Chapter 1
THIS IS JUST THE STARTMia
Pagod na pagod na ako sa kakatakbo sa napakadilim na kagubatang ito. Hinang hina na ang mga tuhod ko hindi lang dahil sa hindi ko na talaga alam kung saan ako pupunta kundi dahil hindi pa rin tumitigil ang mga humahabol sa akin.
Napakaputi ng kanilang balat na tila hindi man lang sila nasisinagan ng araw, may matatalim silang pangil na handa nilang gamitin sa akin ano mang oras at higit sa lahat ay mababakas sa kanilang mga mata ang sabik na makapangbiktima.
Tumakbo pa ako sa bilis na makakaya ko para matakasan ko ang dalawang lalaking humahabol sa akin pero sobrang bilis nila at mukhang hindi pa nakiki-ayon sa akin ang tadhana, natalisod ako sa malaking ugat ng puno dahilan para bumagsak ako sa lupa.
Hindi ko na magawang tumingin sa likod ko dahil alam kong nandyan na sila at ano mang oras ay kikitilin na ang buhay ko. Laking pagtataka ko nang lumipas ang ilang minuto ay walang nangyayaring kung ano sa akin o bakit humihinga pa rin ako.
Naisipan kong tatagan ang loob ko para tignan kung bakit hindi pa rin sila umaatake.
Laking gulat ko nang mapansin kong wala ni isang nilalang sa aking likuran ang handang paslangin ako.
Tatayo na sana ako nang biglang natumba ako at pagtingin ko sa hita ko ay wala na itong tigil sa pagdurugo.
Pupunasan ko na sana nang may maputing kamay na sa tingin ko ay pagmamay-ari ng lalaki ang nag alok sa akin upang makatayo. I was about to grab his hand when he suddenly bit my legs and smirked.
Napabangon akong sobra ang kabang nararamdaman. Tagaktak ang pawis at hinang-hina. Ang puso ko, parang anong oras ay lalabas na sa ribcage ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito na halos mabingi na ako.
Panaginip, masamang panaginip.
Kung tama ang pag-iisip ko, napanaginipan ko 'yon dahil sa sobrang pag-iisip ko sa dalawang lalaking nakabungguan ko noong isang araw na hindi man lang ako inabalang tinulungan at dahil na rin sa takot sa sinabi ng matandang babae bago biglang nawala nang makarating ang mga kaibigan ko.
Kaso sa panaginip ko malinaw ang mukha nila. Kaso habang patagal nang patagal mula nang magising ako ay unti-unti ko nang nakakalimutan ang mga mukhang nakita ko.
"MIA BUMANGON KA NA!" sa nakabibinging sigaw ni mama na hudyat upang bumangon na ako ay wala akong nagawa kundi sumunod.
Bumangon ako at saka dali daling kumain, naligo at nagbihis.
Hindi naman ako tulad ng ibang babae na isang dekada ang pamamalagi sa banyo kaya mabilis akong natapos. Hindi rin ako mahilig maglalagay ng kung ano anong kolorete sa mukha.
Habang pababa ng hagdan ay hindi inaasahang nadulas ako kaya ang tatlong baitang na dapat kong hakbangin sana ay nagpadausdos ako. Nahihirapang tumayo ako dahil nananakit ang bandang pwetan ko. Narinig kong nagtawanan ang dalawa kong nakababatang kapatid na lalaki matapos nilang makita ang nangyari sa akin kaya sinamaan ko sila ng tingin. Mula sa pwesto nila sa hapag-kainan kitang kita ang hagdanan.
Sa inis at pagkapahiya inirapan ko sila bago padabog na sinara ang pintuan at umalis pagkatapos magpaalam kila Mama na kasama nilang kumain.---
YOU ARE READING
Her Heart
Mystery / ThrillerHer Heart Paano kung ang puso mo ay magsimulang umakto ng kakaiba? Ito ang nagsimulang maranasan ni Mia mula nang makilala niya ang dalawang lalaking magbubukas ng sikreto ng kanyang pagkatao. Ang pusong magdadala ng kapahamakan sa mga taong nakapa...