay nakita ko ang nagkalat na dugo sa buong paligid. Sa sahig, sa pader at sa kisame. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang katawan ni Dan na naliligo sa sariling dugo habang nakaupong nakasandal sa pader. Binalatan ang magkabilang braso, puno ng sugat ang mukha at tulad ng mga nauna ay wala na ang kanyang puso.

Paglingon ko sa kabilang direksyon nakita ko ang katawan ni Nash na walang saplot pang itaas. Puno ng sugat ang katawan niya na tila hiniwa ito ng malalim at dinukot ang mga laman-loob nito. Nagkalat sa paligid ang mga bituka niya at ang ilan pa dito nakasabit pa sa tyan niya. Wala na rin ang kanyang puso.

Nakita ko si Yna at Cath sa tapat ng kanilang kwarto na balisa habang nililibot ang tingin sa palapag na ito. Hindi katagalan lumabas din si Stef at nagulat sa nakita.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang may pumasok sa isipan ko na sana ay hindi naman totoo. Nagmadali kaming nagtungo sa hagdanan dahil hindi magagamit ang elevator dahil walang kuryente. Tinakbo namin ang mga baitang at naabutan namin sila sa first floor na nagkakagulo. Gamit ang flashlight ng cellphone ng iba sa kanila ay nagkaroon ng liwanag sa palapag na ito.

"Ano bang nangyayari bakit may mga pinapatay?" natatarantang tanong ni Enzo na sinasabunutan na ang sarili.

"Bakit walang kuryente at signal?" dagdag ni Ron na naiinis na pinipindot ang cellphone.

"Ilang ulit na naming tinawagan ni Ace ang bus driver dahil dapat kanina pa siyang umaga dumating dito pero hindi sinasagot." seryosong sabi ni Red na kasama si Ace na lumapit sa pwesto namin.

"Ayos ka lang?" nag-aalala nitong tanong, tumango ako.

"Sa ngayon siguro mas mabuti kung sama-sama tayong lahat. Walang lalayo o aalis ng mag-isa."maawtoridad na sabi ni Kent.

"Sama-sama? Paano kung isa sa atin ang pumapatay at bigla nalang tayo saksakin ng hindi natin namamalayan?" sa sinabi ni Kaizer natigilan ang lahat at kinakabahang gumawa ng distansya sa bawat isa.

"Imposible naman yatang isa sa atin ang pumapatay. Magagawa mo bang patayin ang taong naging parte na rin ng buhay mo?" giit ni Xeile na ngayon ay nanginginig na sa takot kaya nilapitan ni Chase para pakalmahin.

"Posible kung may malalim na rason." sagot ni Nathaniel dahilan para mapahilamos sila ng kamay sa mukha dahil may punto si Nathaniel.

Habang patagal nang patagal mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko at nahihirapan na akong huminga dahil sa sobrang kaba. Kung kaklase man namin ang may gawa nitong lahat ano ang rason niya? O kung sino man ang hayop na 'yon bakit? Anong ginawang masama ng mga taong pinatay niya at sana hindi naman, mga susunod niya pang papaslangin.

"May kauganayan kaya ito sa nangyayaring pagkidnap sa atin? Guys nakita niyo naman nawawala ang puso nila tulad ng mga bangkay na natatagpuan." balisang sambit ni Xainna.

"Teka si Ian? Kent, Kaizer nakita niyo ba si Ian? Kanina ko pa siya hindi nakikita. Siguradong malaki ang epekto sa kanya nito dahil naaalala niya ang nangyari sa kapatid niya." nag-aalalang saad ni Lia na pilit hinahanap si Ian.

"Teka nahanap na ang kapatid ni Ian?" naguguluhang tanong ni Cath.

Malungkot na tumango si Lia. "Minabuti nalang nila na hindi ipaalam sa iba. Tulad ng iba, natagpuan sa gubat ang kapatid niya wala na ring puso." napasinghap kami sa narinig.

"Hindi pwede. Apat na ang nawala sa atin at hindi ako pwedeng sumunod. Hindi ako pwedeng mamatay kailangan ko pang patayin ang hayop na 'yon." balisang sambit ni Kayla sa sarili na sobra na ang panginginig. Takot na takot siyang tumakbo palayo dahilan para sigawan siya ng ilan na huwag lalayo ngunit hindi siya nakinig at nagpatuloy sa pagtakbo palabas ng resort.

Her Heart Where stories live. Discover now