PROLOGUE

197 9 0
                                    

Prologue

"Mia bilisan mo!" pinanlisikan ko ng mata si Stef na ngayon ay nauunang naglalakad; nagmamadali ng sobra kasabay si Yna at Cath. Hindi naman mauubos ang jeep na maaari naming sakyan palibhasa mga atat.

"Oo na nga ito na!" naiinis kong binilisan ang paglalakad ko at nang mapansin kong hindi pa rin sapat ang bilis ko para maabutan sila ay napagpasyahan kong tumakbo na ngunit halos mapamura ako nang matumba ako nang mabunggo ako sa kung saan.

Masakit ang pwet na tiningala ko kung sino o ano man ang nabunggo ko.

Dalawang lalaki na parehong nakahood, isa ay naka grey samantalang ang isa black ang dahilan para hindi ko makita ang mukha nila ang nakatayo sa harapan ko.

Ngunit ang pinagtaka ko ay ang biglaang tila pagkawala ng hangin na nagreresulta upang mahirapan ako ng sobra sa paghinga. Napapikit at napahawak ako sa dibdib ko nang manikip ito at magsimulang kumabog ng napakalakas. Tila nagwawala ang puso ko at gustong lumabas sa mga oras na ito. Ang bawat kabog nito ay parang ritmo na may pilit na gustong ipahiwatig sa akin. Sa bawat oras na lumilipas mas sumasakit ito wala akong magawa kundi mapadaing sa sakit.

What the hell is happening to me?!

"Mia? Mia?! Anong nangyari?!" nanlalabo ang paningin ko ngunit sigurado akong ang mga kaibigan ko ang nakikita kong nagmamadaling palapit sa akin sa mga oras na ito.

Lumingon sa direksyon nila ang dalawang lalaking nakabungguan ko at nagmadaling umalis na hindi man lang ako inabalang tulungan sa kabila ng kalagayan ko.

Nang unti-unti na silang nakakalayo ay kasabay nito ang unti-unting pagkalma ng puso kong halos tumalon na palabas ng dibdib ko kanina at nagbigay ng sobrang sakit sa buong katawan ko na kanina ko pa lamang naranasan sa buong buhay ko.

Pinagmasdan ko ang kamay na nakalahad sa harapan ko upang tulungan akong tumayo. Maputi at kulubot na kamay ng isang matandang babae na halos nakapikit na ang mga mata dahil sa sobrang katandaan. Puting-puti ang mahaba niyang buhok. Balot na balot ang kanyang katawan ng kasuotang suot sa kabila ng sobrang init ng panahon.

Inabot ko ang kamay niya bilang galang na rin at pinagpagan ang suot ko nang makatayo ako.

"Salamat po." nakangiti kong sabi ngunit nanatili ang seryoso niyang tingin sa akin dahilan upang makaramdam ako ng takot.

Kinabahan ako nang ituro niya ang puso ko habang matalim na nakatingin ng deretso sa mga mata ko.


"Kapahamakan ang dala ng pusong iyan. Maraming buhay ang mawawala."



---

Don't expect too much sa kwentong ito dahil bago pa lamang ako sa pagsusulat. Ito ang unang kwento na isusulat ko rito at nangangapa pa ako ng mga dapat gawin. 

Binalikan ko at sobrang jeje kaya inayos ko. Marami akong binago at dinagdag na scenes. Nagdagdag din ako ng mga tauhan at medyo naging brutal ako dito.

Kung ang unang isinulat ko ang nabasa mo, pwede mong basahin muli dahil marami talaga akong binago.

Have fun! ^_^

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are all products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living, or dead, or actual events is purely coincidental.

Hope you'll enjoy the story.

Vote and comment  >_<

Criticisms are highly appreciated!

Her Heart Where stories live. Discover now