CHAPTER 5

37 5 0
                                    


Chapter 5


HER BIRTHDAY

Mia

"Bakit kase pinalitan pa sitting arrangement tuloy katabi ko si Enzo. Kinuha niya cellphone ko pinasahan ng porn. Adik sa porn ang gago idadamay pa ako." namumula sa galit si Stef samantalang tinatawanan lang namin siya na mas lalong kinainis niya.

"Pahiram nga papanoorin ko." pagbibiro ko at nilahad ang kamay.

"Binura ko na." kunwari nanghinayang ako.

Tumayo si Cath para itapon sa basurahan ang plastic ng pinagkain niyang clover. "Buti nga magkalapit lang kami ni Yna. Madaldal si Caleb, nagdadaldalan nga kami habang nagsasalita sa harap si ma'am Veronika." natawa si Cath bago muling umupo sa upuan niya.

Naagaw ang atensyon namin nang sumigaw si Lia at nagmadaling tumakbo patungo sa amin kasama si Xainna.

"Mia kwento ka naman anong pakiramdam na katabi si Red?" nakapatong ang baba ni Xainna sa palad niya; nakangiti ng sobrang laki.

Naiilang na ngumiti ako. "Wala naman, normal lang." bumusangot sila at nanghihinayang na nagpangalumbaba.

"Damot." nakangusong sabi ni Lia. Alangan naman sabihin kong naninikip ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko si Red at Ace?

"Hinayupak laglag panty ko nung naglakad si Red papunta sa harapan. May gano'n pa pala kapoging nilalang. 'Wag lang siyang babaero nako turn off talaga siya tulad ni Ace." wika ni Xainna na dumukot sa roller coaster na kinakain ni Yna kaya sinamaan siya nito ng tingin. Nagpeace sign si Xainna.

"Mukha namang matino si Red." singit ni Yna. Ngunit napaawang ang bibig niya nang may kamay muli ang dumakot sa kinakain niyang roller coaster at sa dami ng kinuha wala na yatang natira sa balot.

"Enzo! Yaman-yaman mo tapos roller coaster dumudukot ka lang?" tumigil sa pagsubo si Enzo at tinignan si Yna. "Mas masarap 'pag hingi." ngumiti ito at umikot upang umupo sa kabilang banda ng upuan kung saan umupo si Thaddeus at Caleb na kasama niyang dumating.

Ang set up kasi dito sa cafeteria; pinalilibutan ng mahabang upuan ang four sides ng malaking light blue na lamesa sa gitna. Higit 20 ang ganito sa loob dahil talagang malaki ang cafeteria.

enzothaddeuscaleblia

cath        LAMESA           mia

stef          LAMESA           yna

  __        __        __         xainna

"Bakit nandito kayo?" mataray na tanong ni Stef na nakatingin kay Enzo.

"Kakamustahin ko lang sana mga baby ko sa cellphone mo." sagot ni Enzo na medyo hindi pa maayos dahil sa bibig na puno ng roller coaster.

"Tangina mo binura ko na. Hindi pa ako nakakabawi sa'yo bwisit ka." naiinis na sabi ni Stef na matalim ang tingin kay Enzo. Si Enzo naman nakanguso.

"Bakit ka ba nagagalit? Pinasahan lang naman ng porn phone mo." dagdag ni Cath na kakaupo lang, bumili pala ng junk foods. Binutas niya sa gitna ang malaking balot ng piattos at roller coaster saka nilagay sa mesang nasa gitna namin.

Her Heart Where stories live. Discover now