ALEXANDRO
NAUNANG pumasok si bubwit kasunod ako. Napangiti sa amin si Mame ng makita niya kami. Lumapit ako sa nanay ko at hinagkan ang kanyang pisngi.
Agad na tumabi ng upo si bubwit kay Mame. Niyakap niya ang nanay ko na tuwang-tuwa na makita ito. Napangiti ako dahil kita ko ang saya sa mukha ni mame. Talagang itinuring ng pamilya niya si Melissa.
May nakahain ng pagkain sa lamesa. Wala pa si Dade. Baka pauwi palang iyon.
Naupo ako sa katapat ni bubwit. Napatingin siya sa akin at saka niya ako dinilaan. Napa-makeface naman ako sa kanya. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil para akong bata na pumapatol pa sa bata.
"Mabuti naman dinala mo dito si baby girl," nakangiting sabi ni Mame.
"Alam mo Tita Mame, may dumukot sa akin! Tapos isinakay nila ako sa magara nilang sasakyan! Sukat ba naman itinulak nila ako sa loob ng sasakyan. Ito nga po nagkabukol nga ako," napatingin ako sa noo ni bubwit, may maliit na bukol doon. Nag-igting ang panga ko. Walang karapatang saktan si bubwit. Humanda ang mga iyon sa akin, pag-uuntugin ko sila.
Nanlaki ang mga mata ni Mame habang nakikinig sa sinasabi ni bubwit.
"Sinong mga dumukot sa iyo?!" napabaling ng tingin si Mame sa akin. "Alex, alam mo ba ito? Kailangan mong hulihin ang mga walanghiyang iyon! Sinaktan nila ang baby girl natin."
"Tita Mame, huwag na! Kaya lang naman nila ako dinukot kasi napagkamalan nila akong syota ni Kuya Alex!" napatingin sa akin ang bubwit. "Kasalanan mo kung bakit nila ako dinukot kasi may ginawa kang kasalanan sa kanila!" duro nito sa akin.
Napalunok ako ng bumaling ang tingin ni Mame sa akin. Patay na naman ako.
"Alex, tungkol na naman ba ito sa mga babae mo?! Sinabi ko na sa 'yo magbago ka na! Tingnan mo pati si baby girl nadadamay! Paano na kung may nangyari dito?" yumakap si Mame kay bubwit. Ang isa naman napalabi pa sa akin. Parang gusto ko uminom ng pampababa ng dugo. Feeling ko ang taas ng blood pressure ko. Para na akong singkwenta anyos sa kunsumisyon kay bubwit.
"Mame, good boy na po ako. Hindi na ako nambabae. Ang mga babae po ang lumalapit sa akin kahit iniiwasan ko na." paliwanag ko.
Kahit anong iwas ko hindi pa din tumitigil ang mga babaeng lumapit sa akin. Ilang buwan na akong tigang hindi na ako umaariba. Feeling ko kasi may magagawa akong malaking kasalanan.
"Alam mo Tita Mame, model nga iyong dalawang dumukot sa akin. Sinabihan ko nga silang mukhang kuwago at tsonggo. Pero mga guwapo sila Tita Mame model daw sila ng.." napaisip ang bubwit. Nakatingin ito sa taas na parang nandoon ang hinahanap niyang kasagutan. Biglang pinitik nito ang daliri. " Dulse and Kabana!" parang gusto kong bumunghalit ng tawa sa sinabi niya, napatigil ako ng bumaling sa akin ang bubwit na masama ang tingin.
Napakunot noo si Mame sa sinabi ng bubwit.
"Meron bang ganoon na pangalan Dulse and Kabana?"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil natatawa ako. Napapasulyap ako kay bubwit na binigyan ako ng nakamamatay na irap.
"Iyon ang sinabi nila sa akin Tita Mame. Wala naman akong alam sa name na ganyan," napanguso pa ang bubwit.
"Good evening everyone!"
Napatingin ako kay Dade. Tumayo ako para humalik sa pisngi nito. nagpunta siya sa puwesto ni Mame at hinagkan sa noo nito. Ganoon din ang ginawa ni Dade kay bubwit.
"Mahal, may alam ka bang Dulse and Kabana?" tanong niya kay Dade halos malukot ang noo ni Dade dahil sa katanungan ni Mame sa kanya.
"Dulse and Kabana? Parang wala akong ganoong naririnig na pangalan," naupo si Dade.
BINABASA MO ANG
Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under IMMAC PUBLISHING HOUSE
RomanceAng sabi nila kapag pulis matulis. Si Alexandro Dela Costa ay isa sa mga pulis na sobrang tulis. Kaliwa't kanan ang mga babae niya. Paano kung isang araw matagpuan na niya ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso salawahan. Magbabago na ba ang ating...