Chapter 30

22.4K 586 153
                                    

ALEXANDRO

Bad trip na bad trip ako sa dalawang aso dahil sa ginawa nila sa sapatos ko. Hindi ko na maisusuot ang mga iyon. Hindi ko nga masabi kung sapatos pa ba iyon o kalakal?

Umuwi akong walang yapak. Napatingin ang guard na nakabantay sa gate namin. Sumaludo lang ito at tinanguan ko naman.

"Anak, bakit ka nakapaa?" tanong ni Dade habang nakatingin sa paa ko.

"Nasira po ang sapatos ko," tipid na sabi ko.

"Bakit mumurahin na ba ang sapatos mo mgayon? Pagkakaalam ko puro mamahalin ang mga sapatos mo at hindi madaling masira kahit palagi mong gamitin," sabi ni Dade. Inilapag nito ang tasa ng tsaa na iniinom nito sa lamesita.

Naupo ako sa pang-isahang sofa na katabi ng inuupuan niya. Napahilot na lang ako sa aking sintido. Sumasakit ang ulo ko sa tatlong iyon. Pakiramdam ko maaga akong kukunin ni lord. Na-stress ang lolo niyo. Ang akala ko makakatulong ang asong binigay ko para mapatalsik ko ang aso na wala ng mga mata. Iyon pala magiging magkakampi pa ang dalawa.

Nag-join force pa sila. Leon kaya ang bilhin ko para siguradong kakainin ng buo ang dalawa. Ang sakit ng ulo ko dahil sa hitsura ng sapatos ko.

"Pinaglaruan po ng aso nila Melissa. Yung aso na iniregalo ko sa kanya," sabi ko.

Siguro hindi muna ako pupunta doon. Ayokong makita ang dalawang iyon nabubuwisit ako. Baka masipa ko lang palabas ng Pilipinas.

"Anong breed ng aso ang sumira sa sapatos mo? Pitbull o Siberian husky?" tanong ni Dade.

"Shiz tsu at chow chow," biglang natawa si Dade sa sinabi kong breed ng aso. Ano namang nakakatawa sa nasirang mamahalin na sapatos? 

"Ano sabi ni Melissa?" natatawang tanong ni Dade.

"Pinagalitan niya po ang dalawa," tinapik ni Dade ang balikat ko.

"Okay lang yan, anak. Mas importante si Melissa dahil pinasaya mo siya sa simpleng bagay." Sabi niya. Tumayo na si Dade. Napasunod ang tingin ko sa kanya habang paalis. 

Hindi ko mapapatawad ang dalawang aso. 

HALOS umapoy ang mga mata ko sa kakairap sa dalawang aso. Nakatingin kasi sa akin. Tumabi sa akin si bubwit at yumakap sa beywang ko.

"Kuya Alex, forgive mo na sila. Kawawa naman sila. Nagso-sorry na sa iyo," pakiusap niya sa akin. Isa pang masamang sulyap ang ginawad ko sa dalawang aso.

"Hindi ko mapapatawad ang dalawang iyan. Dahil sa kanila nasira ang mamahalin kong sapatos. Hindi mo ba alam na galing pa ng US ang sapatos ko? Limited edition iyon," nakasimangot na sabi ko.

Ngumuso ang bubwit. "Para sapatos lang? Madami pa namang pagkakataon na magkaroon sila uli," sabi ng bubwit. Oo nga naman pero mahirap maaktuhan ang pagkakataong magkaroon ng limited edition dahil sa dami ng bumibili niyon. Saka pinag-ipunan ko iyon.

"Kayong dalawa kakain na," sabi ng Nanay ni bubwit. 

Tumayo na kaming dalawa ni bubwit. Napalingon ako ng sumunod ang dalawang aso sa amin.

"Stay there!" bulyaw ko sa aso. Napahinto naman ang dalawang aso sa paglalakad. Umupo ang mga ito at nagpaawa ang hitsura nila. Akala naman nila maawa ako sa kanila. Napakalaki ng kasalanan nila sa akin. Bayaran nila kaya sinira nilang sapatos ko.

NASA malayong lugar ang buy-bust operation namin. Nakipag-coordinate kami sa mga kapulisan doon kung saan nagpunta ang target naming suspect.

"Men, maghanda kayo!" utos ko sa mga tauhan kong ang lalaki ng tiyan. Kaya kami natatakasan ng mga suspect puro mga butete itong mga tauhan ko. Siguro kailangan kong mag-suggest kay general na magkaroon ng fitness day.

Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under  IMMAC PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon