Alexandro
"Alexandro, wala pa si Issang nag-text kanina pa na baka gabihin daw siya ng uwi. May tatapusin yata silang project," sabi ng Nanay ni bubwit.
Maaga pa naman akong nag-out sa trabaho. Ang akala ko nandito na ang bubwit.
"Sa school po ba sila gagawa ng project?" tanong ko ulit sa Nanay niya. Na-lowbat na kasi ang cellphone ko kaya hindi ko na siya na-i-text. Dahil sa busy hindi ko na na-i-charge kanina sa presinto.
"Ang sabi niya sa bahay ng ka-eskwela sila gagawa ng project, malapit lang daw sa school nila. Teka ite-text ko lang kung saan ang address," kinuha nito ang cell phone at tinext ang bubwit.
"Sunduin ko na lang po siya doon," sabi ko nang ilang minuto na walang reply mula kay bubwit.
"Baka na-lowbat na ang batang iyon. Hindi na nag-reply at saka 'di na nag-ri-ring ang cellphone niya. Puntahan mo na lang nga doon. Pagkaalala ko may nabanggit siyang Anonas street sa text niya kanina," sabi ng Nanay ni bubwit.
"Sige po, 'Nay, mauna na po ako. Hahanapin ko na lang po kung saan ang street na sinabi niya," nagpaalam na ako.
Na-traffic pa nga ako bandang malapit na sa PUP. Tangina namang buhay ito. Kung kailan nagmamadali ka saka naman umaariba ang traffic!
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago umusad ang mga sasakyan. Pero para namang may patay sa sobrang bagal ng usad. Narating ko ang school ni Issa halos isang oras na nasa kalsada ang sasakyan ko. Buwisit na traffic iyan. Malapit na nga lang umabot pa ng one hour.
Ipinarada ko sa gilid ng kalsada ang sasakyan kahilera ng iba pang sasakyan na nakaparada rin. Bumaba ako ng sasakyan ko at hinanap ang Anonas street. Ilang blocks mula sa kinaparadahan ko narating ko ang PUP campus. May nakita akong babae na estudyanteng naglalakad palabas ng gate ng campus. Lumapit ako sa babae.
"Miss, puwedeng magtanong?" tanong ko dito.
Tumango naman siya pero nakatitig sa akin na parang nakakita ng artista. Kaya nginitian ko siya. "Saan dito ang Anonas street?" tanong ko.
Pero ang babaeng estudyante ay nakatulala na. I snapped my finger.
"Miss!" sigaw ko rito. Napakamot ng ulo ang estudyante.
"Doon po," turo niya sa isa pang kanto. Sinundan ko ng tingin ang itinuro niya.
"Salamat," pasasalamat ko rito at saka ko kinindatan.
Umawang ang labi ng estudyante. Iniwan ko na siya roon at pinuntahan ang Anonas street.
Pagkapasok sa eskinita napatingin ako sa makitid na daan, parang isang lane lang ang lapad. Mahaba pala ang street na ito. Medyo padilim na kaya baka mahirapan akong maghanap kay bubwit. Napahawak ako sa baywang ko at napakamot sa ulo ko.
Nasaan na kaya ang batang 'yon?
Napaangat ako nang tingin narinig ko ang pamilyar na boses. Ngingiti na sana ako nang makita kong may kasama si bubwit - isang lalaki at babae. Bigla ay sumulak sa akin ang inis at selos dahil may kasama siyang lalaki. Nagtatawanan pa kasi sila, mukhang tuwang-tuwa ang bubwit sa sinasabi ng lalaki.
Tangina!
"Melissa!" tawag ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin. Malawak ang ngiti niya nang makita niya ako. Nilapitan ko sila.
"Hi, kuya Alex!" bati niya. Hinalikan ko ang buhok niya at saka siya hinapit sa baywang.
Amoy barbecue.
"Saan ka galing?" tanong ko kay bubwit. Hindi ko binitiwan ang kanyang baywang.
"May project kaming ginawa, kuya. Nagpunta ako sa bahay ng classmate ko, ngayon lang kami natapos. Siya nga pala classmate ko si Andy at Rowena." napatingin ako sa katabi ng lalaki. Tinanguan ko lang ito. Hindi ko pinansin ang lalaki dahil nabubuwisit kasi ako sa pagmumukha niya.
BINABASA MO ANG
Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under IMMAC PUBLISHING HOUSE
RomanceAng sabi nila kapag pulis matulis. Si Alexandro Dela Costa ay isa sa mga pulis na sobrang tulis. Kaliwa't kanan ang mga babae niya. Paano kung isang araw matagpuan na niya ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso salawahan. Magbabago na ba ang ating...