Chapter 13
KEEP ON RUNNINGMia
Mabibigat ang hininga at tagaktak ang pawis nang huminto kami sa pagtakbo dahil sa sobrang pagod.
Sa aming lahat si Nikko ang pinakamalala ang kalagayan kaya lagi kong tinitignan ang ayos niya.
"Nikko kaya pa?" nag-aalalang tanong ni Ace na tulad ni Red ay nakaakbay ang kamay sa kanila ni Nikko bilang suporta.
"K-Kaya pa." halos bulong sambit.
Napasigaw ako sa sakit nang makaramdam ako ng sobrang sakit sa likod ko matapos itong hatawin ng matigas na bagay. Agad akong natumba at namilipit sa sakit. Sa kabila ng nanlalabo kong paningin pinilit kong aninagin ang mukha ng taong humampas sa akin at lahat kami halos sabay-sabay nagsinghapan nang malaman kung sino ito.
Nakatayo siya sa harapan namin, may hawak na matabang metal na tubo, balot na balot ng dugo na nanggagaling sa ulo niyang halos yupi na at sumisilip ang ilang piraso ng utak sa nabitak na parte ng ulo. Tadtad ng saksak sa iba't ibang parte ng katawan at ang dibdib niyang butas.
"I-Ian.." napatakip ako sa bibig ko matapos pagmasdan ang kalagayan niya.
"Putang—" hindi natapos ni Ace ang pagmumura niya nang humakbang si Ian at hinampas ang metal na tubong hawak. Agad silang nakaatras kaya walang natamaan.
Nahihirapan man sa sakit ng likod ko pinilit kong gumapang palayo at humawak sa puno para makatayo. Umatras ako nang umatras hanggang sa matigilan ako dahil may nabunggo ako. Siguro akong hindi puno ito at sigurado akong hindi isa kila Red dahil kitang-kita ko silang tatlo na iniiwasan ang bawat hampas ni Ian.
Tinamaan ako ng sobrang kaba nang makita kong manlaki ang mga mata nilang tatlo habang nakatingin sa akin—sa kung sino man ang nasa likod ko.
"Mia takbo!" natatarantang sigaw ni Ace na bakas ang sobrang takot.
Bago pa man ako makatakbo, muli akong natumba matapos akong makaramdam ng sobrang pananakit ng likuran ng ulo ko. Parang umikot ang paningin ko at nanlalabo ang pandinig ko ngunit alam kong sumisigaw sila Red. Gumapang ako kahit hinang-hina at namimilipit ako sa sakit. Muli akong napahiyaw at nagtitili nang sabunutan ako ng taong nasa likuran ko at pinilit akong itayo habang hawak ang buhok ko. Pakiramdam ko hihiwalay ang anit ko sa sobrang sakit.
"Mia!"
"Bitawan mo siya!"
"Putangina Ron ano ba!"
Nagsisigawan sila pero nanlalabo pa rin talaga ang paningin ko. Nang hawakan ng taong ito ang balikat ko at inikot ako paharap sa kanya, pinilit kong palinawin ang paningin ko at halos takasan ako ng hininga nang makita si Ron. Puro saksak ang dibdib at mukha, duguan ang hita at wala ring puso. Napatili ako nang ihahampas niya ang hawak na pala sa akin ngunit natumba si Ron.
Dahil pala kay Nathaniel na hingal na hingal, may hawak na malaking sanga ng kahoy na ginamit niyang panghampas kay Ron. Nakita kong tumba rin si Ian at tulad ni Ron ay muling tumatayo kaya agad akong hinawakan ni Nathaniel sa kamay at sumabay kila Nikko na tumakbo.
"Puta Nathaniel anong ibig sabihin non?!" bakas ang gulat at pagkatakot sa boses ni Ace na litong-lito sa nakita tulad namin.
YOU ARE READING
Her Heart
Mistério / SuspenseHer Heart Paano kung ang puso mo ay magsimulang umakto ng kakaiba? Ito ang nagsimulang maranasan ni Mia mula nang makilala niya ang dalawang lalaking magbubukas ng sikreto ng kanyang pagkatao. Ang pusong magdadala ng kapahamakan sa mga taong nakapa...