CHAPTER 9

40 5 0
                                    


Chapter 9

CLASS ON VACATION

Mia

Lumipas ang ilang buwan napansin kong mas nagiging malapit na kaming lahat sa section namin. Ang mga taong tahimik noon na halos hindi marinig magsalita ay isa na sa nagpapaingay ngayon sa loob ng room. Kung may natira mang tahimik, iilan na lang.

Sa likod nagwawala si Enzo matapos siyang hampasin ni Stef ng makapal na libro sa mukha. Nagrereklamo siyang tumabingi raw ang matangos niyang ilong.

"Pasalamat ka talaga babae ka dahil kung hindi kanina pa kita nasapak. Nanggigigil na ako sa'yo." sabat ni Enzo na halos maiyak habang hawak ang ilong niya.

"Sapakin mo wala akong pake." giit ni Stef na nang-aasar na nilapit ang mukha kay Enzo. Mas lalo lang napikon si Enzo at walang nagawa kundi naiinis na tumakbo at maglakad palayo.

Nagsitigil at umayos kami ng upo nang dumating si sir Matthew. "Gusto kong ngayon na sana natin pag-usapan ang outing natin sa susunod na buwan." pasimula ni sir dahilan para muling umingay ang mga kaklase ko.

"Swimming sir!" sigaw ni Dan.

"Bawal swimming baka may malunod ako pa malagot." sagot ni Sir.

"Dagat sir!" dagdag ni Caleb ngunit umiling si sir.

"Ilog!" sigaw ni Kaizer pero umiling si sir.

"Resort na may swimming pool!" sigaw ni Xille na nakatayo na. Hinila siya paupo ni Kaizer.

"Hindi nga pwedeng swimming ako ang malalagot." ulit ni sir na kinabusangot namin.

"What if sa palayan?" tanong ni sir na umupo sa upuan niya sa harapan.

"Sa palayan kami lalangoy? Sir naman walang ganyanan." reklamo ni Kairo dahilan upang matawa kaming lahat kahit si sir.

"Kakain tayo sa gitna ng palayan, magtatayo ng kubo-kubo. Masaya yon mahangin." nakangiting dagdag ni sir Matthew pero hindi sinang-ayunan ng mga kaklase ko dahil swimming talaga ang gusto nila.

Nang nakita ni sir ang walang gana naming mukha napabuntong hininga siya at tumango. "Sige na swimming." naghiyawan kami at nag-apir pa ang iba.

"Sino bang hindi marunong lumangoy dyan tuturuan ko na." sambit ni Nash ngunit dahil walang nagsalita ibig sabihin marunong ang lahat kaya napangiti sila.

"Tignan mo sir Matthew lahat kami marunong lumangoy." dagdag pa niya kaya tumango nalang si sir.

"Saan?" tanong ni Sir na tinignan kaming lahat.

Naagaw ang atensyon namin nang nagtaas ng kamay si Red at tumayo. "May private resort ang tito namin ni Ace sa Laguna. Malapit lang dito kaya hindi tayo mahihirapan."

"Dagat? Swimming pool?" nilingon ni Red si Enzo na nagtanong. "Meron." tipid niyang sagot.

"Red magpaalam muna kayo para kung pumayag sige doon nalang." nakangiting sagot ni sir.

"Yes sir." sagot ni Red at umupo na. Naghiyawan ang mga kaklase ko at napuno na ingay ang room.

"Yown makakakita din ng mga naka two piece." nakangiting saad ni Enzo dahilan para batukan siya ni Stef.

"Oh para saan 'yon? Hindi naman kita titignan kahit hubo't hubad ka pang maglakad dyan 'wag kang assuming."napaawang ang bibig ni Stef.

"Kahit kailan talaga ang manyak mo kadiri ka 'wag kang sasama!"

"Ehem ehem maawa naman kayo sa single ehem." pagpaparinig ni Ron. Nagkatinginan si Stef at Enzo at tinignan ang isa't isa na parang nadidiri. Dahil nasa unahan nila si Ron nakaupo ay parehas nila itong binatukan. "Aray para saan 'yon?" tanong niyang hinihimas ang batok na nahampas. Tumingin siya kay Stef. "Akala ko ba crush mo ako? Bakit mo ako hinampas?" natatawang dagdag nito.

Her Heart Where stories live. Discover now