Chapter 6MISS, I'LL BE GENTLE
Mia
"Sayang hindi kayo pumunta daming pagkain tol." pang-iingit ni Kairo kay Ace.
"Bakit kasi nagkataon pang kahapon bumisita sa dorm namin ni Red si tito. Tuloy naglalaway na ako sa kwento mo." nakangusong sabi ni Ace. Nakalingon siya likuran dahil doon ang pwesto nila Kairo.
"Ginutom tayo kagabi wala man lang dalang pagkain." dagdag ni Red na nakalingon din sa likod.
"Nawindang lang kami nang mawala si Kayla hinabol na pala nakita niyang lalaki sa gubat." dagdag ni Xeile na katabi ni Ace.
Humarap si Kayla sa amin na nasa unahan namin ang upuan. "Ang tanong anong ginagawa ng lalaking may baril sa gubat na 'yon? Paano kung may balak siyang patayin o may pinatay siya doon?"
Lumingon sa kanya si Xeile. "At paano kung pinatay ka niya dahil pinakialaman mo siya? Kayla delikado ang ginawa mo."
Ngumiti si Kayla. "Buhay pa naman ako diba? Wala namang nangyaring masama."
"Hihintayin mo pang may mangyaring masama?" natigilan si Kayla sa sinabi ni Red. "Mag-iingat ako." sagot niya.
Umayos na kami ng upo nang dumating ang teacher namin.
---
Matapos kaming i-grupo para sa group research nandito kami sa libray para maghanap ng mga impormasyon tungkol sa mga kilalang painter na binigay sa grupo namin. Kailangan daw sa libro kami maghanap.Ako, si Zaria, Kent, Noah at si Red ang magkakagrupo. Tumayo ako at iniwan sila sa lamesa upang maghanap pa ng panibagong libro na maaari naming magamit.
"What books are you looking for?" nilingon ko si Nathaniel na nasa tabi kong naghahanap ng libro.
"Libro tungkol sa mga painter." sagot ko at muling ibinalik ang tingin sa mga libro.
"Last time killer ngayon painter ka naman?" bahagya akong natawa at nilingon siya na nakatingin na rin pala sa akin.
"Wala akong hilig sa pagpipinta, group research 'to kay ma'am Shey." tumango siya at nagsimulang maglakad. Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya na siyang ginawa ko. Tinuro niya sa akin ang isang shelf na naglalaman ng mga librong tungkol sa painting.
"Tignan mo dyan baka may makatulong sa'yo." nakangiti niyang sabi na may kinuhang libro sa katabing shelf.
"Salamat." nakangiti kong sabi. Tumango siya at nagpaalam na.
Bumalik ako sa lamesa ng mga kagrupo kong may dalang limang makakapal na libro. Nilapag ko sa lamesa, umupo at kumuha ng isang libro nagsimulang magbasa.
Lahat kami tahimik na nagbabasa na ang tanging ingay lamang ay mula sa mga pahina ng libro na binubuklat. Binasag ni Zaria ang katahimikan at nababagot na pinatong ang ulo sa librong nakalapag sa lamesa. "Kailan daw ba ipapasa? Sampung painter tapos libro pa, kung internet baka tapos na tayo ngayon."
Tumigil sa pagsusulat si Kent at tinignan si Zaria na wala ng gana na nakayuko sa lamesa. "Wala pang sinabi, magpahinga ka muna bibigyan naman siguro tayo ng mahabang oras." binitawan niya ang hawak na ballpen at nagsimulang mag-inat. Kami nila Noah at Red tumigil na rin muna.
Buti nga naigrupo ako sa mga taong masisipag at seryoso sa pag-aaral.
"Mia." nagulat at bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko nang biglang banggitin ni Red ang pangalan ko na nakatingin sa akin ngayon. Dahil sa pagkabigla agad kong nasabi ang "oh" sa gulat na gulat na paraan.
![](https://img.wattpad.com/cover/165748952-288-k140862.jpg)
YOU ARE READING
Her Heart
Mystery / ThrillerHer Heart Paano kung ang puso mo ay magsimulang umakto ng kakaiba? Ito ang nagsimulang maranasan ni Mia mula nang makilala niya ang dalawang lalaking magbubukas ng sikreto ng kanyang pagkatao. Ang pusong magdadala ng kapahamakan sa mga taong nakapa...