CHAPTER 12

35 5 0
                                    

Chapter 12

A PROMISE BROKE BY DEATH

Mia


Akmang maglalakad na si Zin palapit sa akin nang matumba siya dahil sa pintong bumukas. Nakita ko si Red na gulat na makita si Zin na may hawak na duguang kutsilyo. "Mia!" sigaw ni Red dahilan para magmadali akong tumakbo palapit sa kanya at lumabas.

Nang maisara namin ang pinto kinilabutan ako nang marinig ko siyang tumawa. "Kahit anong takbo ang gawin niyo mamamatay pa rin kayo. Hindi ako nag-iisa. Hindi kami nag-iisa dahil sabi niya may kaklase din tayong inutusan niya."

"Mia tara na." hinila ako ni Red, tumakbo kami pababa sa hagdanan. Nang makarating kami sa hagdanan sa second floor minabuti naming magtungo sa mga kwarto upang tignan kung natutulog pa si Ara at Nikko na parehas sa ikalawang palabag ang kwarto.

Binuksan namin ang lahat ng kwarto ngunit kahit isa sa mga ito ay walang tao. Nakahinga kami ng maluwag na malamang gising na sila at maaaring ipagtanggol ang sarili. Pababa na kami nang makasalubong namin si Ace galing 1st floor.

"Bilisan niyo may nakita akong lalaki sa baba may hawak na kutsilyo." natataranta nitong sabi.

"Kung alam ko lang na may mangyayaring ganito hindi ko sinuggest na dito tayo mag-outing." balisang sambit ni Red habang tumatakbo kami.

"Don't blame yourself. Walang may gustong mangyari 'to." pagpapalakas ko nalang sa loob niya.

Bumaba kami sa pinakamaingat na paraan na kaya namin. Hindi gumawa ng kahit anong ingay para hindi marinig ng lalaking sinasabi ni Ace. Nang makababa kami at patungo na sa pintuan palabas ay biglang may sumulpot na katangkarang lalaki, may hawak na mahabang kutsilyo sa kaliwang kamay at baril sa kanan. Ngumisi ito dahilan para kumabog ng napakalakas ang dibdib ko. Nahihirapan na naman akong huminga. "Walang lalabas. Papatayin ko muna kayo bago makalabas ang mga bangkay niyo." seryoso nitong sabi. Kinabahan at nataranta kami nang tumakbo ito patungo sa amin kaya tumakbo kami palayo sa kanya. Hawak ni Red ang kamay kong mabilis na tumatakbo kaya pilit ko ring binibilisan ang takbo ko. Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan sa tuwing naririnig ko ang boses ng lalaki. Tumatakbo rin siya at pilit kaming hinahabol.

Nagtungo kaming tatlo sa kusina. Pumasok kami sa malaking aparador. Tinakpan ni Red ang bibig ko dahil nagsisimula na akong maiyak. "Mia 'tahan na hindi ka namin iiwan." bulong ni Red sa akin.

Sumenyas si Ace na tumahimik kami dahil nasa kusina na rin ang lalaki.

"Kahit anong tago ang gawin niyo mapapatay ko pa rin kayo." natatawang sambit ng lalaki na base sa lakas ng boses niya ay malapit lang siya sa amin. Nag-uunahan na sa pagbagsak ang mga luha ko at pilit kong pinipigilan na may impit na tunog mula sa aking iyak ang marinig. Ayokong mahuli kami dahil sa kaartehan ko. Pinilit kong patatagin ang loob ko at pigilan ang pag-iyak.

"Calyx lalabas ako. Wala ng natira dito sa loob lahat lumabas na." malabo ang boses ng kumausap sa lalaki dahil malayo ito pero hindi ako pwedeng magkamali. Boses ni Zin 'yon.

"Sasamahan kita." sa sinabi ng lalaki ay sunod naming narinig ang yabag nilang palayo. Pinakiramdaman namin sila at nang wala na kaming marinig na kahit ano ay maingat kaming lumabas ng aparador.

Naalarma kami nang nakita namin ang isang aparador na nagbukas. Nakahinga kami ng maluwag nang makita kung sino ang mga ito.

"Huwag kang bibitaw sa kamay ko kahit anong mangyari." seryosong sabi ni Nikko kay Ara. Umiiyak na tumango ito. Nang makita nila kami ay agad sumilay ang ngiti sa mga labi nila. Lumapit kami sa kanila.

"Ayos lang kayo?" tanong ni Ace sa kanilang dalawa habang pinapakiramdaman ang paligid.

Tumango si Nikko. "Ayos lang kami. Sabay kaming lumabas ni Ara, nagtataka man sa nangyayari sabay kaming bumaba hanggang sa habulin kami ng lalaking yon." paliwanag niya.

Her Heart Where stories live. Discover now