CHAPTER 10

32 5 0
                                    


Chapter 10

SHED BLOOD

— 3rd person's point of view —

"Ano 'yan bakit may unan?" natatawang tanong ni Kairo nang makita si Mia na may dalang unan. Umupo si Mia sa mahabang kahoy at sinamaan ng tingin si Kairo. "Pake mo ba?" mataray nitong sagot na tinawanan lang ni Kairo.

"Yayakapin niya daw." sagot ni Yna na umupo sa tabi ni Mia.

"Tapon mo 'yan ako nalang yakapin mo." muling nagwala at sumakit ang puso ni Mia nang marinig si Red na nagsalita mula sa likuran niya at umupo sa kanyang tabi.

Nanunukso silang tinignan ng lahat na kinailang nilang dalawa.

"May dala rin akong unan wala bang yayakap sa akin dyan?" pagpaparinig ni Xainna.

"Mas mabuting unan nalang yakapin mo para may pakinanang." natatawang sagot ni Lia kaya hinampas siya ni Xainna ng unan.

"Para saan ba ang unan? Lite lang ha? Finger licking good?" napangiwi sila sa sinabi ni Enzo na ngayon ay tawa nang tawa matapos makita ang naging reaksyon nila. "Gago." sambit ni Red dito kaya nagpeace siya.

Tumayo si Kent kaya nagsitigil sila sa kanya-kanya nilang ginagawa. "Hindi ko alam kung anong tawag sa larong ito pero tawagin nalang nating 10 fingers." panimula niya.

"Sinong fifingerin?" saad ni Enzo kaya binatukan siya ni Caleb. "Gago dumi talaga ng utak laro 'yon." natatawang sabi ni Caleb.

"May alam din akong laro mas masaya." nakangisi niyang saad, si Thaddeus naman ang bumatok sa kanya.

"Gustong-gusto niyo talaga akong saktan eh no?" aping-api ang tono ng boses niya na nakahawak pa sa dibdib.

"Oo." sagot ng dalawang kaibigan dahilan upang exaggerated niyang hawakan ang dibdib na tila sumasakit at pinunasan ang gilid ng matang wala namang luha.

"May mga sasabihin ako at kapag nagawa niyo na 'yon o parang kayo ang tinutuloy ko itutupi niyo ang isa sa mga daliri niyo. Kung sino ang unang maubusan ng daliring itutupi siyang talo at makakatanggap ng malupitang dare." paliwanag niyang palipat-lipat ang tingin sa lahat. Nagsitanguan sila bilang sagot na game sila.

Ang nandito at kasali sa laro ay sila Mia, Stef, Cath, Yna, Red, Ace, Caleb, Thaddeus, Enzo, Nikko , Chase, Noah, Kairo, Ian, Nathaniel, Rios, Kayla, Lia, Xainna, Xeile, Ara, Xev at Avah.

"Itupi ang isang daliri kung nakapanood ka na ng porn, sinadya o hindi man sinadya." sa sinabi ni Kent itinaas ni Enzo ang kamay niya at buong kapal ng mukha na tinupi ang hinlalaki niya kaya ngayon naka high-four siya.

"Proud na proud ah." natatawang sabi ni Lia. Tumingin sa kanya si Enzo at ngumiti ng malaki. "Syempre."

Lahat ng kasali 9 nalang ang pwedeng daliri maliban kay Nikko na sampu pa rin. Natatawang tinignan ni Enzo si Nikko. "Hindi mo pinanood sinend ko sa'yo?"

"Kadiri." sambit ni Nikko kaya nagtawanan sila. Hindi na sila nagtaka dahil kilalang inosente si Nikko.

"May first kiss na." dagdag ni Kent.

Ang mga nagtupi, si Thaddeus, Rios, Enzo, Ian, Lia, Xev, Ara, Kayla at Avah.

Napaawang ang bibig ng ilan sa kanila at tinukso sila dahil hindi halata. At dahil parehong nagbaba ng daliri si Xev at Rios tinignan sila ng lahat na nang-aasar dahilan para nahihiyang mapakamot sa batok si Rios.

"Kung may natitipuhan ka sa mga kaklase natin." dagdag ni Kent dahilan para magkantyawan sila.

Nagbaba ng isang daliri si Xev, Stef, Lia, Mia, Xainna, Red, Ace, Enzo, Nathaniel, Chase at Rios.

Her Heart Where stories live. Discover now