Melissa
WALANGHIYANG pulis patola na iyon, ang bastos! Naturingang pulis ngunit hindi sumusunod sa batas. Magnanakaw! Magnanakaw ng halik. Kainis hindi na tuloy virgin ang lips ko. Ano na ipagmamalaki ko sa lalaking iibigin ko? Argh!
"Oh, anak bakit ganyan ang mukha mo? May nakaaway ka ba?" naupo ako sa maliit naming upuan na kahoy at saka isinandal ang likod ko.
"Muntik na akong masagasaan, Nay. Lasing kasi 'yung driver, pulis pa naman." Nakasimangot na sabi ko. Tumigil si Nanay sa paghahain ng pagkain ko sa mesa. Bigla niya akong nilapitan 'tapos kinapa ang likod ko at pati na ang ulo ko.
"Nay, naman!" reklamo ko sa pag-inspeksyon sa ulo ko. Kulang na lang kasi baliktarin ako ni Nanay.
"Tinitingnan ko lang anak kung nabalian ka ng buto o 'di kaya naman ay may gasgas ang katawan mo. Bakit hindi ka nagpunta ng ospital? Baka may bali ang mga buto mo!" pinandilatan niya ako ng mga mata.
"Nay, huwag kang OA. Ospital kaagad? Hindi ba puwedeng hilot muna? Wala naman akong galos at saka nakapagpreno naman 'yung pulpol na pulis."
"Naku siguraduhin mo Issang mahal ang magpa-doktor," sermon nito sa akin.
"Opo. Tingnan niyo nga po nakauwi pa ako dito sa bahay natin ng walang galos o ano pa man." Pagmamalaki ko pa.
"Ipinagmalaki mo pa! Mabuti nga't walang nangyaring masama sa iyo. Ikaw na bata ka tigilan mo na kasi ang pagtugtog mo ng banda, kaya ka ginagabi ng uwi. Uwi pa ba ng babae iyan?Daig mo pa ang mga pokpok maaga umuuwi." Parang gusto kong mapatirik ng mga mata dahil sa pagkumpara niya sa pag-uwi ko sa mga pokpok na kapitbahay namin.
"Nay, natural lang na umaga na sila umuwi. Night shift ang mga trabaho nila. Si Nanay talaga." Inakbayan ko siya at hinagkan ang sintido nito.
"Nay, sayang rin naman ang kikitain ko sa pagtugtog, dagdag sa pambili ng pangangailangan natin sa bahay. Aba, ang mahal na ng bilihin ngayon kaya kailangang kumayod ng kumayod." Sabi ko. Dinukot ko sa bulsa ng pantalon ko ang na-raket kong 500 pesos. Ibinigay ko kay Nanay ngunit tiningnan lang niya 'yon.
"Nak, kung sa halaga naman na iyan mapahamak ang buhay mo hindi ko 'yan matatanggap. Kahit magkandakuba ako sa pagtatrabaho para lang matustusan ang pangangailan mo, gagawin ko. Ayokong may masamang mangyari sa iyo. Alam mo namang ikaw na lang ang kasama ko sa buhay. 'Tapos mawawala ka pa, paano na ako?" yumakap sa akin si Nanay.
Dalawa na lang kami ni Nanay sa buhay. Wala akong naging kapatid dahil maagang nabalo si Nanay. Nasa first year high school pa lang ako noon ng mamatay si Tatay sa isang engkwentro dahil sa kanyang propesyon bilang pulis. Sabi ni Nanay mabait daw si Tatay at matinong pulis. Nakita ko 'yun noong mga panahon nabubuhay pa si Tatay. Palagi siyang may medal sa trabaho dahil sa pagsisikap nito at dedikasyon sa trabaho.
"Mag-iingat po ako palagi, Nay. Hindi naman araw-araw ang gig namin." Hinagkan ko ang pisngi niya. Balak ko na rin tumigil sa pagbabanda dahil madami na rin kaming mga project na ginagawa sa school.
*****
"ELO!" tawag ko sa best friend/classmate ko. Nasa Senior High na kami. Mula Elementary ay classmate at kaibigan ko na si Mikaelo Dela Costa. Pero noon hindi ko naman siya close, nito lang nang mag-high school na lang kami.
Kahit mayaman si Elo pero mas pinili nitong sa public mag-aral. Ewan ko kung bakit gusto niya dito mag-aral. Samantalang mas maganda ang pagtuturo sa pribadong eskwelahan.
"Issa, ikaw pala akala ko may palakang kokak na tumatawag sa akin," natatawang sabi nito sa akin. Sinuntok ko ng bahagya ang braso nito. At saka ako sumakay sa likod niya. Pinalo ko pa ang kanyang tagiliran.
"Ginagawa mo naman akong kabayo niyan. Bumaba ka nga ang bigat mo!" saway sa akin ni Mikaelo.
"Ayoko nga basta buhatin mo ako, parusa mo 'yan. Sinabihan mo akong palakang kokak! Halika ka na male-late na tayo! Heyahhh..." sabi ko. Para tuloy siyang kabayo at ako ang hinete. Natatawa na lang ito sa akin.
"Baliw ka talaga, Issa!" singhal nito. May naisip akong kabaliwan. Hinipan ko ang tainga niya.
"Issa, stop it! Ilalaglag kita!" pagbabanta nito sa akin.
Tawa ako ng tawa dahil inis na ang best friend ko. May kiliti kasi siya doon.
"Ang sarap mong asarin mas lalo kang nagiging pogi sa akin!" pang-aasar ko sa kanya. Ginulo ko ang mahaba nitong buhok. "Bakit kasi ang haba ng buhok mo para ka tuloy babae! Magpagupit ka nga!" dagdag ko pa.
"Gusto ko ito! Ano naman pakialaman mo?!Halikan kita diyan makita mo ka! Tangina naman kasi huwag mong guluhin ang buhok ko!" singhal nito sa akin nang mas lalo kong ginulo ang mahabang niyang buhok.
"Subukan mo baka bangasan kita diyan." biro ko sa kanya. Napaiiling na lang na sumunod sa akin si Mikaelo. Kilala niya ako gagawin ko talaga ang sinabi ko.
Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13
BINABASA MO ANG
Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under IMMAC PUBLISHING HOUSE
RomanceAng sabi nila kapag pulis matulis. Si Alexandro Dela Costa ay isa sa mga pulis na sobrang tulis. Kaliwa't kanan ang mga babae niya. Paano kung isang araw matagpuan na niya ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso salawahan. Magbabago na ba ang ating...