ALEXANDRO
"Babe, dito na ba kayo titira sa bahay nila Braden?" tanong ko sa kay Melissa at saka siya inakbayan.
"Oo kasi gusto makasama ni Nanay ang ate niya. Tsaka masarap dito madaming makakain palagi nga akong kumakain ng ice cream. Sa bahay kasi occasionally lang ako nakakain ng ice cream." napanguso ang bubwit.
"Bakit hindi mo sinabi na gusto mo pala ang ice cream. Sana araw araw kitang bibilhan ng ganun." napalingon sa akin si bubwit. Ang cute niya talaga kaya inlabo ang lolo niyo sa kanya.
"Hindi ka naman tumutupad sa mga pangako mo. Lagi mo akong inaaway tapos lagi ka busy paano mo ako mabibilhan." reklamo nito.
"Sorry na babe." hinagkan ko ang pisngi niya. Dumada moves ang lolo niyo. Pasimple moves
"Ay igagawa kita ng bago kong recipe. Naisip ko lang ito kagabi. Filipino fruits ito. Di ba sa ibang bansa pinaghalo halo nila ang mga apple, orange tsaka grapes. Bakit hindi ko itry ang mga fruits ng Pilipinas." parang gusto ko mapaubo. Ano na naman kayang fruits ang naiisip ng bubwit. Diyos ko huwag naman sana ang naiisip kong kakaibang prutas.
Pumapalakpak pa ang bubwit na tuwang tuwa sa gagawing recipe na shake. Kailangan ko siguro ayain ang mga pinsan ko para may karamay ako sa buhay.
"Hayaan mo kuya magugustuhan mo naman iyon. Hindi ba last time nagustuhan ni Kuya Raymond ginawa ko? Sabi pa nga niya perfect! " inakbayan ako ng bubwit.
Pagkapasok ko ng bahay nagulat ako ng maabutan ko si Charise na nakaupo sa sala. Kausap nito si Mame at Dade.
"Oh, Alex," sabi ni Dade sa akin.
"Hi, Alex. Napadaan lang ako dito. Hindi na tayo nakakapag-usap." Sabi nito.
"Maiwan na muna namin kayo diyan at may gagawin pa kami nitong mahal ko," sabi ni Dade sa amin. Napangisi ako.
"Ikaw ang landi mo. Napakatanda na natin para umariba." Inirapan ni Mame si Dade. Habang si Dade ay hinagkan ang ilong ni Mame. Napangiti ako dahil naalala ko si bubwit.
"Walang matanda sa pag-ariba. Hindi ba, Alex?" gusto kong matawa kay Dade. Kasi kumikindat kindat pa ito kay Mame. Habang si Mame naman ay hinahampas niya sa balikat si Dade.
"Ewan ko sa inyong dalawa! Matutulog na ako!" tumalikod na si Mame at nagpunta na ng silid nila.
"Mahal, naman ariba na tayo para naman ma-exercise ako. Mukhang kulang na ako sa exercise nirarayuma na ang balakang ko." Sabi ni Dade sinundan na nito si Mame.
Napaiiling na lamang ako. Napabaling ang tingin ko kay Charice na nakangiti sa akin.
"Nakakatuwa sila Tito at Tita sana ganun din tayo kagaya ng sa kanila." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Ano palang ginagawa mo dito? " tanong ko. Kahit alam ko kung anong kailangan niya.
"Alex, gusto kong ibalik natin ang dati. I still love you." Pag-amin nito sa akin. Umupo ako sa pang-isahang sofaat pinakatitigan ko siya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung mayroon pa ba akong nararamdaman sa kanya. Ngunit wala na. Wala ng spark kunbaga sa kwitis nasupot wala ng ilaw.
"I want to be honest with you. Wala na akong nararamdaman para sa iyo, Charise. Ayokong umasa ka sa wala. Matagal ng panahon na wala na akong nararamdaman para sa iyo." Pag-amin ko sa kanya. Ilang beses ko na bang sinabi sa kanya pero parang manhid ang babaeng ito.
"Bakit hindi natin subukan uli. Tingnan natin kung maibabalik pa ang pagmamahal mo sa akin. Please, Alex, give me a chance to prove to you na I am worth for you." Pakiusap nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under IMMAC PUBLISHING HOUSE
RomanceAng sabi nila kapag pulis matulis. Si Alexandro Dela Costa ay isa sa mga pulis na sobrang tulis. Kaliwa't kanan ang mga babae niya. Paano kung isang araw matagpuan na niya ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso salawahan. Magbabago na ba ang ating...