Melissa
"Akala ko ikaw iyon!" nagulat ako nang sabihin ni Mikaelo na hindi daw siya ang nagbuhat sa akin kung hindi ang Kuya niyang pulis pulpol.
"Bakit hindi mo ba nahalata na hindi ako iyon? Mabato-bato kaya ang dibdib niya kaysa sa akin," natatawang sabi ni Mikaelo. Hinampas ko siya sa balikat.
Napansin ko nga iyon pero binalewala ko. Kainis! Bakit ba hindi ako nagmulat ng mata kanina? Sana sinampulan ko ito ng isang sapak!
"'Buti hindi ako minanyak ng kuya mo. Kapag ginawa niya 'yon mawawalan siya ng lakas. Sisipain ko ang betlog niya!" tumawa ng malakas si Elo sa sinabi ko.
Hindi ko lubos maisip na si kuya Alexandro ang bumuhat sa akin. My Gosh! Nakita niya kung paano ako matulog. Burara pa naman akong matulog parang may buhawi sa loob ng silid ko. Kaya nga panay akong pinagagalitan ni Nanay dahil makalat ang loob ng silid ko. Minsan hindi ko napapansin nasa ibaba na ako ng kama.
"Hindi naman ganoon si Kuya Alex. Babaero iyon, pero hindi siya nagti-take advantage sa babae. Ang mga babae ang nagti-take advantage ng kahinaan niya," natatawang sabi ni Elo sa akin.
Hindi ako naniniwala. A maniac is a maniac forever. Babaero kaya iyon kaya hindi malayong makagawa ng kamanyakan. Tingin pa lang niya sa akin nang nakasuot ako ng two piece kakaiba.
NAGPASYA akong dumaan sa shortcut dahil mas malapit papunta sa bahay. Nagabihan na ako sa pag-uwi dahil gumawa pa kami ng project ng mga classmate ko.
Habang naglalakad napansin ko ang mga lalaking nagtatakbuhan papunta sa way ko. Bigla akong kinabahan dahil kapag ganitong gabi maraming mga kabataang naghahanap ng away o 'di kaya naman mga tulak ng droga ang gumagala sa gabi.
Balita ko dito ang maraming mga addict.
Nataranta ako kaya tumakbo ako. Shit! Nagtago ako sa tambak ng mga karton. Narinig kong may mga lalaking nagtatakbuhan. Nang alam kong nakalayo na ang mga lalaki lumabas na ako sa pinagtataguan ko. 'Buti naman nakalayo na ang mga iyon.
Ngunit nagulat na lang ako nang may humablot sa aking kamay. Nanlaki ang mga mata ko nang posasan ako ng lalaki.
"Huli ka! Akala mo makakatakas kayo!" sabi ng pulis sa akin.
"Naku, Manong pulis, hindi po ako kasali sa mga hinahabol niyo. Dumaan lang po ako dito! Isa po akong inosente. Maawa po kayo sa akin!" halos pagmamakaawa ako sa pulis. Bakit ba kasi dito pa ako dumaan. Kaasar naman!
"Chief may nahuli kaming isa dito. Babae!" sabi ng pulis na may malaking tiyan. Mukha siyang butete.
"Manong butete, hindi nga ako kasali sa kanila. Pauwi po ako kaya ako napadaan dito." Paliwananag ko ngunit parang bingi sa paliwanag ko ang buteteng pulis. Parang gusto kong tusukin ang malaki nitong tiyan.
"Hindi kami madadala sa mga alibi mo, bata! Bumenta na iyan!" nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya.
"Hoy, buteteng pulis, hindi nga ako kasali sa mga hinahabol niyo. Mukha ba akong gangster? Itong mukhang ito? Ang ganda ko kaya!" singhal ko sa pulis na may malaking tiyan.
"Dalhin na sa presinto iyan!" sabi ng Chief nila.
Dahil sa buwisit ko sinugod ko siya at sinipa ang puwet nito. Napalingon sa akin ang Chief nila.
Nanlaki ang mga mata ko dahil ang pulis na pulpol ang Chief nila.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong sa akin ni Kuya Alex nang makilala niya ako.
"Hinuli nila ako wala naman akong kinalaman sa hinahabol nila. Napadaan lang ako dito kasi nag-shortcut ako ng daan. Pagsabihan mo nga itong mga butete mong mga pulis. Puro sila tanga. Iyong totoong kriminal nakatakas na! Aba, manghuhuli pa kayo inosente pa! Kakasuhan ko kayo ng illegal detention, illegal logging, illegal alien! Lahat ng klase ng illegal isasampa ko sa inyo!" nabububwisit na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under IMMAC PUBLISHING HOUSE
RomantikAng sabi nila kapag pulis matulis. Si Alexandro Dela Costa ay isa sa mga pulis na sobrang tulis. Kaliwa't kanan ang mga babae niya. Paano kung isang araw matagpuan na niya ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso salawahan. Magbabago na ba ang ating...