CHAPTER 4

42 3 0
                                    


Chapter 4

HER HEARTBEAT

Mia

Natapos na naming bilhin ang lahat ng dapat na bilhin ni Zin. Kumain muna kami ng pizza bago bumalik sa school.

Hindi naman masyadong mabigat ang dala namin kaya kinaya namang bitbitin hanggang school.

"Sigurado kang ayos ka na?" tumango at ngumiti ako.

"Huwag mong intindihin ang nakita mo kanina wala lang 'yon." nagtaka siya at tumigil sa paglalakad kaya tumigil din ako.

"Anong wala? Halos mamula ka na kanina at namimilipit sa sakit tapos sasabihin mong wala lang yon?" napangiti ako sa pagiging concern niya.

Nginitian ko siya at sinenyasang tumuloy na sa paglalakad na siyang ginawa niya. "Lately madalas mangyari 'yon pero ayos lang talaga 'wag kang mag-alala. 'Wag mo rin sanang sabihin sa iba ang nakita mo." tumango nalang siya kahit bakas sa kanya na may gusto pa siyang sabihin. Nasa tapat na rin kasi kami ng school.

Nabigla ako nang may pumagitna sa amin ni Zin at parehong kinuha ang dala naming plastic sa isang kamay. Nang tignan namin ay si Noah pala. Kaklase din namin.

Natanaw namin si Kairo na nagmadaling tumakbo nang makita kami. Kinuha niya rin ang natitirang dala naming plastic ni Zin. Tuloy wala na kaming dala.

"Ano 'to? Pagkain natin?" tanong ni Noah na pilit sinisilip ang laman ng plastic na bitbit niya.

"Gagamitin namin para sa birthday ng kapatid ko bukas." tipid na sagot ni Zin.

"Birthday? Invited ba kami?" agad singit ni Kairo na napakalapad na ng ngiti.

Halatang nailang si Zin dahil sa naiilang na ngiting ginawa niya. Mahiyain pala talaga siya sobra.

Sinipa ko sa paa si Kairo. "Hoy ang sama mo talaga madudumihan sapatos ko." ngumuso siya.

"Umayos ka kaseng tukmol ka naiilang sa inyo si Zin." sa sinabi ko napa 'ah' siya at agad na nilingon si Zin.

"Huwag kang matakot sa amin ni Noah mabait kami." nakangiti nitong saad kay Zin.

"Hindi kami nangangain." natatawang dagdag ni Noah.

Tinignan ni Kairo si Noah ng nakakaloko. "Weh? Hindi nangangain? Yung totoo?"

"Gago." Sinipa ni Noah si Kairo sa binti na kinangiwi nito. "Bakit? Inosente ako Noah ikaw ang manyak." tumawa si Kairo bago nagmadaling tumakbo patungo sa gate nang akmang sisipain na naman siya ni Noah.

Natatawa kaming naglakad papasok sa gate samantalang si Noah tinignan kami na parang sinasabing pagpasensyahan nalang ang kagaguhan ni Kairo.

Nang malapit na kami natanaw namin si Kairo na nakatayo sa pintuan ng room namin hinihintay kami.

"Bakit hindi mo pa ipasok sa loob 'yan?" turo ni Noah sa bitbit na mga plastic.

"Hinintay ko kayo." tumingin siya kay Zin. "Saan ba ilalagay 'to?"

"Sa likod nalang. Salamat pala." nginitian pareho ni Noah at Kairo si Zin bago kami pumasok at nilagay sa likod na parte ng room ang mga plastic.

Sa pagod minabuti kong yumuko sa lamesa at pumikit.

Rumehistro sa isipan ko ang mukha ng lalaking kasama ni Ace sa mall kanina. Mula nang pagtatago naming 'yon hanggang ngayon ay hindi siya nawaglit sa isipan ko.

Nakakainis pero sa nangyayaring ito sa akin, sa epekto ng dalawang lalaking 'yon sa sistema ko nagmumukha akong maharot bwisit. Hindi naman ako ganito noon.

Her Heart Where stories live. Discover now