Melissa
"ANG sama ng Kuya Alex mo!" Napasubsob ako sa dibdib ni Mikaelo at hindi napigilang maiyak.
Napahiya kasi ako sa sinabi ng pulpol na pulis na iyon. Pakiramdam ko ang pangit ko sa mga sinabi niya laban sa akin.
"Huwag mo na lang pansinin si Kuya Alex. Alam ko namang binibiro ka lang niya," hinaplos ni Mikaelo ang aking buhok. Napaangat ako ng ulo.
"Paanong biro iyon? Narinig mo naman ang sinabi niya, 'di ba? Aba, below the belt na kaya ang mga binitwan niyang mga salita laban sa akin."
"Huwag ka ng umiyak I will talk to Kuya Alex. Okay? Halika na matulog na tayo." Pag-anyaya ni Mikaelo sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay. Sumunod na lang ako dahil pagod na rin naman ako at inaantok pa.
Dito na ako pinatulog ni Tita Mame. Ayaw ko sana dahil nahihiya na akong dito kumakain, pati ba naman sa pagtulog, dito pa rin? Parang kalabisan na yata 'yon.
"Good night, Issa. Take a bath before you go to bed," Tumango ako sa bilin n'ya. He kissed my forehead.
"Goodnight, Elo," sabi ko.
Pumasok na ako sa loob ng silid. Dumiretso ako sa bathroom upang maligo. Ilang minuto ang lumipas natapos ako sa pagligo. Pagkalabas ko nang bathroom ay may biglang kumatok sa pinto.
May nakalimutan kayang sabihin si Elo sa 'kin? Sana nag-text na lang siya. Siraulo.
Habang nagpupunas ng basang buhok binuksan ko ang pinto.
"Bakit hindi mo na lang. -" naputol ang sasabihin ko nang makilala ang nasa harapan ng pinto.
Pumameywang ako habang hawak ang tuwalya na nasa ulo ko. Napatingin si kuya Alex sa kili-kili ko. Nakasuot kasi ako ng sando kaya kita ang kili-kili ko.
"Anong kailangan mo? Kulang pa ba ang panlalait mo sa akin?"
Napakasama talaga ng ugali niya. Malayong-malayo ang ugali nila ni Mikaelo na sobrang bait. Napabuntong-hininga ito. Napahawak sa hamba ng pintuan.
"Nandito ako hindi para manlait. I am here to say sorry, babe. Alam kong nasaktan kita sa sinabi ko. Hindi ko naman sinasadya iyon," tiningnan ko ito nang hindi makapaniwala o hindi talaga ako naniniwala.
"Sa palagay mo maniniwala ako sa 'yo? Ilang beses mo na bang sinabi 'yan sa 'kin? Maraming beses na kaya imposible na maniwala pa ako sa'yo. Kung makapanlait ka akala mo wala akong damdaming nasasaktan. Palibahasa kasi mayabang ka."
'Babe, I know marami na akong nasabi sa iyong masasakit na salita, but some are not meant to say kaya nga humihingi ako ng paumanhin. Inaamin ko naman na hindi dapat sabihin iyon. I am just human, nagkakamali."
Naningkit ang mga mata ko. Lahat na lang ba ng nagkakamali iyon ang dahilan?
Alam nilang nakasasakit sa ibang tao pero sinasabi pa rin nila. Bakit ba babe ang tawag niya sa 'kin. Ano ako baboy?
"Huwag mo nga akong tinatawag na babe?! Melissa ang pangalan ko."
Napasuklay ng buhok ang pulis patola dahil sa sinabi ko. Mukhang mawawala na ang pagtitimpi niya sa akin. Bakit hiniling ko bang humingi siya ng sorry? Gago din, eh, no?
"Okay, Melissa, sorry na nga 'di ba? Please forgive me?" Pakiusap nito.
Napanguso ako dahil nakakabwisit ang mukha niya kahit macho niyang tingnan sa suot niyang fitted sando na kulay white at nakasuot ng boxer short.
Napalunok ako nang titigan ko ang gitna ng hita nito. Nakabukol iyon. Gulat na gulat ako nang gumalaw ang bukol nito sa gitna ng hita nito. Napaangat ako ng tingin. Nakangisi ito sa akin.
BINABASA MO ANG
Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under IMMAC PUBLISHING HOUSE
Roman d'amourAng sabi nila kapag pulis matulis. Si Alexandro Dela Costa ay isa sa mga pulis na sobrang tulis. Kaliwa't kanan ang mga babae niya. Paano kung isang araw matagpuan na niya ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso salawahan. Magbabago na ba ang ating...