EPILOGUE

66 4 0
                                    

Epilogue

Matalim ang mga mata kong pinagmamasdan kasama si Ace ang babaeng matagal na naming pinag-aaralan. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan na naglalakad ng mabilis at halatang naiirita dahil sa bagal niyang maglakad at nahuhuli na siya. Nang tumakbo siya dito na kami naglakad ni Ace para salubungin at sadyaing banggain siya. Mabilis kong dinikit sa kanyang bag ang improvised micro mic na magiging daan upang marinig namin ang pag-uusap sa range na kaya nito.

Natumba siya at ininda ang sakit ng pwetan, narinig ko ang mahina niyang mura na bahagya kong kinatawa. Nang iangat niya ang tingin sa amin nakita ko sa mukha niya na parang nakakaramdam siya ng matinding sakit. Masyadong malakas ba ang pagkakabagsak niya? Hinawakan niya ang dibdib niya na parang dito nagmumula ang sakit na nararamdaman niya. May problema ba sa puso niya? Hindi maaaring may masamang mangyari sa kanyang puso. Akmang tutulungan ko na siya nang marinig ko ang tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan.

"Mia? Mia?! Anong nangyari?!"

Nagmadali kaming tumakbo palayo ni Ace at habang tumatakbo palayo sa kanya ay ilang beses ko siyang tinanaw dahil sa pag-aalala ko sa puso niya.

---


Natigil ako sa ginagawa ko nang marinig kong bumuntong-hininga si Ace na umupo sa katapat ng inuupuan ko.

"Red ayoko na. Mia is a nice person, she doesn't deserve this. Mali tayo ng akala sa kanya, tumigil na tayo." bakas ang sobrang konsenya sa mukha niya. Umayos ako ng upo at hinarap siya.

"Matagal na akong tumigil Ace." seryoso kong saad.

---

"Nathaniel sigurado ka ba dyan? Ikaw ang mapapatay ko kung masama ang maging epekto nyan kay Mia." seryoso kong banta kay Nathaniel habang pinagmamasdan niya ang maliit na botelyang naglalaman ng ituturok niya kay Mia upang manumbalik ang kanyang alaala.

"Kalma Red sigurado ako dito. Hindi hahayaan ng ama ni Yna na mapahamak si Mia nangako siyang ligtas ito." sagot ni Nathaniel na kahit papaano ay nakapag pagaan ng loob ko. Sobra ang pag-aalala ko dahil sa mga sugat ni Mia at wala akong magawa para tulungan siya na nakagapos sa basement ngayon.

---

Pagpasok namin sa basement hindi ko siya magawang tignan sa mga mata dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Natatakot akong kamuhian niya at makita siyang nasasaktan dahil sa lahat ng kagaguhang pagsunod ko sa utos. Nang subukan ko siyang tignan sa mga mata tila sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko nang makita ko sa mga mata niya ang galit, takot at pagkamuhi sa akin. Hindi ko siya masisisi, talagang ganito ang maramdaman niya dahil sa mga nalaman niyang ginawa ko.

"Rape Mia in front of everyone."

Sobra ang gulat ko sa sinabi ni Tito. Ginusto kong gawin ang bagay na 'yon kasama siya pero sa hindi ganitong paraan. Hinding-hindi ko kayang gawin 'yon sa kanya. Mas nasaktan ako nang makita ko ang lungkot at pagmamakaawa sa mga mata niyang lumuluha na huwag naming gagawin.

No, I won't do it baby, I won't. I can't and I will not kung hindi mo gusto.

Naalarma ako nang magsimulang lumapit si Nathaniel kay Mia ngunit hinayaan at pinagmasdan ko lang siyang lumapit nang makita kong mabilis niyang inilabas ang maliit na injection at iturok ito kay Mia na tuluyang nawalan ng malay.

Nag-aalalang lumabas kaming tatlo dahil hangga't hindi nagigising si Mia hindi mapapanatag ang loob. Lumapit si Nathaniel sa amin na may malaking ngiti sa labi.

Her Heart Where stories live. Discover now