CHAPTER 8

35 5 0
                                    


Chapter 8

OLD LADY ON THE ROAD

Mia

"Sir pagod na ako tama na. Iitim ako nito." pagmamakaawa ni Celest na basang-basa na sa sariling pawis.

"5 minutes break!" sigaw ni Dan na halatang pagod na talaga ngunit hindi siya pinansin ng teacher namin.

"Utang na loob tubig!" sigaw ni Avah na mabagal na ang takbo.

"M-Mamamatay na ako sa pagod." nanghihinang sabi ni Ara na papikit-pikit. Nabunggo niya si Nash dahilan para pareho silang matumba ngunit agad ding tumayo at bumalik sa pagtakbo sa senyas ng sir Jim.


"Sir dehydrated na si junjun!" sigaw ni Enzo dahilan para makatanggap siya ng batok mula sa mga kasabayan niyang tumatakbo.

"Ayan manyakis kasi." umirap si Stef at nagmadaling lagpasan si Enzo na may malaking ngisi sa labi.

PE namin ngayon at halos lahat kami tagaktak na ang pawis at pagod na pagod na dahil sa pagtakbo ng ilang ikot sa buong napakalaking field.

Nanunuyo na ang lalamunan ko at pakiramdam ko anumang oras ay bibigay na ang mga tuhod ko. Hindi ako madalas tumakbo at talagang hindi pang sports ang katawan ko. Madali akong mapagod at hingalin. Kaya imbes isipin na pagod na ako nag-isip nalang ako ng ibang mga bagay. Unang pumasok sa isipan ko si Ria at ang katotohanang gusto siya ni Red at Ace at gagawin nila ang lahat para maipaghiganti siya. Sa naisip ko nanikip ang dibdib ko kaya napahawak ako dito ng madiin at nagsisimula na ring mas mahirapan huminga. Nararamdaman kong unti-unti na talaga akong nauubusan ng hangin at sobrang masakit na ang dibdib ko. Nawalan ako ng balanse at tuluyang natumba.


---

Pagmulat ko ng mga mata ko agad kong hinawakn ang dibdib ko dahil naninikip pa rin ito. Nang makita akong gising ni Yna agad siyang nagtungo patungo sa akin at naluluhang niyakap ako. Sumunod na lumapit sina Cath at Stef na pareho ding nag-aalala.

Kumalas sa yakap sa Yna at tinignan ako ng deretso sa mga mata. "Sinabi mo dapat na hindi mo na kaya 'yan tuloy nahimatay ka pa."

"Kahit naman sabihin ko makikinig ba si sir Jim? Halos lahat na nga ng mga kaklase natin nagrereklamo na diba?" bumusangot si Yna sa sinabi ko.

"Kaya nga nasa office siya ngayon kinakausap ng Dean." sagot ni Cath.

"Teka sinong nagdala sa akin dito?" tanong ko habang pinapakiramdaman ang tibok ng puso ko. Medyo kumakalma na.

"Nang matumba ka agad kang nasalo ni Red dahil malapit siya sa'yo. Nagmadali siyang dinala ka dito pero pagkadala sa'yo dito nagmamadaling umalis na galit na galit. Nakakatakot siya kanina hindi ko inakalang makikita ko siyang gano'n kagalit." natigilan ako sa sinabi ni Stef at gulat na tumingin sa kanilang tatlo. Binuhat ako ni Red?!

Naagaw ang atensyon namin nang malakas na tumunog ang pintuang bumukas at tumambad sa amin si Nathaniel na bakas ang sobrang pag-aalala. Nagmadali siyang tumakbo palapit sa akin.

"Mia anong nararamdam mo nakakahinga ka ba ng maayos?" natatarantang sabi niya kaya tinapik ko ang balikat niya.

"I'm okay 'wag ka na mag-alala." ngumiti ako, nakahinga siya ng maluwag.

Her Heart Where stories live. Discover now