ALEXANDRO
Hindi ako makaalis sa loob ng comfort room dahil pumurorot ang lolo ninyo. Pinaubos kasi sa akin ni bubwit ang kamias shake niya. Wala naman akong magawa kundi sundin siya. Ayokong mapahiya ang bubwit kaya pinagbigyan ko na.
Walanghiyang Braden iyon hindi na nagising mula sa pagkakahimatay. Wala tuloy akong karamay sa buhay. Bwisit.
Halos pagpawisan ako dahil sa matinding pag-iring ginawa ko. Dito yata na ako mag-stay ng buong araw.
"Kuya, okay ka na? Kanina ka pa kasi diyan sa kubeta," sabi ng bubwit na nasa labas ng pinto. Kahit hirap akong magsalita dahil sa matinding paghilab ng tiyan ko. Nagpasya akong sabihin ang . . .
"Ayos lang ako. Matatapos na ako." Napangiwi ako sa sinabi kong matatapos na ako. Tanginang kamias shake na iyan.
Hindi ko na narinig si bubwit. Malalim akong nagbuntonghininga. Iyong feeling na wala ng ilalabas pero humihilab pa rin ang tiyan ko.
Nang okay na ang pakiramdam ko ay lumabas na ako ng CR. Ngunit parang nanghina ang katawan ko dahil ang dami kong nailabas. Muntik ko nang ilabas pati ang bituka ko! Diyos ko namang buhay ito. Napahawak ako sa hamba ng pinto ng CR. Pakiramdam ko nanganak ako, iyon lang ay tae ang inilabas ko.
Nakita kong nakaupo sa gilid si Melissa at nakayuko. Narinig ko ang kanyang paghikbi. Nilapitan ko siya agad.
"Babe - " nag-aalalang sabi ko. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Nag-angat siya ng tingin . Kita ang luha sa kanyang mga mata.
"Kuya Alex, sorry dahil sa akin nagtatae ka na. Sorry," hinging paumanhin nito. Niyakap ko siya at hinaplos ang kanyang likod.
"Babe, hindi naman ako galit. Baka hindi lang sanay ang tiyan ko sa kamias. Hindi ba yung ampalaya shake hindi naman ako nagtae dun?" napakagat labi ako ng mabanggit ko ang ampalaya shake.
"Talaga, Kuya Alex? Sige ampalaya shake na lang gagawin ko next time para hindi ka na magtae."
Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Sana pala hindi ko na pinaalala ang ampalaya shake. Maybe ihahanda ko na lang ang sarili ko kung ano man ang mangyayari sa akin.
"Kumusta na si Braden nagising na ba siya?"humanda sa akin ang lalaking iyon ng dahil sa kahinaan niya ako ang sumalo ng dapat sa kanya.
"Gising na siya. Nagmukha na siyang kamias Kuya."gusto kong matawa sa sinabi ng bubwit.
"By the way bakit nandito kayo ng Nanay mo?" tanong ko.
Nagpunta kami sa sala. Pinaupo ko si bubwit sa kandungan ko at yumakap sa beywang niya. Inamoy ko ang balikat nito.
"Ang Mommy ni Kuya Braden ay sister ni Nanay. Matagal nang hindi sila nagkikita. Naglayas si Nanay noon dahil sumama siya kay Tatay. Nagalit sila Lolo at Lola sa ginawa ni Nanay kaya itinakwil nila ang Nanay ko. Noong naipanganak na nga ako bumalik sa bahay nila si Nanay para makipag-ayos sa magulang niya pero huli na ang lahat dahil nakaalis na ng bansa ang mga magulang niya kasama ang ate niya. Kaya hayun magmula noon hindi na niya nakita ang magulang at kapatid niya," mahabang kwento niya.
Hinaplos ko ang kanyang likod ng mapansin ko ang paglungkot ng kanyang mukha.
Magkamag-anak pala sila ni Braden. Napangiti ako dahil wala akong kalaban kay bubwit.
"Kuya Braden, okay ka na?" tanong ni bubwit sa kadarating na si Braden. Gusto kong matawa dahil sa hitsura niya. Para siyang napuyat.
Umupo siya at napahawak sa batok niya.
"Okay na ako Melissa kulang kasi ako ng tulog kaya umidlip muna ako," napahilot ito sa sintido niya. Para siyang ginahasa sa hitsura niya.
"Gagawa ako ng cookies para sa iyo. Huwag kang mag-alala masarap naman iyon. Tinuruan naman ako ni Tita Mame. Hindi ba Kuya Alex?" tumango ako.
BINABASA MO ANG
Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under IMMAC PUBLISHING HOUSE
RomanceAng sabi nila kapag pulis matulis. Si Alexandro Dela Costa ay isa sa mga pulis na sobrang tulis. Kaliwa't kanan ang mga babae niya. Paano kung isang araw matagpuan na niya ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso salawahan. Magbabago na ba ang ating...