CHAPTER 3

54 5 0
                                    


Chapter 3


HEARTLESS CORPSES

Yna

Nilibot ko ng tingin ang buong classroom pero hindi ko makita si Mia. Kanina ko pa siya hindi nakikita saan na naman kaya nagpunta 'yon. Kahit kailan hindi nagpapaalam.

"Aray!" napabalikwas ako matapos akong matamaan ng makapal na libro sa ulo. Paglingon ko sa likuran nakita ko si Enzo na sandaling natigilan. Nagkatinginan sila nila Thaddeus at biglang tumawa ng napakalakas.

"Si Enzo ang salarin." turo ni Cath kay Enzo na halos mamatay na kakatawa. Napapahawak pa sa tyan niya.

Nanatili akong nakatingin sa kanilang dalawa na nagpipigil ng galit. Hindi ko alam kung papatulan ko ang kagaguhan nila o hahayaan nalang. Hindi naman masyadong masakit ang pagkakatama sa ulo ko.

"Sige lang Yna magalit ka. Deserve niya." natatawang sambit ni Stef na binigyan ako ng inuman ng tubig. "Kanino 'to?" kunot noo kong tanong, agad naman niyang nginuso si Enzo na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.

Natigil si Enzo at Thaddeus sa kakatawa nang makita nilang hawak ko ang baunan niya ng tubig. "Hoy Yna bitawan mo yan! Ginawa pa talagang hostage." ibabato ko na sana nang makita kong patakbo siyang palapit sa akin. Bakit? Anak mayaman 'to ah big deal ba kung masisira 'to?

"Yna sorry na. Si Stef naman talaga binato ko kaso umilag kaya ikaw natamaan. Ibaba mo yan utang na loob." nacurious ako sa naging reaksyon niya kaya inikot ko ang takip para buksan. Agad kong nalaman kung bakit ganon ang naging reaksyon niya nang maamoy ko ang laman.

"Yna!" agad niyang hinablot sa akin ang bote.

"Parang awa mo na walang sumbungan. Mabait ka diba? Anong gusto mong kapalit? Porn? Bibigyan kita marami ako." natataranta niyang sinara ang takip dahilan para matawa ako.

"Ano bang laman non?" tanong ni Stef kaya humarap ako sa kanila na sinandal ang braso sa likod ng upuan.

"Alak." pabulong kong sambit.

"Patay ka Enzo!" natatawang sigaw ni Caleb na kapapasok lang sa pintuan.

"Alak! Hinge!" sigaw ni Dan na tumakbo palapit sa amin.

"Punyeta Dan sige isigaw mo pa!" naiinis na sigaw ni Enzo na halatang kinakabahan. Patay talaga siya sa oras na malaman ng mga teacher na nagdala siya ng alak.

"May dalang alak si Enzo!" sigaw ni Dan dahilan para manlaki ang mga mata ni Enzo at magtawanan kami.

"Siraulo sabi mo lakasan pa niya." tumatawang sambit ni Caleb na umupo sa tabi ni Thaddeus.

Konti lang kami dito sa loob dahil lunchbreak pero lagot kung may napadaan sa labas na sumbungera.

"Hindi na kita sesendan ng porn manigas ka dyan!" sigaw ni Enzo na agad sinilid sa bag niya ang boteng may lamang alak at nagmadaling tumakbo palabas na sinundan ni Thaddeus at Caleb.

Gulat si Dan na patawa-tawa. "Bye-bye porn na lagot." napakamot siya sa batok niya bago bumalik sa kinauupuan niya kanina at kinalikot ang cellphone.

"Nakita niyo si Mia?" tanong ni Cath. Nagkatinginan kami ni Stef at sabay na umiling.

Pinatong ni Stef ang ulo niya sa palad na nakatukod ang siko sa lamesa at bumuntong-hininga. "Ilang taon na rin.. Paano kung bumalik ang mga alaala ni Mia?"

Her Heart Where stories live. Discover now