MELISSA
TULALA akong umuwi ng bahay. Ni hindi ko nga magawang kausapin si kuya Braden nang ihatid niya ako. Salita siya nang salita pero ang utak ko nasa ibang dimensyon. Tumango lang ako nang tanungin niya ako kahit hindi ko naman naiintindihan kung anong tanong niya. Nagmumukha siyang baliw na wala naman kausap kung hindi ko man lang siya pansinin.
Nang makapasok sa maliit naming sala nakita ko si Nanay na nag-aayos ng mga product niyang Avon. Ide-deliver sa mga pagbebentahan niya. Madami pa siyang product na ibinebenta kaya palagi siyang wala dito. Naupo ako sa sofa namin.
"Oh, anak nandito ka na pala. Para kang magnanakaw hindi ko namalayan nandito ka na pala," sabi ni Nanay. Hindi mawala sa isip ko ang nasa picture.
"Nay, bakit hindi niyo hinanap ang kapatid mo?" bigla kong tanong sa kanya. Nagulata pa nga si Nanay sa tanong ko.
Naalala ko noon na lagi kong tinatanong kung nasaan sila Lola at Lolo ko. Dahil gusto kong makita ang mga magulang ni Nanay. Panay kasi ang Lolo at Lola ko na magulang ni Tatay ang dinadalaw namin sa probinsya. Sabi ni Nanay na naglayas siya noon at hindi na niya alam kung saan na nakatira ang mga magulang niya. Kaya hindi ko na tinanong pa.
"H-hindi ko alam kung nasaan na sila."umupo si Nanay sa tabi ko.
"Paano Nay, kung alam ko kung nasaan ang ate mo?" sabi ko. Napatingin si Nanay sa akin. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Matagal ng panahon ng umalis ako sa bahay namin. Alam mo naman ang kuwento ng buhay pag-ibig namin ng Tatay mo. Ayaw na ayaw nila sa Tatay mo dahil mahirap lang siya. Nagsumikap lang ang Tatay mo kaya niya naabot ang pangarap niyang maging pulis. Naging masaya ang pagsasama namin noon. Nang magbuntis ako sa iyo nagpasya kaming puntahan ang Lolo at Lola mo pero wala na sila sa tinitirhan nila. Ang sabi ng mga kapitbahay nila nagpunta na ng America ang lolo at lola mo kasama si ate. Kaya mula noon hindi na ako naghanap pa sa kanila. Alam kong hindi pa din nila ako napatawad sa ginawa kong paglalayas." Napaluha si Nanay. Hindi ako sanay na umiiyak si Nanay. Ang huli ko lang nakitang umiyak si Nanay ng namatay si Tatay.
"Nay, nakita ko ang ate mo. Puntahan mo siya kailangan ka niya," hinawakan ko ang kamay ni Nanay. Nagpahid siya ng mga luha.
"Paano mo nalaman kung saan ang ate ko?" tanong ni Nanay.
"Nagkataon lang, Nay. May nakilala kasi akong dalawang lalaki. Modelo po sila at naging kaibigan ko po sila. Mga guwapo sila Nay at mababait naman. Iyong isa kamukha ni Dolly yung aso ni Tita at si Kuya Braden ang anak ng ate mo. May pinakita kasi siyang picture ng kapatid niya na nawawala at matagal na daw niyang hindi nakita dahil naglayas. Aba Nay ang ganda nga ng pose niyo doon para kayong pabebe. May pa-ribbon pa kayong nalalaman, huh?! Tapos naka-shoes pa kayo doon at ganda ng dress niyo mukhang mamahalin," sabi ko.
"Ikaw talagang bata ka pati suot ko napansin mo pa. Gusto ko siyang puntahan anak."
"Sige, Nay. Pababalikin ko si Kuya Braden.Wait lang Nay tawagin ko si Kuya Braden." tinawagan ko ang number ni Kuya. Ilang ring lang sinagot na niya.
"Hi, Kuya Braden! Balik ka dito dali! Now na!" utos ko sa kanya. Napatingin ako kay Nanay at nginitian ko siya.
"Huh?! Eh malapit na ako sa Bahay Bakit anong nangyari.?" tanong nito.
"Basta Kuya, please? Balik ka kung hindi!" at saka ko pinatayan ng tawag.
"Sino ba iyong tinawagan mo? Uber ba 'yan?" wow maka UBER si Nanay.
"Ay, ang sosyal mo Nay, huh? May pa UBER ka pang nalalaman. Driver ko po yun, Nay. Charmos lang! " birong sabi ko. "Si Kuya Braden po anak ng ate mo. Makikisakay tayo sa car niya. Nay, may kamias pa po ba tayo diyan?" balak kong dun na lang gumawa kila Kuya Braden ng Kamias shake. Wala naman kasi kaming blender dito. Purita kami. Sigurado magugustuhan nila iyon pati si Nanay.
BINABASA MO ANG
Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under IMMAC PUBLISHING HOUSE
RomanceAng sabi nila kapag pulis matulis. Si Alexandro Dela Costa ay isa sa mga pulis na sobrang tulis. Kaliwa't kanan ang mga babae niya. Paano kung isang araw matagpuan na niya ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso salawahan. Magbabago na ba ang ating...