Chapter 24

20.4K 612 54
                                    

MELISSA

Nagising ako na masakit ang braso ko. Napatingin ako sa paligid. Napanguso ako dahil silid ni Kuya Alex ito. Napalingon ako sa katabi ko. Nakatihaya si Kuya Alex at nakanganga pa pero in fairness ang guwapo niyang tingnan kahit tulog at nakanganga.

Napahagikgik ako dahil may naisip akong kalokohan. Mabango kaya hininga ni Kuya kahit hindi pa nag-toothbrush? Napatakip ako ng aking bibig dahil natatawa ako. Inilapit ko ang ilong ko para amuyin ang hininga ni Kuya Alex. Napangiti ako kasi mabango ang hininga niya hindi bad breath. Ako ba? Bumuga ako ng hangin. Hindi din naman. Nagpasya na akong tumayo pero bago ako bumaba ng kama napatingin ako sa may pagitan ng mga hita ni Kuya Alex. Hala! Bakit may umbok doon?

Dahil likas sa akin ang kuryusidad. Itinaas ko ang kumot. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Bigla kong ibinalik ang kumot. Diyos ko! Napaantanda pa ako. Nagmadali akong lumabas ng silid ni Kuya Alex. Baka kasi tukain ako ng ahas!

ALEXANDRO

KINAPA ko ang katabi ko ngunit walang tao. Nagmulat ako ng mga mata. Wala na pala si Melissa sa tabi ko. Mukhang maagang nagising.  Humikab ako at nag-inat ng braso ko. Nagpasya akong maligo muna bago lumabas ng silid ko. 

Nang makapasok sa dining area nakita ko si Mame at bubwit na nag-aalmusal na. Lumapit ako sa Nanay ko at ginawaran ito ng halik sa pisngi. Isinunod ko si bubwit. Ngunit tila nagulat siya sa ginawa ko. Nangunot ang noo ko dahil parang may iba sa ikinikilos ni bubwit. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

"Mukhang masarap ang agahan, ah? Ikaw ba ang nagluto, Issa?" tanong ko sa kanya.

"H-hindi k-kuya," nauutal na sabi nito. Napatingin ako kay bubwit. Mamaya ko na lang siguro tanungin. May something talaga kay bubwit.

"Alex, ikaw na muna ang maghatid kay baby girl. Ihahatid ko na kasi itong mga cakes at mga cookies. Iba kasi ang way ko," sabi ni Mame. Napatingin sa akin si bubwit ng mapadako ang tingin ko sa kanya. Bigla na lang siyang napayuko.

Nang makaalis si Mame lumapit ako sa kinauupuan ni bubwit. Hindi talaga ako sanay na ganito siya na tila iniiwasan niya ako.

"Babe, tell me may problema ba? Parang may iba sa iyo? Hindi ka naman ganyan kahapon."

"Eh, kasi Kuya Alex," napahinto  siya sa pagsasalita at mapahawak sa damit nito. "May nakita ako . . ." pagpapatuloy niya sa kinukwento niya. Napakagat labi pa siya. Nangunot ang noo ko.

"Anong nakita mo?" tanong ko. Nangamot ng ulo si bubwit.

"Kuya kasi huwag mo ng tanungin!" napapanguso pa ito at pinadyak ang paa nito. Kaya natawa ako sa inasal niya.

"Bakit mo ako tinatawanan!" sabi nito nang makita niya ang pagtawa ko. Inirapan niya ako.

"Ano ba kasing problema at ganyan ang hitsura mo? Para kang may nakitang hindi kanais-nais."

"Hindi naman kasi kanais-nais iyon. Nakakatakot naman kasi iyon!"

"Tell me, babe. Ano ba kasi iyon?" napanguso ang bubwit. Napatingin ito sa ibaba ko.

"Ganun ba iyon Kuya Alex kapag nakatulog ka?" nangunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin?

"Anong ganun ba ang ibig mong sabihin?" parang alam ko na ang ibig niyang sabihin. Gusto kong matawa sa hitsura ng bubwit kasi namumula na ito at hindi mapakali ang mga mata. Kamot pa ng kamot sa ulo niya. Mukha na tuloy siyang bruha.

Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under  IMMAC PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon