Chapter 6

24.8K 628 19
                                    

Melissa

"AYOKONG  pumunta sa bahay niyo nandoon ang demonyo mong kuya!" sabi ko kay Mikaelo. Nag-aaya siyang pumunta kami ng bahay nila dahil gusto daw ni Tita Mame na pumunta ako doon. Aayusan niya daw ako. Kapag kasi nandoon ako palagi akong inaayusan ni Tita Mame. Ginagawa niya akong manika kung ano ano pinapasuot sa akin. Bumibili pa nga iyon ng mga pang-girl na damit. Para ibigay sa akin. Wala daw kasi siyang anak na babae kaya sabik ito na magkaroon.

" Wala si Kuya Alex ngayon nasa condo na nito. Nagluto si Mame ng madaming ulam. Sabi niya nga pumunta ka daw. Para daw sa iyo ang mga niluto niya." biglang nagningning ang mata ko.

"Sige sige pupunta ako. Huwag tayo magmeryenda ha para makadami ako ng kain. " pumalakpak pa ako. Kiniskis ko ang palad ko na parang sabik na sabik na makakain na. Masarap kasi magluto si Tita Mame. Kaya panay akong nagpupunta sa bahay nila. Napapailing sa akin si Mikaelo.

"Ikaw talaga kapag pagkain mabilis ka pa sa alas kuwatro," sumampa ako sa likod ni Mikaelo.

Habang nakasakay ako sa likod ni Mikaelo. Nasalubong namin ang babaeng nagkakagusto kay Mikaelo na si Cindy. Mahiyain kasi ito sobra. Kapag nasasalubong namin ito panay ang yuko nito. Paano ko nga ba nalaman na may gusto si Cindy kay Mikaelo? Narinig ko kasi silang nag-uusap ng kaklase nila na pinag-uusapan ang mga crushes nila. Kaya mula noon palagi ko na silang tinutukso ni Mikaelo. Itong isa naman parang babae ang pakipot ha. Kung makaisnab daig pa ako.

"Elo, iyong love of your life," sabi ko. Napatingin si Mikaelo sa itinuro ko. Halos mamula ang mukha ni Cindy sa sobrang hiya nang mapatingin ang best friend kong si Mikaelo.

"Hi, Cindy, si Mikaelo," sabi ko at itinuro siya. Wala man lang reaction ang isa. Bigla kong binatukan si Elo.

"'Tangina, naman Issa, bakit mo ako binatukan!" singhal nito sa akin.

"Ang suplado mo kasi. Akala naman nito pogi!" bumaba ako sa likod niya at hinarap ito.

"Pogi ka?" pang-aasar ko sa kanya. Bigla kong hinila si Cindy palapit kay Mikaelo. Saka ko itinulak kaya napasubsob sa dibdib ni Mikaelo si Cindy. Nagtatakbo ako para iwanan sila doon.

Tatawa-tawa akong naglakad. Habang palabas ng school hindi ko inaasahan makita ang demonyong mayabang. Ano ang ginagawa niya dito? Sinusundan ba ako nito? Nagkatitigan kaming dalawa. Napangisi ang demonyong pulpol na pulis.

"Ihatid na kita bubwit," sabi nito. Napataas ako ng kilay sa sinabi niyang ihahatid ako. Bakit ba ako tinatawag na bubwit nito. Hindi ako daga. Inismiran ko ito.

"War tayo at hindi kita bati. Thank you na lang kaya kong umuwi mag-isa at may pamasahe ako!" tinalikuran ko na ito at sumakay agad sa jeep na huminto. Binelatan ko ito ng napadaan sa tapat nito ang jeep saka ako nag f*ck you sign.

Nanlaki ang mga mata ko ng may biglang lumapit at pumulupot na babae sa demonyo. Sabi ko na nga ba hindi naman ako ang pinunta niya doon. Iyong professor na babaeng mahigad pala ang pinunta niya doon. Tumalikod na ako para hindi ko na makita ang paghahalikan nila. Bakit ba ako nakakaramdam ng pagkainis at selos? Bahala siya sa buhay niya demonyo siya.

"Oh, 'nak, bakit ang aga mo yata umuwi ngayon, hindi ka ba dumaan kila Mikaelo?" naupo ako sa upuan naming kahoy at itinaas ang paa ko kahit nakapalda pa ako. 

"Hindi po, Nay. Nakakahiya naman po kung palagi akong nagpupunta doon para makikain." Maalala ko pala inaaya pala ako ni Mikaelo ngayon doon. Sayang siguradong masarap ang nilutong ulam ni Tita Mame. Tiningnan ko ang mangkok na may takip. Inalis ko ang nakatakip doon. Pinakbet ang ulam, binili ni Nanay siguro ito sa may kanto.

" Kumain ka na diyan, pupunta ako kila Lydia maniningil ng pautang ko sa Avon," 

"Sige po, Nay, ingat po." Kumuha ako ng plato at nilagyan ng kanin. Naghugas muna ako ng kamay bago kumain.

Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under  IMMAC PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon