Chapter 15

21.3K 645 40
                                    

Melissa

Pinagkaabalahan ko na lang gawin ang pag-aaral ko. Hindi ko dapat siniseryoso ang love sa ngayon dahil mahalaga ang pangarap ko kaysa ang pag-ibig na wala namang magandang maidudulot sa akin puro kasawian.

"Issa, samahan mo ako sa bookstore may bibilhin kasi akong book." Sabi ng kaibigan kong si Andy. Naging close ko siya mula noong unang araw ko sa kolehiyo.

"Sige, pero ilibre mo ako ng meryenda," nakangiting sabi ko. 

Nag-aya sa mall ang kaibigan ko dahil wala itong kasama kaya sinamahan ko na. Saka wala naman akong gagawin sa bahay.

"Oo ba! Alam ko namang magpapalibre ka," sabay tawa nito. 

Siyempre nakakapagod maglakad, no? Kayakailangan ng energy at iyon ay pagkain. Napanguso ako. Inakbayan niya ako at ginulo ang buhok ko. Nanlaki ang mg mata ko.

"Hoy, huwag mong guluhin ang buhok ko!" reklamo ko rito.

Tumawa lang ito sa akin. "Ang cute mo kasi habang nakanguso kaya natutuwa ako sa iyo," aniya.

Napadila ako sa kanya. Para siyang si Mikaelo. Ginugulo rin ang buhok ko kapag inaasar ako at palagi rin akong nililibre. Napangiti ako kay Andy.

"Pagod ka na ba?" tanong sa akin ni Andy.

"Oo pagod na ako at masakit ang mga paa ko. Siguro pahinga na muna tayo doon." 

Itinuro ko ang isang bench malapit sa isang kainan. 

Nang makaupo ako ipinatong ko ang isang paa ko sa upuan para alisin ang rubber shoes. Sumasakit ang bukong-bukong ko dahil sa kalalakad naming dalawa ni Andy.

"Diyan ka muna bibili lang ako ng pagkain natin," nakangiting sabi nito. "Ano ba ang gusto mo?" tanong nito sa akin.

Nag-isip ako."Gusto ko ng cheesy fries tapos pizza," sabi ko. 

Napakamot sa ulo si Andy sa sinabi ko. "Doon na lang tayo kumain sa Dominos. Mabubusog tayo doon dahil ang malaki pizza nila. Don't worry libre ko," lumaki ang mga mata ko. Nagutom ako bigla.

Dahil sa sobrang saya niyakap ko si Andy. Tatawa-tawa lang na umakbay siya sa akin.

"Ang bait mo talaga! Isa kang anghel sa lupa. Huwag ka pa sanang kunin ni lord," natatawang biro ko sa kanya.

"Ikaw talaga binibiro mo na naman ako," sabi nito. 

Napangiti ako nang maalala ko sa kanya si Mikaelo. Parehas din sila mapagbigay at parehong pogi at mabait.

"Salamat Andy, kasi hindi ka naiinis sa kakulitan ko kahit palagi kitang inaasar."

Gawain kong asarin siya sa school. Lagi kong sinasabunutan ang curly na buhok nito. May lahi itong amerikano. Matangkad din kagaya ni Mikaelo. Nami-miss ko na ang best friend ko.

"Oh, bakit nalungkot ka?" hinaplos niya ang buhok ko.

"Miss ko na kasi ang best friend ko. Kagaya mo rin siya palaging nanlilibre at mabait," sabi ko.

"Don't worry lahat ng ginagawa ng best friend mo ako na ang gagawa ngayon. Ayokong nalulungkot ka, Issang. Bestfriend?" sabi nito.

"Bestfriend!" nagkatawanan kaming dalawa.

******

PUMASOK kami sa Dominos. Excited na akong kumain. Napahawak ako sa kamay ni Andy. Naupo na kami sa bakanteng mesa na nakita namin na nasa sulok. Pumunta na si Andy sa counter para um-order. 

Habang naghihintay kay Andy hindi ko sinasadyang napatingin sa entrance ng kainan. Nakita ko si kuya Alexandro at ang babaeng orocan na kung makahawak sa braso ni Kuya Alexay para lang mighty bond kapit na kapit. Nagkakatawanan pa sila wala naman nakakatawa. Napaismid ako.

Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under  IMMAC PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon